Samantha’s Point of View Kumalabog ang dibdib ko nang makita ko ang headline sa screen ng phone ko. “Billionaire Ethan Salazar, may relasyon sa mas batang babae—Is this an abuse of power?” “Scandal sa business world: Ethan Salazar at ang kanyang kontrobersyal na relasyon.” “Ang batang babae na posibleng sumira sa pangalan ni Ethan Salazar.” Halos mabitawan ko ang cellphone ko habang binabasa ang mga article. Ang daming nagsasabi na ako ang dahilan kung bakit nawawalan siya ng credibility bilang businessman. Na ako ang sumisira sa image niya. Napahigpit ang hawak ko sa tela ng oversized sweater na suot ko—sweater niya. Kahapon lang, nakasama ko pa siya, kalmado, walang pakialam sa mundo. Pero paano kung sa loob-loob niya, galit na siya? Paano kung pinagsisisihan na niya ang l

