Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila—ang kontrobersiya, ang panghuhusga ng ibang tao, at ang pagtutol ng pamilya—natagpuan nina Ethan at Samantha ang kanilang sariling mundo kung saan sila lamang ang mahalaga. At ngayon, ang mundong iyon ay mas naging makulay at maingay... lalo na sa apat na maliit na boses na sabay-sabay na tumatawag sa kanila. "Hala, Ethan! Kunin mo ‘yung isa! Ang likot!" Napalingon si Ethan kay Samantha na pilit hinahabol ang isang batang babae na mabilis na tumatakbo palayo. Sa kabilang banda, dalawang batang lalaki ang nag-aagawan sa isang stuffed toy habang ang isa pang baby girl ay nakatayo sa crib, umiiyak at gustong buhatin. Napabuntong-hininga si Ethan bago mabilis na kinuha ang nag-aagawang kambal. "Enough, boys," madiin niyang sabi, agad na tumigil a

