THIRD PERSON POINT OF VIEW Malamig ang simoy ng hangin sa loob ng bahay, pero hindi iyon sapat para pahupain ang init ng tensyon sa pagitan nila. Nakatayo siya sa gitna ng sala, ang kanyang ina sa harapan niya, habang si Ethan ay tahimik na nakamasid sa kanila mula sa di kalayuan. Alam niyang hindi niya ito kayang takasan—ang bigat ng desisyon na pilit ipinapasan sa kanya. "Sumama ka na sa akin. Doon ka sa Europa mag-aaral at titira, mas makakabuti ‘yon para sa’yo," madiing sabi ng kanyang ina. Ang tinig nito ay puno ng determinasyon, at kahit anong paliwanag ang gawin niya, batid niyang hindi ito makikinig. Napalunok siya, pilit kinakalma ang sarili. "Hindi ako aalis, Ma. Dito ang buhay ko. Dito ako masaya," aniya, sinusubukang ipaintindi ang nararamdaman niya. "Hindi mo alam ang sin

