SAMANTHA POINT OF VIEW Pagkatapos ng umagang iyon kung saan diretsong sinabi ni Ethan na ayaw niyang makita akong malapit kay Jake, hindi na ako mapakali. Ano bang problema niya? Hindi niya raw ako gustong makita sa tabi ni Jake? Bakit? Wala naman siyang karapatan para pagsabihan ako ng gano’n, ‘di ba? Ninong ko siya, hindi boyfriend. Pero bakit parang... iba ang dating ng mga salita niya? Napapikit ako at napailing, pilit inaalis sa isip ko ang kung anong maling konklusyon na unti-unti kong nabubuo. Hindi puwede. Hindi dapat. Kailangan kong mag-focus sa klase. Pero kahit anong pilit kong ibalik ang atensyon ko sa lecture ng professor namin, hindi ko magawa. Ang utak ko, pilit bumabalik sa kanya. Sa paraan ng pagsasalita niya. Sa paraan ng paghawak niya sa baywang ko noong isan

