SAMANTHA POINT OF VIEW Pagkauwi namin mula sa campus, pakiramdam ko hindi pa rin ako makagalaw ng maayos. Hindi ko alam kung dahil ba sa ginawa ni Ethan kanina—‘yung bigla niya akong sinundo na parang may kasunduan kami—o dahil ramdam kong may kakaiba na sa kilos niya nitong mga araw na ‘to. Masyado siyang malapit. Masyado siyang nakabantay. At kung inaakala niyang hindi ko napapansin ‘yon, nagkakamali siya. "Anong gusto mong kainin?" tanong niya bigla, habang abala siya sa pag-aayos ng gamit niya sa sala. Napakunot ang noo ko. "Huh?" Tumingin siya sa akin, nakataas ang isang kilay. "Gabi na, kailangan mo nang maghapunan." Umirap ako. "Ikaw na bahala. Kahit ano." Napangisi siya. "Sige, tutulungan mo ako magluto." Napakurap ako. "Ano?" "Tara na," sabi niya, diretsong naglakad pap

