Chapter 4

1010 Words
Pagkatapos ng pag uusap namin ni brylle sa kwarto ay tinutoo nito ang sinabi sa kanya na hindi na siya nito pakikialaman pa. Hindi na rin siya nito kina kausap kahit mag kaharap lamang sila. " Bry you should try this" Nakangiting sabi niya dito at inilagay sa plato nito ang beef salpicao." I know that's your favorite. " "You don't have to do that. May kamay naman ako para kumuha niyan .yeah that's my favorite kaya kukuha naman talaga ako. " Malamig na turan nito sa kanya "Im sorry nasanay lang kasi ako na ako lagi ang nag lalagay sa plato mo. " Nakayukong saad niya dahil bigla siyang nahiya sa sinabi nito. Nakatingin lang ang iba nilang kasama na halatang nag tataka sa kinikilos nilang dalawa, kahit si Joyce ay halata sa mukha nito ang pag tataka. "Simula ngayon sanayin mo na ang sarili mo na hindi na ginagawa ang dating mga nakasanayan mo. Hindi ba ito naman talaga ang gusto mo?" Sabay tayo nito at umalis na sa harap ng mesa. " My problema ba kayo ni bry, Chell? " tanung ni joyce sa kanya. "Wala, may tampuhan lang kaming dalawa." nakangiting saad niya dito "Ok, susundan ko na muna c bry." sabi pa nito at tumayo na rin. Napabugtong hininga siya. "Ok ka lang?" Tanung ni shiela sa kanya "Ok lang ako, oo nga pala doon ako sa room niyo matutulog ha. Ayaw ko naman na makaistirbo kina bry at joyce saka nakakahiya" wika niya at itinuloy na ang pag kain. "Dahil ba jan kaya kayo nag katampo? Ang babaw naman ng lalaking yon parang sa ganun lang mag tatampo agad." Hindi niya na pinansin at sinagot pa ang tanung ng mga ito. Nasa kwarto na sila ngayong tatlong mag kakaibigan at nag hahanda nang matulog. " Umamin ka nga sa amin Rich kaya ba kayo nag away ng magaling na lalaking yon dahil dito ka tumuloy? " deretsang tanung ni, Maybelle sa kanya. Tumango siya sa rito, "Iwan ko ba, gusto ko lang naman mag desisyon para sa sarili pero ito ang kinalabasan, nagalit ako sa kanya kasi pakiramdam ko lahat ng gagawin kailangan alam niya at siya ang mag dedesisyon kung pwede at hindi, kaya nagalit, siya at sinabi nya sa akin na mula ngayon ay hindi niya na ako pakikialaman pa." Paliwag nya sa mga kaibigan. "My god, what a childish attitude, tapos ngayon hindi kana nya pinapansin? Konti na lang talaga iisipin kong gusto ka niya at kaya niya pinangangalandakan ang girlfriend nya dahil gusto ka niyang pag selosin." Iiling iling na sambit ni shiela. "Iwan ko ba, saka hindi ganun ang pag kakakilala ko kay bry, di nya magawang manggamit at mangloko ng babae. " " Baka akala mo lang na di niya magawa, minsan kasi buksan mo yang mata mo wag kang maging bulag, nang makita mo na kung anu ang nararamdaman niya sayo" Wika naman ni belle " Ayaw ko na siyang pag usapan matulog na tayo." sabi niya at umayos na sa paghihiga. Kinabuksan tanghali na siyang nagising kaya naman nag madali na siyang mag ayos, hindi man lang siya ginising ng dalawang bruha, alam niya siya na lang inaantay ng kasamahan nila. Pag baba niya nakita niya na nasa lobby ang mga kaibigan. Tama nga, siya na lang inaantay dahil kumpleto na ang mga kaibagan niya doon. "Sorry, kanina pa ba kayo? " Hinge niya ng paumanhin sa mga kasama ."Ay hindi naman girl, mga kalahating oras lang." irap sa kanya ni shiela "Sana kasi Rich sinabi mo don sa katagpo mo kagabi na bawal kang puyatin, Anu oras kana ba nakauwi kagabi at hindi na namin namalayan ang pag dating mo?" Sabat ni belle na kinalaki ng mata niya, alam niyang nag bibiro lang pero sa tono kasi ng boses nito ay akala mo ay kapani-paniwala. Napatingin siya kay bry nakita niya ang pag kuyom ng kamao nito at pag igting ng panga. "Kumain kana Rich alam ko naman na gutom kana." sabi sa kanya ni bobby kaya naman ngumiti siya dito. " Ay sus ka sweet talaga nitong si bobby kumain na kayong dalawa ma uuna na lang kami sa inyo sa tabing dagat." Panunukso pa ni shiela "Dapat kasi di mo pinuyat yang si Rich, Di sana maaga yan nagasing" segunda dito ni maybelle na kinakunot ng noo ni bobby. "Kung mag kwekwento pa kayo diyan mabuti pang mauna na kami. " Putol ni Bry sa usapan at halatang iritado ang boses nito "Ah, mauna na kayo susunod na lang ako guys" Mungkahi niya sa mga kasama at nag sipag tango naman ang mga to at nauna sa kanila, tinignan siya ni belle at shiela ng makahulugan na para bang may nais pang sabihin pero tumango din ang mga to, at nauna ng umalis. Kunot noo siyang tumingin kila Bry na nasa harapan pa niya, ang akala niya kasi mauuna na ang mga to, " Mauna kana bobby susunod na lang ako, after kong kumain." sabi pa niya na binaling ang tingin kay bobby "Sabay na tayo di pa rin kasi ako nag aalmusal " turan nito sa kanya "Ganun ba, sige kumain na tayo, mauna na kayo joyce susunod na lang kami " nakangiting saad niya kay joyce, Na hindi pinansin ang katabi nito " Babe let's go " aya nito sa nobyo, nagkasalubong ang tingin nila ng mapatingin siya rito may kung anung emotion sa mga mata nito na di niya mawari kung anu , tumango ito sa girlfriend at tumalikod na din. " Lumabas ka pala kagabi? " Tanung ni bobby sa kanya habang kumakain, "Hindi," " Ha, Bakit nasabi ng dalawa? " " Pasensiya kana sa dalawang yong talagang may toktok ang mga pag utak ng mga yon " " Akala ko talaga lumabas ka-." " Tapos kana ba tayo na baka kanina pa nag aantay ang mga yon. " Putol niya sasanihin nito at niyaya niya ito ayaw ng pahabain pa ang pakikipag usap dito. " Oo, tara na " Tumayo na rin ito at sumunod sa kanya palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD