Eleven

1689 Words
NAGLALAKAD-LAKAD si Nadia at Riko sa malawak na garden upang magpababa ng kinain. Merong malaking batong fountain na may kerubin sa gitna na siyang main attraction. Napaliligiran ng mga mabeberdeng halaman at makukulay na bulaklak ang buong hardin. May nakakalat na stone bench sa paligid na pwedeng upuan. Maraming residents ang tumatambay rito lalo na sa oras na libre sila gumawa ng kahit na ano. Tahimik na nagmamasid si Nadia sa paligid. People of all ages ang mga resident sa loob ng Love and Hope. Mula sa kanila ni Riko na nasa early-twenties hanggang sa mas nakatatanda na mga late-fifties. Patunay na walang pinipiling edad ang addiction. Matapos marinig ang kwento ng buhay ni Riko, naisip ni Nadia na siguradong may kanya-kanyang rason at dahilan ang bawat isa kung bakit nalulong sa masamang bisyo ang mga ito. Madalas na humahanap ng madaling solusyon ang mga tao panglaban sa kalungkutan at problema. Ang alak, droga, at casino ang isa sa pinakamabilis na paraan dahil sa tuwing lulong ka sa mga bagay na ito ay nakalilimutan mo ang realidad. Nagkwentuhan pa sila ni Riko ng kung anu-anung mga bagay. Ilang oras niya pa lang nakakausap ang dalaga ay magaan na agad ang loob niya rito. Bukod sa hindi ito nauubusan ng kwento at mga trivia ay naaliw talaga siya kay Riko. “Nakita mo ba `yung matabang lalaki na nakaupo sa hagdan?” Sinundan ni Nadia ang direksyon na tinuturo ni Riko. Natanaw niya ang isang lalaki na nakaupo sa batong hagdan patungong second floor. Kumakain ito ng sandwich. He remembered that guy. Ito `yung katabi niya nung nakaraan during mass ni Father Joselito. Sa binti nito siya nagtago nung nakita niya si Jace. “Yes, kilala mo siya?” “Yup. His name is Joey. Apo ng Mayor sa Dipolog. Two months na siya rito. Wala siyang ibang ginawa kundi kumain nang kumain. Mabait at harmless naman `yan pero slow nga lang kausap. Ang dinig ko nadepress siya nung namatay ang mommy niya. Tumaba, nabully kaya nag-drugs.” Nadia felt bad for him. Ang mga katulad nito ang numero uno na nakukuntyawan dahil sa pisikal na aspeto. Mukha naman itong mabait sa katunayan ay cute ito kahit malusog. Maputi, mamula-mula ang pisngi, at mukhang adorable na panda. “Hi Riko!” May lalaking dumaan sa harapan nila at kumaway. “Hi Paps!” bumati pabalik si Riko. “Looking good, honey. You’re prettier today than yesterday. I’m sure tomorrow you’ll be more beautiful.” Pilyong kumindat ito at pa-cool na naglakad na parang si Johnny Bravo. May mga binati pa itong ibang babae. Parang dumaan ang hanging Habagat sa katauhan nito. Natawa si Nadia sa inakto ng lalaki. Umikot naman ang mata ni Riko nang humarap sa kanya. “`Yun naman si Paps. Dating businessman pero nalulong sa casino at drugs kaya na bankcrupt. Iniwan ng asawa’t anak kaya rito ang bagsak. Ingat ka riyan, matanda na pero matinik pa rin sa chiks. Madaming dalagang nurse at residents na ang nabiktima niyan dito.” Napailing na lang si Nadia. Naalala niya si Jace. Mukhang may kakumpetensya ang gunggong sa pagiging Mr. F*ckboy sa loob ng Love and Hope. Naglakad pa sila ni Riko nang madaan sila sa fountain. Napansin ni Nadia ang isang matandang babae na mag-isang nakatayo sa harapan nito. May suot itong itim na habit at may hawak na malaking rosaryo. “May madre pala dito sa loob?” tanong niya. Lumingon si Riko sa babae at napabungisngis. “Resident din `yan. Si Mother Theresa.” “Huh? Adik din siya?” “Oo, dating madre `yan pero sinubok ang pananampalataya niya sa Diyos kaya `yan at nalulong sa droga. Kakilala siya ni Father Joselito at malapit silang magkaibigan.” Hindi makapaniwala si Nadia na kahit pala `yung mga taong malapit na sa Panginoon ay malilihis pa rin ang landas. Wala talagang pinipili ang temptasyon. Sa oras na mabulungan ka ng demonyo na gumawa ng masama ay hahatakin ka nito. Halata na ang katandaan sa kulubot nitong balat. Nakapikit si Mother Theresa habang nananalangin gamit ang rosaryo. Kahit sa edad ay angat pa rin ang kagandahan ng mukha nito. She reminds her of Gloria Diaz. “Ang usap-usapan ay may third eye si Mother Theresa at nakakakita ng mga multo. Ewan ko lang kung talagang totoo o baka hallucination niya lang dahil natuyot na ang utak sa droga.” Pagdating ng alas kwarto ay pinatawag na sila sa loob ng main hall upang magkaroon ng afternoon activity. Kung hindi bible study ay socialization therapy ang ginagawa nila tuwing hapon. “Good afternoon. I will group everyone into six. Randomly pick ang groupings. Kaya makinig kayong mabuti at tatawagin ko isa-isa ang pangalan ng bawat magkaka-group,” sigaw ni Ms. Minchin, isa sa senior residents na nagpa-facilate ng kanilang mga activities. Maraming volunteers sa Love and Hope na katulad ni Ms. Minchin na nanggaling din sa isang rehab at ngayon ay nagpa-payback sa community bilang volunteer facilitator. Isa-isang tinawag ang magkakagrupo. “For group seven, please come forward. Mariko Matsunaga, Nadia Montemayor…” Magkahawak-kamay na nagtiliian sina Nadia at Riko nang malaman na magiging magka-grupo sila. “Joey Mendoza, Paolo Borromeo, Theresa Santiago…” Sunud na lumapit sa harapan ang mga tinawag. Hindi inaasahan ni Nadia na ang mga taong kanina lang nila pinag-uusapan ni Riko ay magiging kagrupo nila. “And the last but not the least is…” Nag-aabang ang lahat kung sino ang kukumpleto. “Jace Devenacia.” Pakiramdam ni Nadia pinagsakluban siya ng langit at lupa. Ang dakilang gunggong na sumisira ng araw niya ay malaki ang ngisi na lumakad palapit. Tumabi pa ito sa kanya at dinikit ang mukha nito sa kanya. “Hi, Nadia.” Tumirik na naman ang mga mata niya at nanlaki ang butas ng ilong. Sandali lang pala ang pananahimik ng buhay niya dahil nandito na naman ang asungot para bwisitin siya. Napangiti nang malaki si Riko nang mapagmasdan si Jace. Kagat-labi na may kasamang pag-ipit ng buhok sa likod ng tenga na nilahad nito ang kamay sa binata. “Hi, ako pala si Riko.” Inabot `yun ni Jace. He flashed his charming smile. “Jace.” “May girlfriend ka na ba Jace?” diretsang tanong nito. Nanlaki ang mata ni Nadia sa pagiging blunt ng babae. Lalong lumaki ang ngiti ni Jace sabay hawak sa batok nito. Pa-cute pa ang gago! Bwiset! Halos umikot ng three hundred sixy degrees ang mata ni Nadia dahil bawat kilos nito ay naiirita siya. “Meron na.” Bumagsak ang mukha ni Riko samantalang nagulat naman si Nadia. Aba! At may girlfried na pala ito pero lantaran kung landiin siya! Naku! Gigilingin niya talaga ang pagmumukha nito sa gilingan. “Sino?” tanong ni Riko. “Si Nadia.” Nanlaki ang mata niya at agad itong hinarap. “Anung pinagsasabi mo diyan?! Hindi mo ako girlfriend!” Tumaas ang sulok ng bibig nito. “Hindi pa… pero magiging akin ka rin.” His eyes sparkled like a mischievous devil. “Ha! In your dreams!” she scoffed. “Gabi-gabi ka na ngang laman ng panaginip ko, eh.’ Gusto na talaga niyang ibalibag si Jace at balian ito ng buto. “Style mo bulok! Narinig ko na `yang banat mo! At kahit araw-araw ka pang pumick-up line diyan, hinding-hindi ako mahuhulog sa pambobola mo.” Naalala na naman niya ang paglalanding ginawa nito kanina sa cafeteria. Lalo tuloy kumukulo ang dugo niya sa lalaki. “Huwag kang magsasalita nang tapos at baka pagsisihan mo `yan bandang huli.” Pumamewang siya at hinarap ito ng nakataas ang kilay. “Wala akong pagsisisihan dahil never mangyayari `yun!” Naningkit ang mga mata niya. “Alam mo bang lalo kang gumaganda kapag sinusungitan mo ako? Kaya magsungit ka lang nang magsungit kasi lalo akong na-aattract sa `yo.” Nanggigigil na’ng ngipin ni Nadia at dinuro ito. “Hoy! Tigil-tigilan mo nga ako! Baka akala mo hindi ko alam ang ikot ng bituka ng mga f*ckboy na katulad mo? Basang-basa ko ang mga galawan mo kaya hindi uubra sa `kin `yan!” Heto naman ang kumag na si Jace na tila permanente na ang ngiti sa labi. “Malapit ko nang isipin na sinasadya mo akong tarayan para lalo akong magkagusto sa `yo.” Aba! Aba! Aba! Puputok na talaga ang mga ugat niya sa inis. “Feelingero ka talaga `no?! Hindi ka lang pala GGSS. Mas tamang tawagin kang Narcissistic! Ang laki rin ng bilib mo sa sarili mo na akala mo lahat ng babae magkakandarapa sa `yo. Hindi porke may abs ka, maganda ang hubog ng biceps at chest mo ibig sabihin sexy ka na! Hindi porke maganda ang ilong mo, mahaba ang pilikmata, at pinkish ang lips ibig sabihin gwapo ka na! Higit sa lahat… hindi porke nakakalaglag panty kang tumingin at ngumiti, ibig sabi—” Natigilan siya nang mapagtanto kung anu ang mga kagagahang lumabas sa bibig niya. Napalunok nang mabagal at madiin si Nadia lalo na at lahat ng atensyon ay nasa kanilang dalawa na pala ni Jace. Nakatunganga ang mga resident at si Ms. Minchin na parang nanonood ng isang nakakikilig na eksena sa koreanovela. Maging si Riko, Joey, Paps at Mother Theresa ay hindi maitago ang mga ngiti sa labi. Napapikit si Nadia at nag-iinit ang mukha na nagtago sa likuran ng kamay niya na para bang kaya siya nitong takpan. Anu pang mukhang ihaharap niya sa buong center? Anu ba naman kasi itong bibig niya! Napaka-pasaway! Samantala, ang mga ngiti ni Jace ay daig pa ang na-jackpot sa lotto. Nilapit nito muli ang mukha kay Nadia at pasimpleng bumulong. “Thank you for the compliment.” Taas noong naglakad ito palayo at isa-isa na ring sumunod ang mga ka-grupo para simulan na ang kanilang activity. May panunuksong tingin na binanga ni Riko ang balikat ni Nadia. “Bagay kayo. I ship your loveteam!” Kagat labi at pikit matang naglakad pasunod si Nadia sa mga kasama. Jusko Lord! She can’t accept all these humiliations! #DenyPaMore #PakipotPaMore #TarayPaMore #BistadoKaTuloyNgMoreMoreMore
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD