Pagkatapos magshower sa kanilang Club Spoon dressing room ay agad nagsuot ng isang tube baby pink blouse with maong short si Starr, tinernuhan nya ng kanyang 4 inches brown boots, nagpahid ng kaunting makeup at naglagay ng kanyang napakapulang lipstick. Ala una palang kasi ng madaling araw, hanggang alas tres ang duty nya. Madalas pag sobra pa ang oras ay maaari silang I table ng napili nilang negosyante. Katulad ngayon nagkaroon agad sya ng mga limang request pero isa lang ang pinili nito.
“Starr, swish, matagal kapa dyan? Nakakahiya kay papa Gorio no. Kung ako lang sana, uupuan ko na yong si yummy papabols mo e.” sigaw sa kanya ng talent manager nilang bakla.
“Heto na palabas na Mamang!” Sigaw ni Starr sa kanyang talent manager.
Agad nyang Nakita don si Gorio, isang notorious na mayamang playboy, Nasa Thirty Two na ito, Guwapo, Matangkad, Panay Mabango, may sense din itong kausap, alam na alam mong may pinagaralan. May ari sila ng High-end Motorcycle Business sa bansa. May dala pa itong boquet of red roses para sa kanya. Paborito nya.
“Hi Gorio,” pagbati nya sabay halik sa pisngi nito.
“Hi my Red-head Starr, so ano pumapayag ka na?” nanunuksong bulong nito sa kanya.
“Ano? Maging kabit mo? Gago ka talaga!” Sabay kiniliti nito sa leeg ang binata, alam nya kasing malakas ang kiliti nito sa parteng yun.
Naging malapit na nyang kaibigan nya si Gorio, halos pitong buwan na sya nitong dinadalaw. Nung una ay plano talaga ni Gorio na mai-kama sya, dahil ang ibang babae sa Club ay halos natikman na nya. Kaso si Starr lang yata ang kaisa isang babaeng hindi tinatablan ng Charm nya. Sa pagsusuyo nito sa kanya, dinalaw nya ito gabi gabi, Alam nya narin ang schedule ng dalaga. Ngunit meron yata itong anti-Gorio amulet at hindi man lang sya naging interesado dito at sa yaman nya kahit kailan. Dahil dito lumalim ang pagrespeto niya kay Starr, kahit may nabubuo syang nararamdaman para dito ay iwinaksi nya nalang dahil alam nyang may babae syang kailangan pakasalan. Alam nya din na kaibigan lang ang kayang iganti sa kanya ni Starr.
“Nakita ko ang sayaw mo kanina, Kailangan mo pa talagang ipakita ang puwetan mo sa kanilang lahat dito?” seryosong tanong ni Gorio sa kanya.
Uminom ng San Mig Apple si Starr bago ito sumagot sa kanya.
“Alam mo naman diba? May utang pa kong natitira. Kahit ayaw ko kailangan kong pakita sa mga parokyano ang alindog ko. Sa totoo lang, Gusto kong maging mayaman Gorio, Gusto kong mabili ang lahat ng gustuhin ko, ayaw ko nang maulit ang mga nagyari sakin. Gusto ko yung magiging anak ko, Hindi nya maranasan ang mga naranasan ko.. May munting luha sa kanyang mga mata ng inalala nya ang nakaraan.
Nakaraan –
Kahit nasa second year college na si Estrella sa kursong Political Science. Madalas parin syang bullyhin ng ibang kaklasi nito, Kamukha ngayong araw. Umiiyak nanaman si Estrella umuwi, Pinagkaisahan nanaman sya kasi ng mga kaklasi nya. Tinatawag syang anak ng isang p****k at kalapating mababa ang lipad. Naging entertainer sa isang club sa Subic ang kanyang ina noong dalaga pa. Umibig sa isang kano na kasama sa VFA exercise ng bansa. Nabuntis sya nito, biglang umalis ang ama para bumalik sa America pero pingakuan ang nanay nya na babalikan ito. Ngunit lumipas ang Dalawangpu’t Apat na taon ay hindi bumalik ang kanyang ama, ang nanay nya ay nakapag asawa ng isang Pilipino, nagkaroon sya ng kapatid dito, si Eduard, kaso ay namatay ito ng maaksidente silang dalawa sa Jeep na sinasakyan nila pauwi galing sa kanilang eskwela. Naging masakit sa Step-father nya ang nagyaring ito. Biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanilang lahat. Madalas saktan ang kanyang ina, o kaya sya. Gusto kasi ng step-father nya na sya nalang ang namatay kesa ang kapatid nitong si Eduard. Naging lulong sa alak ang kanyang ama-amahan. Isang gabi sobrang lasing nito ay muntikan na syang molestyahin dahil nga sa kakaiba nyang ganda, buti nalang ay narinig ng nanay nya ang sigaw niya. Nagtulakan ang ama-amahan nya pati ang kanyang ina. Dahil lalaki ay hamak na mapwersa talaga ang kanyang amahin, naitulak nya ng malakas ang kanyang ina at natumba at nakanto ito sa lababo. Nagulat nalang sya ng puno na ng dugo ang ulo kanyang ina. Naalis ang pagkalasing ng kanyang ama-amahan at gumuhit ang realisasyon sa nagawa nya sa kanyang asawa, napaluhod nalang ito at umiyak. Nahuli ng mga pulis ang kanyang ama-amahan at kasalukuyang nakakulong. Ang ina nya naman ay na comatose ng halos isang taon. Mahigit dalawang milyon ang naging utang nito sa Hospital. Pumunta sya sa isang lending company at ginawang collateral ang bahay at lupa nila. Kulang parin sya ng ng halos pitong daan libong piso. Wala na syang mapuntahan. Naalala nya si Mr. Rey Valiente, ang dating amo ng kanyang ina noong entertainer pa ito. Pinuntahan nya ito, Iniofferan syang maging entertainer din kamukha ng kanyang ina., Nung una ay ayaw nya dahil ayaw nya ng ganitong trabaho kaso naisip nya na lang na para ito sa kanyang ina, at tutal naman - p****k na ang tingin din sa kanya e paninidigan nalang. Dumami ang parokyano nya sa Club Spoon. Dahil sa angkin nyang sipag at kakaibang kagandahan nya. Sunod sunod ang request nila na maka table man lang sya, Hanggang nagpasya si Mr. Valiente na e promote sya sa VIP Access ng Club na yon. Masaya si Starr lalo na at kaya nya ng bayarin ang mgs Hospital Bills ng ina. Panay hipo sa kanyang katawan pero nangako sya sa sarili nya na magiging virgin bride sya. Kahit anong mangyari ay hindi nya ibebenta ang puri nya. Ito ay para lamang sa mayamang lalaking mamahalin nya.
Nagiging maayos na sana ang lahat pero noong nakaraang tatlong buwan ay biglang pumanaw din ang kanyang ina matapos ang magiisang taong naka comatose. Bumigay na daw ang katawan nito. Ngayon alam ni Starr na siya nalang mag-isa. Nabuo ang mga plano nya sa buhay nya. Gagawin nya lahat para makaalis sa ganitong trabaho, maka ahon sa hirap ng buhay at maging super rich wife balang araw.