Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay niyaya kong mamasyal si Bry sa dati namin tambayan sa may ilog sapa malapit sa kanila. Nag dala na din kami ng extra na damit kung sakaling maisip naming maligo doon. Dala dala ko ang ibang buko na nilagay sa tupperware at ang sabaw naman ay nilagyan naman ng gatas ni Brylle para masarap pag ito ay ininom namin. Pagdating namin sa ilog ay mas lalo akong namangha ngayon sa ganda nito. Maganda na ito dati pero mas lalo itong gumanda ngayon. Halatang inaalagaan ang lugar na ito ng gobyerno nila. Pagmamay ari kasi ito ng gobyerno at open ito sa lahat ng tao na gustong maligo at pumunta dito. Maraming warning signs na nakalagay sa bawat sulok ng ilog at mayroon ding nakabantay dito sa ilog. Nilatag ni Brylle ang dala naming banig at nilapag na ang mga d

