PAGDATING 'ko sa School, thank god i'm not late. Dumiretso na ako sa Room namin. Marami 'nang tao sa loob pero 'yung hinahanap 'ko wala pa. Bakante pa 'yung upuan 'nya.
Hindi ko alam pero bigla na 'lang din ako napatingin sa upuan ni Clarisse, at nagtaka ako na wala din duon si Clarisse. Ano 'to? Coincidence lang na parehas silang wala pa?
Tumuloy ako sa upuan 'ko at inilapag 'yung mga gamit 'ko. Nilabas 'ko na 'din 'yung relong binili 'ko, gusto 'ko kasi pag nakita 'ko sya eh maibibigay 'ko na agad 'to sa kanya. Hangga't kaya 'ko, ayoko'ng patagalin.
Aantayin 'ko na lang sya.
***
Break time na pero wala pa 'ding Jin at Clarisse akong nakikita. Magkasama kaya sila kaya pareho silang wala? Hindi kaya talagang mahal na ni Jin si Clarisse?
"Uhm..Zen? ." Napatingin 'ako sa tunawag sakin, bukod sa first time na may tumawag sakin or kumausap sakin sa school ay nakakagulat naman talaga. Boses lalaki pa 'sya.
Tinignan 'ko yun, at si..." Jeremy? ." tanong 'ko.
Si Jeremy, ang kaklase 'ko. Ang bali-balita 'ko may gusto 'sya sakin, hindi nga lang ako sigurado 'kong totoo 'yun.
"Uhhh bakit?." tanong 'ko.
Ngumiti naman sya sakin. Aaminin 'ko gwapo 'sya at talaga 'nga namang kapansin-pansin. Marami 'ring nagkakagusto sa kanya." Napansin 'ko kasi matatapos 'na 'yung break time natin pero hindi ka pa rin kumakain." Saad 'nya ." Masama 'yan." Dagdag 'nya pa.
Sa totoo lang, naiilang ako dahil bukod sa ito ay bihirang mangyari. 'yung kumausap ako ng ibang lalaki maliban kay Jin. "Uhh may inaantay pa kasi ako e." sagot 'ko naman.
"Sino? Boyfriend 'mo." tanong pa 'nya. Tinignan 'ko naman sya at nakita 'kong nakaguhit na naman sa mukha 'nya ang ngiti na talagang nakaka-bighani. Siguro 'kung katulad 'ako ng ibang babae sa school ay mahuhumaling na ako agad. Pero hindi eh. Atsaka may iba na akong nagugustuhan.
"Wala 'akong boyfriend." Sagot 'ko.
Nakita 'kong parang nag-iba ang ekspresyon 'nang mukha 'nya. Parang bigla na lang lumiwanag 'iyon. " Talaga? Wala 'kang boyfriend?." Tanong pa nito.
Tuluy-tuloy naman akong umiling. "Wala 'nga. Teka 'nga bakit parang curious ka?." takang tanong 'ko.
"Ahh wala naman. Nitong mga nakaraang taon kasi parang binabakuran ka ni Bermudez eh. Alam 'mo bang dapat dati pa kita liligawan kaso ayaw umalma ni Bermudez eh. Akala 'ko tuloy kayo na." Sabi pa nito.
Napangiti ako nang mapait sa sinabi 'nya. Tama 'naman 'sya e. Grabe akong bakuran ni Jin nuon. 'yung tipong lagi syang nasa tabi 'ko. Ayaw 'nyang mahiwalay kahit konting layo lang sa akin. Ayaw nya rin na may ibang lalaking lumalapit sa kanya. Haist!
Nakakatuwa pala 'yung ganun. Bakit ba naman kasi 'nung panahon 'na 'yun hindi 'ko ma-appreciate 'yung mga ginagawa 'nya. Ngayon 'tuloy nanghihinayang ako.
"Hahaha! I'll do that. Pasalamat 'ka at maintindihin akong babae ."
Nakarinig kami ng tawanan sa di kalayuan kaya pareho kaming napalingon.
At nagulat ako sa nakita 'ko.
Si Jin at Clarisse. So, magkasama nga talaga sila. So hindi pala talaga coincidence 'yun.
Napatingin din naman silang dalawa sa may direksyon namin, pareho silang napatitig sa direksyon ko at napatigil. Nakita 'ko kung paano kami titigan ni Jin. Ayokong mag-expect pero parang biglang sumama ang aura 'nya. Parang biglang nandilim ang paligid 'nya.
Nakita 'ko rin kung paano nagpalipat-lipat ng tingin si Clarisse sakin at kay Jin.
"Uhm Jin. Tara 'dun muna tayo sa may garden. Ang gaganda kasi nang mga bulaklak dun e. " Pag-aya ni Clarisse at agad na hinila palayo si Jin. Kitang-kita 'ko kung gaanu ka-ayaw ni Jin tanggalin ang tingin 'nya sa akin.
Ayokong isipin , pero parang ... parang sa tingin ni Jin, pakiramdam 'ko meron pa rin. At dahil dun nakaramdam ako ng pag asa.
Pag-asa na pwede pang ibalik ang nakaraan namin.