Chapter 6: Wedding Day

1381 Words
Pumayag na rin si Adel na magpakasal kay Zander kahit ang tunay nitong mahal ay si Jordan. Magdamag itong nanalangin at ipinagdasal niya na sana ay makapag-move at makahanap nang mapapangasawa si Jordan. "I am sorry, Jordan," tanging nasaad niya sa kaniyang sarili habang lumuluha ito at walang tigil sa paghikbi. Kinuha nito ang kuwintas sa kaniyang drawer at mahigpit niya itong hinawakan. Kasabay nito ang paghalik niya sa kuwintas na hugis puso na bigay naman ni Jordan sa kaniya. Pumasok naman si Manang Gidah at nakita niya na umiiyak ang kaniyang alaga. "Adel?" pagtawag ng Ale sa kaniya. Lumingon si Adel at pinunasan nito ang kaniyang luha. "I-Ikaw po pala, manang." Umupo ang ale sa tabi ng dalaga at saka niya hinawakan ang kamay niya. "A-Anak, p-pasensiya ka na kung wala akong magawa upang paibsahin ang sakit na iyong nadarama. Ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay ang damayan ka." At saka na umiyak nang umiyak ang ginang sa harapan ni Adel. Pinunasan naman ni Adel ang luhang pumapatak sa mata ng ale. "A-Ano k-ka ba Manang Gidah, a-ayos lang po ako. Siguro heto lang ang paraan nina mommy at daddy upang gumanda ang buhay ko." Niyakap ng ale si Adel at saka naman humiling ng pabor ang dalaga sa matanda. "M-Manang Gidah, maaari po ba akong makisuyo sa inyo?" Ngumiti ang ginang at saka nagtanong ng pabalik kay Adel. "A-Ano iyon anak?" Kinuha ni Adel ang kamay ng ginang at inilapat nito ang kuwintas sa kaniyang palad. "M-Manang, pakibigay ito kay Evelyn at pakisabi na ibigay ito kay Jordan. Kasama po pala hetong sulat," malungkot na wika ni Adel kay Manang Gidah. Tumango lamang ang matanda at saka na ito nagtungo sa labas ng bahay. Nagpatulong si Aling Gidah kay Manong Kaloy upang ihatid ito sa paaralan kung saan nag-aaral ang dalagang si Evelyn. Naabutan naman ni Aling Gidah si Evelyn sa kantina ng unibersidad. "Evelyn!" tawag ni Manang Gidah kay Evelyn. Lumingon si Evelyn at kaagaran niyang linapitan ang ale. Nagmano ito at ngumiti s harapan niya. "M-Mabuti at naparito ho kayo, manang?" pagtatakang tanong niya sa matanda. Umupo muna si Aling Gidah at saka nito kinausap nang masinsinan si Evelyn. "Uhm, may ipinapaabot si Adel at ibigay mo raw ito kay Jordan," malumanay na saad ng matanda kay Evelyn at saka niya ito iniabot sa kaniya ang kahon. Nalungkot si Evelyn subalit sa loob ng kaniyang puso ay may kagalakan itong nadarama dahil matagal na nitong gustong maangkin si Jordan kay Adel. Kinuha nito ang iniaabot ng matanda sa kaniya. "S-Sige po, Manang Gidah, makakaasa kang matatanggap ni Jordan ang ipinapaabot ni Adel sa kaniya," wika ni Evelyn sa matanda. Nagtataka ang matanda kung bakit hindi man lang kinamusta nito si Adel. Tumayo na si Evelyn at tinalikuran na nito si Manang Gidah. Subalit hindi na siya nagtanong sa kakaibang kilos ng dalaga. Samantala, si Jordan ay nagpupursige na lang ito sa kaniyang pag-aaral. Pinipilit niyang makalimutan si Adel at ang pagpayag nitong pagpapakasal kay Zander. Hinintay naman ni Evelyn si Jordan sa labas ng pathway. Nang makalabas na si Jordan sa kaniyang silid-aralan, sinalubong siya ni Evelyn at nakipag-usap. "Jordan!" pagtawag ni Evelyn sa kaniya. Tumingin naman si Jordan nang may malamig na titig sa harapan ni Evelyn. "O-Oh, ano ang kailangan mo?" Kumunot ang kilay si Evelyn at nagsalita. "Tara at mag-usap tayo ng masinsinan." Nagtungo ang dalawa sa forest tree na matatagpuan lamang ito sa likuran ng kanilang eskuwelahan. Alam naman ng lahat na sina Jordan at Evelyn ay matalik na magkaibigan. "O-Oh, ano ang pag-uusapan natin?!" sarkastikong tanong ni Jordan kay Evelyn. Huminga nang napakalalim si Evelyn at ipinakita nito ang kahon. "Oh, ayan, pinabibigay ng girlfriend mong lusaw." Nanginginig naman na kinuha ni Jordan ang kahon mula sa palad ni Evelyn. Nang makuha niya ang kahon, ibinulsa niya na lamang ito. "S-Sige, salamat, mauna na ako," pagpapaalam ng binata sa kaniya. Pumunta si Jordan sa dating tagpuan nila ni Adel. Umupo siya at binuksan ang kahon. Kitang-kita sa hitsura ng binata na labis itong nasaktan sa pakikipag-break ni Adel sa kaniya. "A-Adel---" pagtawag nito sa pangalan ni Adel habang lumuluha ito nang walang tigil. Hinalikan nito ang kuwintas at saka niyang matapang na binuksan ang sulat ni Adel. Sulat ni Adel: Mahal kong Jordan, Una sa lahat, nais ko munang magpasalamat dahil nariyan ka sa tabi ko nang higit pa sa tatlong taon. Salamat sa mga ala-ala na pinagsaluhan nating dalawa. Alam mo kung gaano kita kamahal ngunit patawarin mo sana ako kung hindi kita naipaglaban sa mga magulang ko. Hindi man ako ang naging kadaungan palad mo, masaya pa rin ako dahil ikaw ang nakilala ko. Patawarin mo ako. Mananatili ka sa aking puso. Dalangin ko na sana ay makalimutan mo na ako at sana ay makilala mo na talaga ang para sa iyo. Paalam, Jordan, hanggang sa muli. Nagmamahal, Adel Napaupo si Jordan at naisipan na nga ito na wala na talaga sila ni Adel. Kinabukasan ay nabalitaan na nga ito na magpapakasal na ang dalaga kay Zander. Inalam nito na kung saang simbahan ikinasal ang kaniyang pinakamamahal na si Adel. Subalit, pinigilan siya ni Evelyn at sinabi niyang sa bansang Japan nagpakasal ang dalawa. Halos, magwala ito at sabunutan ang sarili. Umiyak na rin si Evelyn at niyakap niya si Jordan. "N-Narito naman ako, Jordan. Narito ako. Mahal na mahal kita," lumuluhang pagtatapat ni Evelyn sa kaniya. Tumawa lamang si Jordan sa harapan ni Evelyn at ikinalas nito ang pagkakayakap ng dalaga sa kaniya. "Mahal? Talaga ba, Evelyn? Hindi kita mahal, si Adel ang mahal ko!" "A-Alam ko, Jordan. Alam ko. Pero hayaan mong mahalin kita. Tutulungan kitang makalimot kay Adel. Pangako, hindi kita sasaktan at ibibigay ko ang lahat," lumuluha at pagmamakaawa ni Evelyn sa harapan ng binata. Tumawa muli si Jordan sa harapan niya. "Nasasabi mo lang 'yan dahil may nangyari sa atin, Evelyn. Katawan lang ang gusto ko sa'yo pero ang puso ko ay mananatili pa rin kay Adel!" "T-Tanggap ko, Jordan. Kahit ano pa ang tingin mo sa akin. Kahit katawan lang ang habol mo sa'kin, ayos lang basta't kasama kita. Please, ako na lang ang mahalin mo." Tumalikod ang binata sa kaniya. "P-Pag-iisipan ko, Eve," ang tanging nasabi nito sa dalagang nagsusumamo sa harapan nito. Lumipas ang araw at taon, natuloy na nga ang pagpapakasal nina Zander at Adel. Ikinasal din sina Jordan at Evelyn. Samantala, sina Adel at Zander ay nanatili sa bansang Japan ng tatlong taon. Nagkaanak naman sina Evelyn at Jordan nang babae. Sina Zander at Adel ay hindi pa nagkakaanak. Dumating na ang mag-asawang Walker sa bansang Pilipinas at nagkaroon ng enggrandeng salu-salo sa mansion ng mga Walker. Kabilang sa imbitado ang mag-asawang sina Jordan at Evelyn. Dalawang taon na rin ang anak nilang dalawa na si Joanna. "J-Joanna," tawag ni Jordan sa kanilang anak. Nakasalubong naman ni Adel ang bata at nakatitig lamang ang batang si Joanna sa kaniya. Naiyak si Adel dahil kung hindi lamang ito nakunan sa anak nila ni Zander malamang ay kasing-edad lamang nito ang batang nakasalubong niya. Lumapit naman si Adel sa bata at kinausap. "Where is your mom?" tanong ni Adel sa bata. Lumingon-lingon ang bata at itinuro nito si Evelyn. Tinawag naman ni Joanna ang kaniyang Mommy Evelyn. "Mommy!" tawag ni Joanna sa kaniyang mommy. "Hayy, naku, Joanna, nariyan ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap ng daddy mo!" medyo malambing at pagalit na wika ni Evelyn sa kaniyang anak. Lumapit ito sa bata subalit hindi niya agad napansin sina Zander at Adel. "Nag-asawa ka na rin pala, Evelyn," nakangiting sambit ni Adel sa kaniya. Tiningnan ni Evelyn si Adel at bigla na lamang itong nagulat. "A-Adel?" "Y-Yeah, it's me. T-Teka anak mo pala siya?" pagtatakang tanong ni Adel sa kaniya. "Y-Yes. O-Oh k-kayo kumusta na kayo ni Zander?" gumagaralgal na tanong ni Evelyn sa kaniya at saka nito binuhat si Joanna. "H-Heto, wala pa rin anak," malungkot na sagot ni Adel sa kaniya. "Mahal---" tawag ni Jordan kay Evelyn. Gulat na gulat si Adel sa harapan nilang dalawa at labis din na nagulat si Jordan sa harapan ni Adel. Samantala, si Zander ay busy ito sa pakikipag-usap sa kanilang bisita. Hindi makatingin si Evelyn sa harapan ni Adel at halos manginig kamay nito sa harapan ng dati nitong kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD