Twelve

3417 Words
KASAMA sa treatment program ng Love and Hope ang tinatawag na socialization therapy. Each group will be led by a therapist that will conduct the session where everyone are encouraged to open up their feelings, frustrations, perspective, realizations at marami pang iba. Ang layunin ng group therapy ay matulungan ang mga resident na ilabas ang mga saloobin na maaring hindi nila kayang masabi sa ibang tao most especially about their addiction.  “This will be your peer group from now on. Every week meron tayong iba’t ibang socialization activities that requires your participation. It could be in a form of sports, recreation, music, arts, and dancing,” paliwanag ng dalagang therapist na Ms. Vina. Nakasuot ito ng salamin at neatly bun ang buhok. May maganda itong ngiti at maaliwalas na mukha. Nakaupo ang lahat habang nakabuo ng bilog at nakaharap sa bawat isa. Tahimik lang na nakikinig si Nadia sa instructions ni Ms. Vina. Katabi niya sa kanan si Riko at sa kaliwa naman niya ang matabang si Joey. Sa katapat na upuan naroon si Jace na hindi nakikinig sa kanilang therapist kundi lantarang nakatingin lang kay Nadia mula pa kanina. Tamad lang itong nakasandal sa upuan, nakahalukipkip habang nakapalumbaba gamit ang isang kamay. Pinipilit ni Nadia na mag-focus sa kanilang therapy session pero paano naman niya gagawin `yun kung may isang gunggong na pinapanood na ata maging pagbuntong hininga niya. `Di man niya sulyapan si Jace ay ramdam niya ang init ng mga mata nito na tila mapanuksong apoy na nais siyang pasuin. Napapangiti si Riko sa tabi dahil tahimik lang nitong pinanonood ang dalawa. Kinikilig ito sa tuwing iniirapan ni Nadia si Jace at ang huli naman ay tila batang malakas ang sapak na nanadyang mang-inis. Ang tingin ni Riko sa dalawa ay mga teenager sa high-school na nag-aasaran sa loob ng classroom. Halata na agad ni Riko na gustong-gusto ni Jace si Nadia dahil ang mga lalaki ay mahilig magpapansin sa babaeng natitipuan nila. `Di na ito nakatiis at pasimpleng bumulong kay Nadia. “Buti hindi ka pa nalulusaw diyan sa upuan mo. Kanina ka pa tinitignan ni Jace.” Pasimpleng sumulyap si Nadia sa gawi ni Jace. Nagtama ang mata nila. `Di pa rin maalis-alis ang ngiti nito sa labi na lalo niyang ikinangingitngit. Wala na ba itong alam gawin kundi sirain ang mood niya? Mission and vision ba nito sa buhay ang asarin siya? Sinimangutan niya si Jace. Bumuka ang bibig nito pero walang tunog na lumabas. Kumunot ang noo ni Nadia dahil hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito. Ang pagkakaintindi niya ay “a”, “i”, at “u.” Paulit-ulit lang na gumagalaw ang bibig nito hanggang sa naunawaan niya ang ibig nitong sabihin. “I. . . miss. . . you. . .” Umakyat na naman sa ulo niya ang kumukulong dugo. Sa bwisit niya ay ginatihan niya rin ito. Bumuka ang bibig niya at walang tunog na binigkas ang mga katagang: “f**k you!” Tatawa-tawa lang ang gunggong at katakot-takot na irap ang binigay niya rito bago binalik ang atensyon kay Ms. Vina. Matapos magsalita ni Ms. Vina ay nagsimula na ang kanilang session. Kailangan nilang ipakilala ang sarili sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga basic information. Unang nagsalita ang pinakamatandang lalaki sa grupo. “I’m Paolo Borromeo, but you can call me...” Naglabas ito ng maliit na comb at sinuklay ang buhok sabay kindat. “Paps.” Tila ba nag-spark ang shiny, shimmering, and splendid nitong ngipin. Alanganin napangiwi si Ms. Vina. “It’s nice to meet you, Paps. Ilang taon ka na?” Mayabang itong umismid, nagtaas ng dalawang braso sabay flex ng biceps at nag-posing na parang si Johnny Bravo. “I’m forty-nine, but I look thirty-nine, and I kiss like twenty-nine.” #GGSSMasterLevelwithOneBillionEXP Nagkatawanan ang lahat. Sasang-ayon si Nadia sa huling sinabi nito dahil mukha nga itong sampung taon na mas bata sa edad nito. Maganda pa rin ang tindig ni Paps at mukhang alaga pa rin sa exercise ang katawan habang hindi pa nawawala ang charisma. Hindi kataka-taka na marami pa rin itong nabobolang babae. Nakikita na niya ang magiging itsura ni Jace pagtanda. Also, Paps completely reminds her Ninong Johnny. Kwela rin kasi iyon at matinik sa babae. “Pinanganak ako sa Davao pero sa Manila ako nag-aral, nakapagtapos, at nagkapamilya hanggang sa tinayo ko ang logistic company ko two decades ago. `Yun nga lang minalas sa negosyo kaya nalugi.” Nagkibilit-balikat lang ito na para bang cool na cool lang sa nangyari. Sumunod na nagpakilala ang pinakamatandang babae. “Ako si Theresa Santiago. Pumasok ako ng kumbento nung ako’y disi-otso anyos pa lamang. Buong buhay ko naglingkod lamang ako sa Panginoon pero minsan akong nalihis ng landas at nagpagapi sa bulong ng demonyo. Kaya mga anak, maging maingat kayo. Tibayan niyo ang inyong pananampalataya dahil hindi titigil ang mga diablo hanggang hindi niya tayo nahahatak palayo sa Panginoon. “Nandiyan lang sila sa tabi-tabi. Nagtatago sa anino at dilim. Namumula ang kanilang mga nanlilisik na mata, matutulis ang mga sungay, at pangil. At maitim ang kanilang mga balat. Maaring mamayang gabi ay katabi niyo sila matulog at bubulong sa inyong mga tenga.” Nakangiti at malumanay na pahayag ni Mother Theresa na para bang walang weird sa mga sinabi nito. Nagsitayuan ang mga balahibo ng bawat isa. Tila may itim na aura ang pumapalibot sa matanda at biglang umihip ang malakas na hangin. Sa gulat ng lahat ay nagbukas-sara ang mga bintana sa paligid ng main hall na lalong nakadagdag ng takot nila. Napatingin ang lahat sa mga bintana at pansamantalang naputol ang nagaganap na therapy ng bawat grupo. Biglang kumidlat at kumulog nang malakas sa langit na tila may nagbabadyang bagyo. Halos isiksik ni Riko ang sarili sa balikat ni Nadia na parang takot na kuting habang hinimas naman ni Nadia ang magkabilang braso dahil tumirik nang husto ang mga balahibo niya. Baka mamaya ay kamag-anak pala ito ni Valac. #ScaredSiAcoeh Alanganing napangiwi si Ms. Vina. Tumikhim ito. “Thank you, Mother Theresa, ikaw naman ang sunod.” Tinuro nito si Joey na kasalukuyang kumakain. Napunta ang lahat ng mata kay Joey. Natigil pa ang huling pagsubo nito ng mamantikang potato chips. Nakabuka ang bibig habang nagpalipat-lipat ang tingin sa bawat isa. Tinuro nito ang sarili at nagtatanong ang mabibilog na mata. Ngumiti si Ms. Vina at maingat na tumungo. “Yes. It’s your turn. Tell us something about yourself.” Tila nag-aalangan pa itong magsalita at binaba ang kamay. Lumilikot ang mga mata nito at namumula ang pisngi. “Come on. Don’t be shy,” malumanay na udyok ni Ms. Vina. Tumikhim ng dalawang beses si Joey bago nagsalita. "Uhm..….…..….… a..….…..….… ko..….…..….… nga..….…..….… pa..….…..….…la..….…..….… si..….…..….… Jo..….…..….…Jo..….…..….…” Lahat sila ay napanganga sa tagal at bagal nitong magsalita. Ang boses nito ay malaki at mababa. Totoo nga ang usap-usapan na napaka-slow nito at daig pa ang nagbu-buffering na internet connection. “Jo..….…..….…” Bawat isa sa kanila ay nakabilog na rin ang mga bibig at bumibigkas ng “Jo.” “Jo..….…..….…” Mukhang mauuna pang makarating ang pagong sa destinasyon nito bago ito matapos magsalita. “Jo..….…..….…” Humihikab na si Paps at nag-uunat naman ng braso si Jace. “Jo..….…..….…” Nanatiling nakatingin si Ms. Vina at Mother Theresa na tila mga nanay na nagchi-cheer sa anak na nasa isang school program. Nakanganga pareho sina Nadia at Riko. Matapos ang mahigit sampung minuto. “..….…..….…ih. Joey.” Sabay-sabay silang nag-exhale. “Thank-God-Allelujah-Praise-The-Lord-May-Himala-Amen!” mabilis na turan ni Mother Theresa sabay sign of the cross at halik sa rosaryo nito. Sabay-sabay na tumugon ang lahat, “Amen.” Bumuka ulit ang bibig ni Joey upang sabihin naman ang apelido nito pero mabilis na tinaas ni Ms.Vina ang isang palad. “That’s okay for now Joey.” Alanganin itong ngumiti. Nakahinga ulit nang maluwag ang bawat isa dahil torture para sa kanila kung magpapatuloy pa ito at baka abutin na sila nang pagtilaok ng manok. Sunud na nagpakilala si Riko, Nadia at panghuli si Jace. Matapos ang introduction ay nagsimula na si Ms. Vina para sa discussion. “You are all here with us in Love and Hope because all of you have decided to make a change and stop your addiction. And I know that it took a lot of courage to make this kind of decision. Kaya ngayon pa lang ay gusto kong palakpakan niyo ang inyong mga sarili.” Sumunod ang lahat at pumalakpak nang mahina. Napabuntong hininga na lang si Nadia dahil wala naman siyang magagawa kundi panindigan na lang din ang pagiging adik nang sa ganoon ay makaalis siya nang maayos at walang aberya after six months. Useless lang kung ide-defend niya pa sa lahat na hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot dahil pag-iisipan lang na in-denial siya. “For today’s session, let us talk about the word “guilt.” What comes in your mind when you hear this word?” Natahimik ang anim at nagpalitan ng tingin. Nagpakikiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Si Riko ang unang nagtaas ng kamay. “Regrets?” Ngumiti si Ms. Vina. “That’s right, Riko. Why regret?” Nakagat ni Riko ang ibabang labi at pinaglaruan ang mga daliri habang nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng hita nito. “I regret everything that I did. Kung hindi siguro ako masyadong naging immature at inintindi ko na lang ang parents ko, hindi sana ako naimpluwensiyahan ng ex ko na gumamit ng drugs. Akala ko kasi, makakalimutan ko ang kalungkutan by using drugs. But I ended up breaking the trust of my parents. Mas lalo tuloy silang naging malayo sa akin. I feel guilty for everything.” Maluha-luha ang mga mata ni Riko. Saglit na natahimik ang lahat. Malumanay na hinimas ni Nadia ang balikat ni Riko. Nababasa niya sa mga mata nito na totoong nagsisisi na ito sa pagkakamaling ginawa dala ng kapusukan. Her heart compressed. “Thank you for sharing your feelings, Riko. It’s a good sign that you’re accepting your mistakes. It’s never too late to correct all the wrong things you have done in the past.” Nagpasalamat si Riko rito. “How about the others?” Umikot ang mata ni Ms. Vina. “You, Nadia?” Lahat ng atensyon ay lumipat kay Nadia. Kumabog ang didbib niya at madiin na napalunok. Tinatanong lang naman nito kung anu ang saloobin niya kaya wala naman sigurong mawawala kung magiging honest siya. Besides, she’s maybe not an addict but she’s been feeling down lately. Mainam na rin siguro na mailabas niya ang mga bagay na kinikimkim nang sa ganoon ay manatili siyang matino sa loob ng anim na buwan. Taimtim lang na nakatingin si Jace sa kanya. Tumikhim si Nadia at humugot ng malalim na hangin bago nagsalita. “I guess it’s also regret. I feel bad because I didn’t give extra effort to get closer to my Dad.” Tila ba may bagay na bumara sa lalamunan niya kaya kinalaingan niyang kagatin ang ibabang labi upang pigilan ang sarili na maiyak. “Totoo pala ang kasabihan na araw-araw dapat palagi mong sinasabi at pinaparamdam sa mga taong mahal mo kung gaano mo sila kamahal. Because one day, magugulat ka na lang na wala na sila. And you are left feeling all the regrets of not showing your affection. It kills you every single second of the day. Dahil kahit anung pagtulog ang gawin mo gabi-gabi, hinding-hindi ka na magigising sa bangungot na wala na sila sa tabi mo.” Dumaan ang matagal na katahimikan sa buong grupo. Nanatiling nakayuko si Nadia dahil tuluyang pumatak ang luha niya. However, she felt light and good. Masarap palang ilabas ang mga bagay na iyon. Pakiramdam niya ay nabawasan ang mabibigat na batong nakadagan sa dibdib niya na naipon simula nang mamatay si Nathaniel. Then Nadia realized that she’s might be needing this therapy more than how she’d thought. “I understand how you feel, Nadia. I was also devastated when my grandmother died five years ago. Siya kasi ang nagpalaki sa `kin dahil maaga akong naulila sa mga magulang ko,” malumanay na sabi ni Ms. Vina. Hindi na rin nito napigil ang pamumuo ng luha sa mga mata. Gumanti si Nadia ng tipid na ngiti sa dalaga. Pinunasan niya ang luha sa pisngi. Yumakap naman si Riko sa balikat niya at hinimas niya ang ulo nito. Lumipat ang tingin niya kay Jace na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niyang seryoso. Malambot ang mga mata nito. Hindi ito nakangiti o nang-iinis. Hindi niya mabasa kung anu ang iniisip nito but somehow his eyes felt like he was trying to comfort her. Naputol ang mahaba nilang tinginan ni Jace nang muling magsalita si Ms. Vina. “Who else wants to share?” Sumunod na nagsalita si Paps. Sinabi nito na nagi-guilty at nagsisisi ito nung ginalaw nito ang pera ng kumpanyang itinayo nito at pinangsungal sa casino. Noong magsimula kasing mag-pull out ang mga big clients ng kumpanya dahil nagkaroon ng problema sa quality ay doon ito nakaramdam ng pressure at matinding anxiety. Sa pamamagitan ng pagsusugal at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nakahanap ito ng mabilis na paraan upang makatakas sa totoong mundo. “Iniwanan ako ng asawa’t mga anak ko. Kahit anung pagmamakaawa ko na bumalik sila sa `kin ay walang silbi.” Mapait itong ngumiti. Tuluyang nawala ang pagiging cool ni Paps at bumakas sa mukha nito ang labis na kalungkutan. “Anu nga ba naman ang maibibigay ko sa kanila kung sarili ko nga ay hindi ko magawang ayusin? `Yung mga kapatid ko ang nag-udyok sa `kin na pumasok sa rehabilation center. Napagtanto ko rin na kailangan kong ibalik ang sarili ko sa dati. Umaasa pa rin ako na mabubuo ang pamilya ko.” Nadia’s heart compressed. Habang naririnig niya ang kwento ng bawat isa. Mas nagagawa niyang maunawaan ang mapait na realidad na mayroon ang bawat tao. Sa labas ng center; sa ilalim ng mata ng mga mapanghusgang mga mamamayan. Napakadaling sabihin na salot sa lipunan ang mga adik. Ang tingin sa mga ito ay mga patapon at walang maidudulot na mabuti sa komunindad at sa kapwa. Pero ang totoo ay tao lang ang mga ito na sinubok ng mabibigat na problema. Maraming mga bagay na bumabato sa buhay ng bawat isa. Maaaring sa iba ay kaya nila itong malagpasan. Ngunit marami ang mahihina at natatakot itong harapin kaya mas piniling tumakbo at maghanap ng ibang solusyon para pansamantalang makalimutan ang sakit. Hindi salot sa lipunan ang mga adik. Kailangan lang ng mga ito nang mas malaking pang-unawa at sapat na atensyon upang maramdaman ng mga ito na maraming nagmamahal sa mga ito. “It’s never too late, Paps. Everybody deserves a second chance. Kailangan lang natin tulungan ang sarili natin na muling makabangon.” Pagpapayo ni Ms. Vina na may ngiti sa labi. Tumungo-tungo si Paps at maliit na ngumiti. “How about you, Jace? Can we hear your thoughts?” Lumipat ang atensyon ng lahat sa binatang nakayuko lang mula pa kanina. Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin. Ngumisi ito at umiling. “Nah, passed.” “Come on, Jace. Don’t worry, we’ll listen to you,” pag-udyok pa rin ni Ms. Vina. Umiling ulit ito. Napakunot ang noo ni Nadia. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang nanahimik si Jace. Malayong-malayo sa kilala niyang makulit at alaskador. Ilang beses pa itong kinulit ni Ms. Vina na magsalita pero nanatili itong tahimik. Unti-unting dumilim ang mukha ni Jace na ikinabahala ni Nadia. Humugot ng malalim na hangin si Ms. Vina. “Jace, we are here to help you. We need your cooperation, we can’t help you if—” Nagulat ang lahat nang bigla itong tumayo. Naninigas ang bagang nito. “Let’s stop this shit.” Naglakad ito palabas ng main hall. “Jace!” Tumayo si Ms. Vina ngunit hindi na lumingon pa ang binata. Agad ding tumayo si Nadia at sinundan si Jace. Tinawag siya ni Ms. Vina pero sinabi niyang babalik din siya agad. Tumakbo siya at naabutan si Jace na naglalakad palayo. “Jace! Jace, sandali lang!” Nahuli niya ang braso nito. Lumingon si Jace na madilim pa rin ang mukha. Tila naputol ang dila niya at hindi alam kung anu ang sasabihin. Nang makabawi sa pagkagulat ay agad siyang nagtanong, “Bakit ka umalis?” “I’m bored,” walang ganang sagot nito at muling naglakad. Pero agad siyang humabol at hinarang ito. “Jace! Are you okay? May problema ba?” malumanay niyang tanong. Nasurpresa rin siya sa sarili na hindi niya ito tinatarayan. Bagkus, ay pilit niya itong inuuwa. Natahimik si Jace at matagal na tumingin sa kanya. Ilang ulit na nagtaas baba ang adams apple nito. For a while, Nadia thought she saw sadness in his eyes pero mabilis iyong nawala at napalitan ng ngisi. “`Pag hinalikan mo ako magiging okay na ako.” She grunted. “Jace,” aniya sa seryosong tono. He smiled bitterly. “Don’t mind me. Go back there.” Muli itong naglakad. Sinundan niya ulit ito. Ngayon ay bumaliktad na ang kanilang sitwasyon at siya na ngayon ang tila tuta na susunod-sunud dito. “Alam mo, mas makabubuti kung bubuksan mo ang sarili mo habang nandito ka sa loob ng center. Iyon naman ang purpose ng treatment at therapy. You need to cooperate para matulungan ka nila sa addiction mo—” “What do you know?” Natigilan siya sa biglang pagtigas ng boses ni Jace. Halata sa mukha nito ang disgusto. “Therapist ka ba?” Napalunok si Nadia. “You need help,” mas mariin niyang wika. Ngumisi ito at tumawa nang mapait. “Help? I don’t need any f*cking help. Not from here, not from the doctors or that b***h, Vina. I’m perfectly fine.” “No, you’re not!” Tumaas na ring ang boses niya. “Dahil kung totoo `yang sinasabi mo, bakit ka nandito?” “Dahil sa tarantado kong tatay.” “Hindi ka ipapasok ng Daddy mo dito sa loob kung hindi mo kailangan ng tulong.” Jace scoffed. “Why are you suddenly nagging me, Nadia? Are you my girlfriend?” Natigilan siya at napakunot ang noo. Ngumisi nang nakakaloko si Jace. “Masyado mo na atang sineseryoso ang mga biruan natin dalawa at feeling mo may karapatan ka ng umaktong girlfriend ko.” “What?” She can’t believe what she’s hearing from him. Jace stepped forward. “Pwede naman nating totohanin.” Pinulupot ni Jace ang braso sa bewang niya. Napasinghap nang malakas si Nadia. Yumuko ito at pumantay sa mukha niya. Sobrang lapit nito at nararamdaman na niya ang init ng hininga nito sa kanyang balat. “But I don’t need someone who’ll nag me. I need a girl who would warm my bed,” he whispered with lust in his eyes. Mabilis na sumiklab ang matinding apoy sa dibdib ni Nadia. Tinulak niya si Jace at binigyan ito ng malakas na sampal. Tumunog ang pagkakadikit ng palad niya sa pisngi nito at tumagilid ang mukha nito. Nagtaas-baba ang dibdib ni Nadia habang nag-iinit ang kanyang mga mata. Nagsisisi siya na nagbigay pa siya ng concern sa lalaking ito. Wala itong kwenta! Wala siyang ibang nararamdaman ng mga sandaling iyon kundi matinding pagkasuklam. “Bastos!” Bago pa siya sumabog ay mabilis na niyang dinala ang mga paa at naglakad palayo kay Jace. Naiwan itong nakatunganga at naninigas ang panga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD