"My god hindi ako makapaniwala na pangalawang kasal niyo na ngayon ni Brylle best." saad ni Sheila habang ina ayosan kami dito ngayon sa aking kwarto sa bahay ni papa. Isang linggo na ako dito habang si Brylle nasa kanila. Ngayon ang araw ng kasal namin sa simbahan. "Ako rin Rich, imagine ang bestfriend mo noon at asawa mo na ngayon." si Belle na umiling iling pa. "Sabi na namin sayo eh, ang pagiging over protective niya ay iba." dugtong pa niya. "Tama, sino ba naman ang kaibigan lang ang tingin sayo pero dinaig pa ang ama mo sa pagbabawal ng lahat ng bagay sayo. Ultimo kami dati ayaw niyang makasama mo ha, kasi naagaw namin ang oras mo." singit naman ni Shiela. "Saka my kaibigan lang ba na bawalan ka mag boyfriend at magpaligaw." natatawang saad niya "Style niya bulok noh. Saka alam n

