THIRD PERSON POINT OF VIEW Mainit ang silid habang magkalapat ang katawan nina Sam at Ethan. Ang kanilang mga labi ay magkahinang, puno ng pagkasabik at pagkagusto sa isa’t isa. Ang bawat dampi ng kanilang balat ay tila apoy na nagpapaliyab sa kanilang damdamin. “Ethan…” mahina ngunit puno ng emosyon na bulong ni Sam habang hinahaplos niya ang matigas na dibdib ng lalaki. Napakagat si Ethan sa labi bago bumaba ang kanyang halik sa leeg ng dalaga, iniwanan ito ng mapulang marka. “Alam mo bang hindi na kita kayang pakawalan?” bulong niya sa pagitan ng kanyang paghinga. Nanginig si Sam sa bawat paghaplos ng mainit na palad ng lalaki sa kanyang hubad na balat. Hindi niya kayang pigilan ang sarili sa nararamdaman niyang matinding emosyon. Alam niyang mali, pero sa bawat segundo na kasama n

