Chapter 4: Jordan's regrettion

1323 Words
Jordan's POV Tapos na pala ang last period namin at nagtataka ako dahil hindi na sumasabay sa akin si Adel kapag kumakain ako ng tanghalian. Sinubukan kong puntahan sa classroom nila at nakita ko siya na kasama ang kaniyang kaibigan na si Evelyn. Nilapitan ko silang dalawa at labis na nagulat si Adel dahil sa paglapit ko sa kanila. "Adel, kumusta ka na? Bakit hindi ka na sumasabay ng lunch sa akin?" malumanay na tanong ko sa kaniya. Iniangat nito ang ulo niya dahil nakaupo siya sa kaniyang upuan, samantalang ako ay nakatayo sa harapan ni Evelyn at siya. "B-Busy lang ako nitong nakaraang araw," gumagaralgal na sagot niya sa akin. Alam kong may dahilan siya kaya palagi na siyang umiiwas sa akin. Ni hindi na ito nagpapasundo at sumasabay sa pag-uwi sa akin. Alam ko ring sikreto ang aming relasyon pero wala naman akong magagawa dahil magkaiba ang katayuan namin sa aming buhay. Lumipas pa ang tatlong buwan ay patuloy lamang ito sa pag-iwas sa akin at hindi ko na maintindihan ang lahat. Napapansin ko ring madalas na niyang kasama si Zander at lalo akong naiinis sa tuwing narito sila sa mansion. Alam kong wala akong karapatang pigilan ang dalawa dahil nakikipagtrabaho lamang ang aking daddy sa kumpanya nila. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinausap ko na si Adel nang masinsinan. Tinext ko ito na pumunta siya sa bahay namin at nag-usap kami. Tinangka ko siyang halikan subalit bigla na lamang niyang iniwas ang mukha nito sa mukha ko. Lalo akong nasaktan at itinulak ko siya sa sofa. End of POV "Jordan, stop it," nandidiring wika ni Adelaida kay Jordan habang patuloy ang paghalik nito sa kaniyang balikat. Nainis ang binata at bigla niyang itinulak ang dalagang si Adelaida upang sanhi ng kaniyang pagkakahiga sa sofa. "What's wrong with you?! Hindi ka na ba nasisiyahan sa akin, huh, Adel?" humahangos at pagalit na saad ni Jordan sa dalaga. Biglang tumayo mula sa pagkakaupo ang dalaga at kasabay nito ang pagkuha niya sa bag na nakalagay sa mini table. "Itigil na natin ito, Jordan. Ayoko na at alam mo iyan!" Biglang itinikom ni Jordan ang kaniyang kamao dahil sa inis na nasabi ni Adelaida sa kaniya. "Bakit ano nga ba ang iyong dahilan, huh, Adel? Bakit ka nakikipaghiwalay sa akin? Masaya naman tayo hindi ba?!" Biglang pumatak ang luha ng dalaga sa harapan ng kaniyang kasintahan. "Sorry, it is my fault, Jordan. It is my fault!!!" Sa sobrang sakit ng loob ng dalaga, napaupo ito sa sofa. Nilapitan ni Jordan ang kasintahang umiiyak sa kaniyang harapan at kaagaran niyang sinapo ang mukha ni Adelaida upang mapatahan ito sa kaniyang patuloy na pag-iyak. "Tell me, what's your problem? Is anything wrong? Kasi ilan buwan na rin kitang napapansing balisa at matamlay. Promise, makikinig ako sa'yo," nag-aalalang wika ni Jordan sa dalaga. Lalong lumakas ang pag-iyak ng dalaga at niyakap niya nang napakahigpit si Jordan. Halos ayaw na nitong kumawala sa kaniyang bisig. "Alam ko magagalit ka. Alam kong isusumpa mo ako kung sasabihin ko sa iyo ito," umiiyak na saad ni Adelaida sa kaniya. Napakunot-noo ang binata sa harapan niya at muli siyang napatanong sa dalaga. Hindi nito mawari kung ano nga ba ang ibig sabihin ng kaniyang kasintahan. Patuloy naman ang pagbagsak ng mainit na tubig mula sa mata ni Adelaida at halos hindi nito maibuka ang kaniyang bibig tungkol sa kaniyang hinaing. "Please, tell me. Are you pregnant? Pananagutan ko, mahal ko," nakangiting wika ni Jordan sa kaniya at sa isip niya na sana ay tama ang kaniyang hinuha tungkol sa iniiyak ni Adelaida sa kaniyang harapan. Biglang umiling si Adelaida at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Jordan. "L-Listen, please, huwag mo akong kamuhian," patuloy na pagtangis ni Adelaida sa harapan ni Jordan. "Yes, please tell me, " nakangiting saad ni Jordan sa kaniya habang pinupunasan nito ang luha ng kaniyang mahal na kasintahan. Hindi mapakali ang dalaga sa kaniyang sasabihin at pikit mata niyang isinaad ang nais niyang sabihin kay Jordan. "I will marry Zander, my love. I don't like it and you know how much I love you. But that's what daddy wants for me and if I don't marry him, Zander's daddy will kill my daddy because we owe them a lot of money," umiiyak na paliwanag ni Adelaida sa kaniyang kasintahan. Halos mabaliw si Jordan sa kaniyang nalaman dahil si Zander ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan. "W-What? Nang dahil lang doon, sasayangin mo ang 3 years nating relasyon, huh, Adel?" pagalit na tanong ni Jordan sa kaniya. "Wala akong magagawa, Jordan! Alam mong ayokong biguin ang mga magulang ko!" sigaw na iyak ni Adel sa harapan ni Jordan. Niyakap ni Jordan si Adel at sinabi nito ang plano niya. "Adel, mamayang gabi, magkita tayo sa harapan ng mansion ninyo. Tatakas tayo!" Bahagyang itinulak ni Adel si Jordan. "No, hindi natin kailangan gawin ito, Jordan." Sinuktok ni Jordan ang sofa. "Kung mahal mo ako, Adel, gagawin mo. Basta hihintayin kita sa harapan ng mansion ninyo. Kung hindi ka sumipot, break na tayo!" Hindi alam ang gagawin ni Adel dahil tunay nitong minamahal si Jordan. Umuwi ito sa kanilang mansion at pinag-iisipan nito ang kaniyang desisyon kung ito ba ay sasama siya kay Jordan. Matiyaga namang naghintay si Jordan sa harapan ng kanilang mansion at nakapag-isip na si Adel. Kinuha nito ang kaniyang gamit at nagsimula na itong mag-impake. Subalit biglang pumasok ang kaniyang mommy Rossana sa kaniyang kuwarto. "And what are you doing?!" pagalit na tanong ni Rossana kay Adel. "Mommy!" gulat at pabiglang wika ni Adel sa harapan ng kaniyang mommy. "Magtatanan kayo ni Jordan? Hindi ba, Adel?!" tanong muli ni Rossana sa kaniyang anak. Nabigla si Adel sa kaniyang narinig at sinampal siya ng kaniyang mommy sa magkabila nitong pisngi. Halos mamula ang sampal sa pisngi nito na natanggap ni Adel mula sa kaniyang nanay. Halos umiyak ito sa sobrang sakit at patuloy pa rin ang pagsampal ni Rossana sa mukha ng kaniyang anak. Kasabay nito ang pagsabunot nito sa kaniyang kulot at napakahabang buhok na lagpas sa kaniyang balikat. "Wala kang utang na loob! Matapos kitang kupkupin, pag-aralin, bihisan at bigyan ng magandang buhay tapos ganito lang ang igaganti mo?! Ngayon, malalaman ko pang may relasyon kayo ng hampas lupang lalaking iyon?!" pagalit at humahangos na wika ni Rossana sa kaniya. Iyak nang iyak si Adel sa harapan ng kaniyang mommy. Pumasok si Don Ernesto sa kuwarto at nagdesisyong ikulong si Adel sa kuwartong iyon. Pilit na nakikiusap ang dalaga sa kaniyang mga magulang ay wala itong magawa. "Hangga't hindi sumasapit ang kasal ninyo ni Zander, hindi ka makakalabas sa kuwartong ito, Adel, " pagbabantang saad ni Don Ernesto sa kaniya. "MOMMYYYYY!!! DADDYYY!! PLEASE, PAKAWALAN NI'YO PO AKO! BUKSAN NI'YO NA PO ITO, PLEASSEE!!!" pakiusap na sigaw ni Adel habang patuloy nitong kinakatok ang pintuan. Magdamag namang naghintay si Jordan sa harapan ng mansion. Biglang lumabas si Rossana para kausapin si Jordan. Isang malakas na sampal ang iginawad ni Rossana sa pisngi ng binata. "Ang kapal ng mukha mong itanan ang anak ko, bastardo!" pagalit na saad ni Rossana sa harapan ng binata. "N-Nagmamahalan po kami ni Adel, please, hayaan ni'yo na po kami!" pakiusap na saad ni Jordan sa harapan ng mommy ni Adel. "No! Hindi ako makakapayag na isang katulad mo lang ang makapangasawa ng anak na pinaghirapan ko!" "Pinaghirapan?! Inampon ni'yo lang po naman si Adel para pagkakitaan sa pamilya ng mga Walker, hindi po ba tama ako?!" Isang malakas na sampal muli ang natanggap ni Jordan sa mommy ni Adel. "Wala kang karapatan para paghimasukan mo ang aming buhay! Sino ka ba sa inaakala mo?! Eh, tauhan lang naman kayo ng mga Walker! Sa susunod na makipagkita ka pa kay Adel, idedemanda kita kasama na ang ama mong ubod ng yabang!" Alam ni Jordan na totohanin ng pamilyang Morales ang pagbabanta nito sa kanilang pamilya. Halos naging malungkutin si Jordan at isang araw ay kinausap siya ni Evelyn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD