Chapter 5

1123 Words
Pagdating nila ni bobby sa dalampasigan ay nandun na ang lahat, sila na lang ang hinihintay ng mga to. Nang tumingin siya sa gawi nina Bry nagulat pa siya dahil nakatingin din ito sa kanya, Wala siyang nababasang emosyon sa mga mata nito, Hind niya mawari kung galit ba ito o nag tatampo pa rin sa kanya. Kakausapin niya na lamang ito mamaya bago sila umuwi hindi pa naman siya sanay ng ganito sila. "Rich dito na kayo ni bobby sa tabi namin ni belle" Saad ni shiela sa kanya kaya nabaling ang tingin niya dito. Nang tumingin siya kay Bry nakita niya na may bakante sa tabi nito, hindi niya masabi sa para sa kanya iyon dahil nga hindi pa rin siya kinakausap ng binata. gusto niya na mag bati na sila ng binata kaya ang ginawa niya imbes na umupo sa tabi nina belle ay doon niya napiling umopo sa tabi nito. tumingin ito sa kanya at nginitian niya ito baka sakali maging okay na silang dalawa. Pero hindi man lang ito gumanti ng ngiti sa kanya nasasaktan siya sa pag babaliwa nito sa kanya hindi kasi siya sanay na hindi sila nag uusap na dalawa. "Brylle" Mahinang saad niya dito pinipigilan niya na tumulo ang luha niya dahil may iba silang kasama, " I'm sorry." Tumingin ito sa kanya na wala pa ring nababakas na emosyon. "Umayos ka ng upo aalis na ang bangka. " Kalmadong saad nito, Tumango lamang siya dahil hindi rin niya alam ang sasabihin dito. Humarap na ito sa nobya at nakita niyang ang pag yapos ng mga braso nito sa baywang ng dalaga. Tumingin na lamang siya sa dagat kahit gustong gusto ng tulo ng mga luha niya ay pilit niyang pinipigilan, Siya dapat ang kayakap nito siya dapat ang naka pwesto dito. Nang tumingin siya sa gawi nina belle at shiela nakita niyang nakatingin ang mga ito sa kanya at may nababakas siyang awa sa tingin ng mga kaibigan, ngumiti lamang siya ganun din ang dalawa sa kanya. Alam niya na naaawa Alang mga ito sa kanya pero nag kibitbalikat na lamang siya, Nakita niyang may espasyo pa sa pagitan ng mga to at gusto niyang lumipat na lamang doon para hindi siya mag mukhang kawawa tignan. nagsisi tuloy siya kung bakit dito pa niya piniling umupo kanina. "Rich dito kana sa tabi namin ni bobby, may sasabihin kasi ako sayo."Wika ni belle na parang alam na nito ang iniisip niya. Ngumiti siya dito."Sige" tumayo na Siya. inalalayan siya ni bobby at umupo sa pagitan nito at ni belle. Nang pasimpleng sumulyap siya sa gawi nina Bry nakita niya nakatingin na ito sa kanya. May nababakas na sa mata nito na isang emosyon, Pero di niya mawari kung anung klaseng emosyon ang nasa mga mata nito. Pagdating nila sa Isla pulo-an. Namangha siya ganda ng Isla, Oo nga at naka ilang beses n silang pumunta ni Bry sa paradise resort pero hindi pa nila nasubukan mag island hopping dito. "Wow what a beautiful island" Namamanghang saad niya at sabay nang pag ikot at tingin sa buong Isla. "Oo nga subrang ganda dito masarap mag bone fire dito sana mamayang gabi kaya lang may pasok na tayo bukas." may panghihinayang na saad ni shiela. "Welcome sa Isla pulo an ma'am,sir" Sabi ni Lynn sa kanila. Si Lynn ang tour guide na naka assign sa kanila. Marami pa itong sinabi tungkol sa Isla at talagang nakakamangha pala talaga ang Isla nato. "Pwede po tayong umakyat diyan sa burol at pag nasa pinakamataas na po tayo pwede kayo pag patong patong ng bato, Sabi nila pag pinatungan ang bato mo ng taong mahal ka at mahal mo ay kayo daw po ang mag kakatuyan balang araw" Sabi pa sa kanila Lynn "Talaga po, Totoo po ba Yun?" seryosong tanong ni Trish ky lynn "Maraming nag sasabi lalo na ang mga matanda na binabalik balikan ang lugar na ito kasama ang taong mahal nila." paliwanag no Lynn dito. "Wala naman mawawala kung subukan natin diba?" Ani naman ni shiela "Oo nga babe, subukan din natin." excited na segunda ni Joyce ky shiela sabay hila ky Bry paakyat ng burol Wala naman siguro mawawala kung susubukan niya din, total isang kasabihan lamang iyon. "Oh my god! kung maganda ang ibaba mas maganda ang tanawin dito, tignan mo yun babe ang ganda ng buong Isla" Saad ni Joyce nang nasa taas na sila ng burol. Ang iba nilang kasama ay nag umpisa na mag kanya kanya gumawa ng mag kakapatong na bato ganun din naman siya, nang sumulyap siya sa kina Bry ay hindi niya inaasahan na nakatingin din pala ito sa kanya,nag Iwas agad siya Ng tingin dito. yumuko siya at pinag patuloy na Ang Ginagawa maya maya pa ay natapos na ako sa ginagawa kong mountain stone. kaya pumunta muna siya Kila belle para mag patong din ng bato sa kanila, Sabi naman ni Lynn pwede daw mag lagay din ng bato sa mga taong importante sayo. "Tapos na ba kayo belle?" tanung niya rito "Oo tapos na, Ikaw ba tapos na rin? "Oo mag lalagay lang ako ng bato sa inyo ni shiela para maging solid ang friendship natin" nakangiting babi niya. "Ay sige after mo dun naman tayo sa gawa mo kami naman ang mag lalagay ng stone wish namin" sabat ni shiela nag lagay muna siya sa bato ni belle ganun din si shiela at sunod naman naming nilagayan ay ang kanyang mountain stone wish at nag lagay din si belle. After namin mag lagay sa bato nila ay pumunta kami sa ginawa ko medyo malayo ito sa ginawaan nila gusto ko kasi yung may mga naka palibot na Puno kaya doon ako nag lagay. Napakunot naman ang noo ko ng makita ang bagong patong na bato doon. " sino naman mag lalagay ng bato dito?Bulong niya "saan Ang gawa mo Rich?" Pukaw ni shiela sa kanya, tumikhim muna siya bago ito sinagot. "Ah ito" turo niya sa mountain stone na gawa niya. "Shie dito muna kayo ha pupunta lng ako banda dun" paalam niya kay shiela. "saan ka naman pupunta?" tanung ni belle sa kanya "Basta diyan lang ako banda saglit lang ako, babalik din ako kaagad." tumalikod na siya sa mga to. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng mga kaibigan. May pakiramdam siyang si Bry ang nag lagay bato sa ginawa niyang wishing stone, hinanap niya ang ginawa nito, nang makita niya ay agad siyang kumuha ng maliit na bato upang ipatong din sa wishing stone nito humiling, Kung totoo man ang sinabi kanila ni Lynn sana ay sila nga ang makatuloyan at mahalin siya ni Bry na isang babae at hindi isang kapatid katulad ng pag mamahal niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD