Ethan’s Point of View Tatlong araw mula nang pumutok sa media ang tungkol sa amin ni Sam. Hindi ako nagulat nang magpatuloy ang ingay, pero gaya ng inaasahan, hindi rin ako naapektuhan. Wala akong pakialam sa mga sinasabi ng tao. Hindi ako artista na kailangang mag-alala sa public image. Isa akong negosyante. At sa larangang ito, mas malala pa ang intriga’t siraan. Pero isang bagay lang ang hindi ko hahayaang mangyari—ang madamay si Sam sa lahat ng ito. Nasa opisina ako ngayon, nakaupo sa swivel chair habang nakatingin sa labas ng floor-to-ceiling window. Nasa harapan ko si Marcus, ang pinaka-pinagkakatiwalaan kong tao sa kompanya. "Anong update?" tanong ko, hindi nililingon si Marcus. "Na-control na ang ilang sources, pero may ilan pang reporters ang sumusubok halukayin ang b

