Chapter 5: Evelyn's care for Jordan

1506 Words
Naglasing si Jordan dahil sa pangyayari at nakipaghiwalay na rin si Adel sa kaniya. Pumunta ito sa pinakamalapit na bar at nagpakalango sa alak. Hindi nito alam, sinundan siya ni Evelyn dahil nag-aalala ito sa kaniya. Makinis ang balat at morena, matangos ang ilong, nasa 5'2 ang tangkad at napakagandang pigura ng kaniyang pangangatawan at ang kaniyang tuwid na buhok ay hanggang sa balikat lamang. Ang kaniyang mga mata ay bibilugin na medyo makapal ang labi kung mailalarawan mo si Evelyn Francisco. Nakasuot ito ng puting t-shirt na may kwelyo at nakapalda ito hanggang itaas ng tuhod nito. Ang kaniyang sapatos ay naka-white rubber shoes. Subalit, maraming kalalakihan ang nakatingin kay Evelyn sa bar na kung nasaan ang kaniyang kaibigan na si Jordan. "Ang ganda mo naman miss," pasulyap na wika ng lalaking nasa tagiliran ni Evelyn habang nasa loob sila ng bar. "Can we dance?" pag-aaya ng isa pang lalaki sa kaniya. Subalit naging isnabera lang si Evelyn ay inirapan niya ang dalawang lalaki na lango sa alak. Kaagaran niyang nakita si Jordan at kinausap. "Jordan, stop drinking!" pabulyaw na pagbabawal ni Evelyn sa kaniya at saka nito kinuha ang alak na kanina pa iniinom ni Jordan. "Hey, that's mine!" saad ni Jordan sa kaniya. Huminga nang napakalalim si Evelyn at inaya na niyang umuwi nito. "Ano ba? lasing ka na!" pagalit na tugon niya subalit mayroong pag-aalala ang tinig nito sa harapan ng binatang si Jordan. "A-Adel?!" tawag ni Jordan kay Evelyn. Umiling si Evelyn. "N-No, I am not Adel. Si Evelyn ito!" Pautal-utal na wika nito sa harapan ni Jordan. Umismid si Jordan sa harapan ni Evelyn at nagkatitigan sila ng mata sa mata. Namula ang dalaga na kahit papaano ay may taglay pa lang kaguwapuhan si Jordan. Ang moreno nitong balat, makisig na pangangatawan, ang mata nitong mapungay na mayroong mahahabang pilik mata, mata niya na kulay brown at ang matangos nitong ilong at medyo manipis nitong labi. Kahit sinong mga kababaihan ay mahuhumaling kay Jordan. Maraming lumalapit sa kaniya dahil mukha raw itong taga-India ang kaguwapuhan. Hindi na nakakapagtaka dahil Indiana ang kaniyang ina. "L-Lasing ka na Jordan," namumulang saad ni Evelyn sa kaniya. Bumalik ang tingin ni Jordan sa kaniyang iniinom na alak at biglang nagsalita. "U-umuwi ka na, Eve, hayaan mo muna ako." "Ano ka ba Jordan. Tara na. Uminom na lang tayong dalawa, basta huwag rito," malumanay na saad nito. Tumingin si Jordan at biglang nagtanong sa kaniya. "B-Bakit ka nariyan palagi sa tuwing nalulungkot ako? Alam mo, iniisip ko kung hindi ka pa ba napapagod sa akin dahil lagi kang nariyang sa tabi ko," umiiyak na saad ni Jordan sa harapan ng dalaga. Hinimas nito ang likuran ng binata at biglang nagsalita. "K-Kasi kaibigan kita, hindi lang si Adel ang kaibigan ko. Kaibigan na rin kita." "Kung alam mo lang Adel, kung gaano ka kasuwerte dahil mahal na mahal ka ng lalaking pinapangarap ko. Pero, ngayon heto na ang pagkakataon ko para maagaw ko siya sa'yo. Sa'kin si Jordan, Adel, diyan ka na kay Zander," bulong sa isip ni Evelyn habang hinihimas nito ang likuran ng binata. "Bakit ganoon, Evelyn, si Adel bigla na lamang siyang nagdesisyong piliin ang lalaking iyon?! Sinayang niya lamang ang tatlong taong relasyon namin. Ang sabi niya sa akin, habang buhay na kaming magsasama. Parang hindi man lang niya ako minahal!" pagalit na wika ni Jordan na halos mabasag ang baso nitong hawak dahil sa higpit ng pagkakahawak niya rito. Bigla na lamang niyakap ni Evelyn si Jordan at saka niya ito binulungan. "Wala kasi siyang pakialam sa iyo. Alam mo ba ang sabi niya sa akin bago kayo maghiwalay, mahal na raw niya si Zander. Pakunwari pa siyang walang nilalandi, pero, lagi namang silang magkasama ni Zander." Palihim nitong sinisiraan si Adel sa binatang kanina pa lasing na lasing. Sa kabila ng mala-anghel niyang anyo at hitsura, nagtatago ang ahas sa loob ng kaniyang puso. Hindi tapat na kaibigan si Evelyn dahil sinisiraan nito si Adel kay Jordan. Palihim namang nakangiting tagumpay si Evelyn dahil sa kaniyang paninira. "Oh, halika na," pag-aaya ni Evelyn kay Jordan na halos matumba ang binata dahil sa kaniyang kalasingan. Inalalayan ng dalaga ang binata patungo sa tricycle na kanina pa nakaabang sa kanila. Habang nakasakay sila sa tricycle, hindi na tumitigil sa pagsasalita ang binata at patuloy nitong inaakusahan si Adel. Palagi rin nitong binabanggit ang pangalang "Adel" sa kaniyang bibig. "Adel, dahil ba mas mayaman at guwapo siya kaya mo siya pinipili? Dahil ba motor lang ang panundo ko sa iyo at hindi isang magarang sports car?! Ano ka ba ang sabi mo sa akin hindi ka titingin sa gano'n at ako lang ang mahal mo! Adellll!!!" nagulat si Evelyn dahil sa pagsigaw ng binata sa loob ng tricycle. "M-Miss, saan ko kayo ibababa, parang lasing na lasing ang kasama mo? Baka madisgrasya pa tayo dahil sa pagwawala ng syota mo," kinakabahang wika ng tricycle driver dahil sa walang tigil na pagmumumiglas ni Jordan sa loob ng kanilang sinasakyan. "A-ADELLLL!! ADDDDELLLL!!!" patuloy na pagsigaw ni Jordan sa loob ng kanilang sinasakyan. "K-Kuya, ibaba mo na lang kami riyan sa malapit sa may motel," pakiusap ni Evelyn sa driver. Ibinaba sila ni manong driver sa malapit na motel at inalalayan naman ni Evelyn si Jordan. "J-Jordan, please, tumigil ka na. Magpahinga ka muna at magpalipas muna tayo ng gabi rito," nag-aalalang saad ni Evelyn sa binatang lupaypay na dahil sa kalasingan. "Adel," patuloy na bulong at pagtawag ni Jordan sa pangalan ng kaniyang dating kasintahan. "A-Ang b-bigat m-mo," bulong ni Evelyn habang inaalalayan nito ang katawan ni Jordan. Biglang nag-ring ang cellphone ni Evelyn at ang tumatawag pala ang kaniyang boyfriend na si Nikko. Biglang pinatay nito ang tawag at nag-focus ito sa pag-aalalay kay Jordan. Nang makapasok sila sa kuwarto, pabiglang ibinalibag ni Evelyn ang binata dahil hindi na niya nakaya ang bigat nito. Hinawakan nito ang kaniyang sariling braso dahil sa pangangalay. "S-s**t ang sakit ng braso ko!" pagrereklamong wika ni Evelyn sa kaniyang sarili. "Adel!" wika ni Jordan at ipinikit na nito ang kaniyang mga mata. Bigla ulit nag-ring ang cellphone ng dalaga at sinagot niya ito. "Ano ka ba Nikko? Bakit tawag ka nang tawag?!" "N-Nag-aalala lang ako. S-Saan ka ba?!" kinakabang tanong ng binata sa kabilang linya. "Hay, naku, malamang nasa bahay ako. Bahala ka nga sa buhay mo, bukas na tayo mag-usap inaantok na ako!" at saka pinatay ni Evelyn ang tawag ni Nikko. "Hay, naku, ang nerd na 'yon. Kapag naging kami ni Jordan, ibe-break din kita. Imbyerna!" Tumabi ito sa tabi ni Jordan at saka niya ito niyakap nang napakahigpit. "Jordan, akin ka lang huh?" pabulong na bulong ni Evelyn sa binata. Dahan-dahan niyang tinanggal ang damit ng binata at saka na rin siya nag-alis ng kaniyang sariling kasuotan. Biglang napalingat ang binata at ang inaakala nito siya ay si Adelaida. Nakikita ni Jordan na ang babaeng kaniyang nasa harapan ay ang babaeng kaniyang kinahuhumalingan. "A-Adel," saad nito at bigla niyang hinalikan nang napakapusok si Evelyn. Sumunod naman ang labi ng dalaga at saka na pumatong ang binata sa kaniya. Kapuwa ramdam na nila ang init ng kanilang mga pangangatawan. "U-Ugh!" Pasinghap na tinig ni Evelyn habang isinususo ni Jordan ang kaniyang kaliwang pasas. "Adel---" mahinang bulong ni Jordan kay Evelyn. Kapuwa rin nilang pinagsasaluhan ang init ng kanilang katawan. "Mahal na mahal kita, Adel," muling sambit nito kasabay nito ay ang mainit na halik ang ipinaramdam nito sa dalaga. Naiinis man si Evelyn sa pagtawag ni Jordan sa pangalan ni Adel, subalit, gagawin nito ang lahat upang makuha nito ang binata sa kamay ng kaniyang kaibigan. Hanggang sa ipinasok ni Jordan ang kaniyang kaibuturan sa kuweba ni Evelyn. "U-Ugh!!!" kasabay na pag-ungol nilang dalawa. Pagkatapos nang mainit na gabing iyon, kinaumagahan, nagising si Jordan na walang saplot sa kaniyang katawan. Nakatalikod ang babaeng kaniyang nakasiping at alam niyang hindi si Adelaida ang kaniyang katabi. "A-Ang sakit ng ulo ko," wika ni Jordan sa kaniyang sarili habang nakahawak ito sa kaniyang ulo. Napagtanto nito na si Evelyn ang kaniyang nakatabi at halos manginig ito. "J-Jordan, gising ka na pala---" saad ng dalaga sabay nito ang pag-unat niya sa kaniyang dalawang braso. Nakatakip ng kumot ang kaniyang dibdib at halos hindi makapagsalita si Jordan sa kaniyang harapan. "A-Anong nangyari?!" pagtatakang tanong ni Jordan sa dalaga. Hindi makapagsalita ang dalaga at biglang tumayo ang binata. Tumalim ang tingin nito sa dalaga at biglang nagsalita. "D-Dapat hindi malaman ni Adel ito. Ayokong magalit siya sa akin!" madilim at matalim na titig ang ibinato sa dalagang nakatakip pa ng kumot. Biglang sinampal ni Evelyn si Jordan at biglang umiyak. "Ang akala mo ba ay kagustuhan ko rin ang nangyari sa ating dalawa?! Huh, Jordan?!" Humahangos na saad nito. "S-Sorry, hindi ko sinasadya. P-Pero nakikiusap ako sa'yo, Eve. Huwag na huwag mong sasabihin kay Adel ang nangyari sa atin. Pakiusap!" nakikiusap na wika ni Jordan kay Evelyn. "O-Oo sige, makakaasa ka," at saka na nagbihis ang dalaga. Samantala, si Adelaida ay pinaghahandaan na ng kaniyang magulang ang nalalapit nitong kasal kay Zander.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD