SAMANTHA POINT OF VIEW "Hindi kita hahayaang maagaw ng iba, Sam." Ang mga salitang ‘yon ay parang bolang dumiretso sa dibdib ko, bumangga, at nag-iwan ng matinding dagok. Nakatitig lang ako kay Ethan, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Akin ka. Ang kapal ng mukha niya! Saan siya kumukuha ng ganitong confidence? "Ano bang pinagsasabi mo?" pilit kong sinubukang gawing normal ang tono ng boses ko, kahit na ramdam kong parang nagwawala ang puso ko sa loob ng dibdib ko. "Ninong lang kita, hindi mo ako pag-aari." Napangisi siya, pero hindi ‘yung nakakatawang ngiti—mas parang mapanghamon. "Ninong mo nga ako, kaya mas may karapatan akong bantayan ka," aniya, sabay balik ng tingin sa daan at pinaandar muli ang sasakyan. Umismid ako. "Excuse me? Hindi mo ako anak, at lalong hindi mo ako girl

