Chapter Three
“Alam mo Starr, seryoso na ko sayo. Kung gusto mo bibigyan kita ng pera at magsimula ka ulit at tapusin mo pag-aaral mo. Starr, Bente-Singko ka palang. Kaya mo umalis dito, Hindi ko alam hanggang kailan ko kayang tiisin na pinagnanasahan ka ng lahat ng tao dito. I am Rich Starr. If gusto mo talagang maging super rich wife balang araw.” Sinserong pahayag ni Gorio sa kanya.
“Gorio, alam ko naman, kaso okay lang ako. Sobra sobra na naitulong mo sakin. Di ka na nakakapagbabae sa condo mo kasi pinatira moko doon, di pa nga ako nakakabawi sayo.” Sagot ni Starr
“Sige nga, pambawi – isang kiss lang?” sabay nguso nito sakanya.
“Mukha mo! - pangaasar ni Starr – bigla syang humiga sa balikat ni Gorio at seryosong nagtanong. Kanina pa ko may nababanaag sa mata mo. May problema ba kayo ni Stephanie? – Napansin ko din kasi nakarami ka ng San Mig Pilsen.” Tanong nya.
Natawa nalang si Gorio at napailing – kilalang kilala na sya ni Starr, ang totoo nyan ay nasasakal na sya sa girlfriend nya. Meron tatlo pang matalik na kaibigan si Gorio, ang kaso ay nasa States pa ang mga ito lahat para sa kani kanilang Corporate Business, pero hindi niya naramdaman na wala sya kasama sa panahong ganito dahil nga sa pagkakaibigan din nila ni Starr.
Stephanie D. Bermudez A.K.A Steph, 27 years old – 32B-23-32 vital statistic. Isang sikat na modelo ng ilang famous clothing company. She is a Morena beauty with 5’7 height. Galing din ito sa isang mayamang pamilya. She is currently Gorio’s Fiancee. Ang totoo ay pinagkasundo lang sila ng kanilang mga magulang. Pero unti unti ay nahulog na rin ang loob sa kanya ni Gregory A. Marasigan A.K.A Gorio. Nung una ay napakaganda ng kanilang pagsasama hanggang na praning nalang si Steph, di nya naman rin ito masisi dahil nahuli sya nitong nakakipag-s*x sa secretary nya. Sa tindi ng away nilang yun, napadpad sya sa Club Spoon, saktong si Starr ang main performer ng gabing iyon. Na halina ito sa ganda nya at naging interasado na sya dito noon. Sinubukan nyang offeran ng pera si Starr para maikama nya pero isang kambal na sampal ang inabot nya. Narealize nya na iba si Starr sa ibang babaeng nagkakandarapa sa kanya dahil maliban sa may itsura sya e mayaman din. Ngayon heto, naging matalik na magkaibigan na sila.
“Gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya Starr, Nagiging obsessed na sya. Kung kailan nagbago na ko, ngayon pa sya naging praning. Puro away nalang kami, you know is not a healthy relationship anymore.” Malungkot na kwento nito. “Kailangan ko pa syang pakasalan, dinedemand nya pa yun, Gusto ko sana yung ako mismo yung mag offer sa kanya? We are not even engaged. Hay, mahirap.” Malungkot na wika nito.
“Alam mo Gorio, dapat humingi ka ng tawad sa kanya? Kasi totoo naman na playboy ka e, babae ako Gorio kaya ayokong nasasaktan din kapwa ko babae.”
“I did it many times Starr, kaso mukhang ayaw nya nalang ayusin namin.”
“Kaya pa yan, kung mahal mo, diba dapat gawin mo ang lahat para umayos?” Sinserong bulong nito sa kanya.
“Sige, susubukan ko ulit Starr, pasensya ka na ha? Ikaw lang napapagsabihan ko sa mga to. Nasa States kasi mga kaibigan ko.”
“Biglang lumawak ang ngiti ni Starr sa narinig, nagkaroon tuloy sya ng idea – Gorio, baka me marereto ka sa aking mga kaibigan mo? Yung mayaman ha? at yung papabols.” Suhesuyon nya.
“Naku Starr, if im a notorious playboy, my circle of friends are all beast regarding extra marital affairs. Pinaka mild na ko sa kanila, Kaya wag na wag mung tangkain isugal yang puso mo kahit sino man sa kanila – babala nito.” Naisip nya agad ang barkadahan nila.
Kung may F4 ang Taiwan at Boys Over Flowers ang South Korea, Meron naman ang 4 Corporate Lords ang Bonifacio Global City. Magkakaklasi na sila mula pa ng highschool- at dahil magkakaibigan ang mga parents nila dahil sa negosyo ay naging mabubuting magkakaibigan na din sila. Pareho-pareho silang kumuha ng Engineering courses nang magkolehiyo sila sa UST at nag Masteral naman sila ng Kursong Business Ad sa UP Diliman. Halos lahat ng kabatch nila ay kilala sila. Marami narin silang pinaluhang mga babae. They love S*x, wild parties, drug pills but especially girls. Cargo Ship company ang business nina Francis Bautista A.K.A Franz – 32 yrs old at sya ang palaging MVP sa grupo. 6’1 height with Athlete figure. International Airshipping naman ang business ng isa nya pang kaibigan. Si Charlie Villanueva A.K.A Charles 31 yrs old – siya naman ay lead guitarist ng isang bagong boyband sa Pilipinas. 6’2 in height. Chinito – pero halos buwan buwan, iba iba ang girlfriend nito. Lastly, Matthew Alexander Del Rosario – A.K.A. Matt – 33 years old. Ito ang pinakamayaman sa grupo. The man that will never commit. Pinsan nya si Gregory sa father side nito. Samantalang pinsan nya naman si Stephanie sa mother side nito. Kung sina Greg ay high -end motor company – Sila naman ay high-end cars company. He is the current CEO and owner ng Del Rosario Empire of Businesses. Meron din siyang malaking shares sa mga business ng kanyang kaibigan.
Sya din ang pinaka mapanganib sa lahat. Whatever he wants – he’ll get. He is currently the boyfriend of Annie Miraflor - a top model na bestfriend ng pinsan nyang si Stephanie.
“Kumusta na kaya yung mga unggoy na iyon?” tanong sa isip ni Gorio.