SAMANTHA POINT OF VIEW Masakit ang ulo ko. Pagmulat ng mga mata ko, bumungad agad ang malambot na liwanag mula sa bintana, nagpapahiwatig na umaga na. Pakiramdam ko parang binugbog ang katawan ko—mabigat, parang pagod na pagod, at may matinding kirot ang sentido ko. Napasinghap ako, agad na napapikit ulit. Ano bang nangyari? Piliting kong i-digest ang lahat, pero imbes na sagot, putol-putol na alaala lang ang bumalik sa akin—mga mahihinang boses, mainit na yakap, at isang halik. Halik. Napakurap ako at napatingin sa kisame, parang biglang natauhan. Hinawakan ko ang labi ko, ninanamnam kung totoo bang may natatandaan akong ganoon. Pero bago pa ako makapag-isip ng maayos, isang mahina pero malalim na boses ang narinig ko. Gising ka na. Napatigil ako, at dahan-dah

