NANG magsimula ang afternoon class namin ay nanduon na si Jin at Clarisse. Gaya nang dating pwesto, nasa likod ko si Jin habang nasa kabilang side ng row si Clarisse. Ibig-sabihin medyo malayo-layo sya sa amin.
Wala 'rin naman kaming klase kaya tahimik lang ako habang hawak-hawak 'ko yung binili 'kong relo. Pinag-iisipan 'ko kung paano 'ko ibibigay 'tong relo sa kanya. Kung ngayon ko ba ibibigay tatanggapin 'nya?
'Nang mapag-desisyunan 'kong lumingon , sakto naman na kakatayo 'nya lang. San naman sya pupunta? Sinundan 'ko sya nang tingin at nang matiyak 'kong palabas sya ng room namin ay agad na din akong tumayo para sundan sya.
Mabuti na lang wala masyadong nakakapansin.
Nakasunod lang ako kay Jin. Medyo malayo-layo ang pagitan naming dalawa.
Hawak-hawak 'ko pa rin 'yung relo at duon lang ako nakatingin habang naglalakad kaya naman nagulat ako nang biglang may magsalita.
"Ba't mo ko sinusundan?." Nang makilala 'ko kung kanino galing ang boses na 'yun ay napa-angat ako ng ulo.
At nakita 'ko si Jin na naka-pamulsa habang nakatingin sakin. *Insert death glare*
Napalunok naman ako 'nun ." Uhh.. Ano... May... Ano... may ano kasi--
"Wala akong panahon para kausapin ka. Umalis ka na lang. Pabayaan mo na ako " anito at tuluyan nang lumayo sa akin. Nasaktan ako sa sinabi nya. Pero hindi dapat ako magpadala. Fight lang ng fight!
***
"Jin... Pwede ba tayong mag-usap?." lakas loob 'kong tanong habang nasa loob kami ng room at nagliligpit ng gamit. Tapos na kasi ang klase namin ngayong araw.
Nakatingin lang sya sakin at talagang black aura pa din." I don't have time to talk with you. Iba na lang ang kausapin 'mo." he said at agad na nilapitan si Clarisse na kanina pa nakatingin sa may pinto ng classroom.
"Let's go ." i heard Jin said and with that, they left me. All alone.
Pangalawa na 'to! Ang sakit na ha! Pero fight pa rin!
May forever sa Fighting!
***
"Hi, Jin. May time ka na bang kausapin ako?." I asked habang naglalakad kasabay nya. Kakarating lang kasi namin sa school e.
Hinarap 'nya naman ako. At ang sama na naman ng tingin nya. "Pwede 'ba? Tigilan 'mo na nga ako. Wala akong panahon sa'yo. Wag 'mo 'nang guluhin ang buhay 'ko. Diba 'yun ang gusto mo? Ayoko na . Diba ito 'yung hiling mo? Binigay ko naman diba? Kaya dapat ganun ka din. Tigilan mo na ako. " He said and started walking away from me.
BOOM!
Dun ako nasaktan. Maybe tama sya... 'Ito 'yung hiling ko sa kanya, Ito na 'yun!
Binigay 'nya nga sakin 'yung hiling 'ko... Ang sakit pala. Tinupad nya yung gusto ko , Ang sakit pala nito..Dati ayoko sa mga taong hindi tumutupad ng pangako pero dahil sa kanya, parang ayoko na din sa mga taong tumutupad ng pangako. Masakit din pala.
Maybe it's the right time to stop this ,, to stop this nonsense.
Tama sya. Dapat pakawalan 'ko na sya.
This is the last time. The last time na ginulo 'ko sya. I will never do it again.
Sana nga lang sumaya na sya.
Sana...