Sa kalagitnaan ng party, labis ang pagtataka ni Adel kung sino ang naging asawa ni Evelyn. Nang makabanggaan ni Adel si Evelyn ay laking gulat nilang dalawa.
"E-Evelyn?!" pagulat na tawag ni Adel sa kaniya.
Tumingin si Evelyn sa kaniya. "A-Ah, A-Adel?! I-Is that y-you?" gumagaralgal na tawag ni Evelyn sa kaniya.
"How are you?! Magmula nang ikasal ako, hindi ka na nagparamdam sa akin?" nakangiting tanong ni Adel sa kaniya.
"B-Busy k-kasi at alam mo na, nagkasakit din kasi si papa kaya't hindi ko na nagawang magparamdam sa iyo," nahihiyang sagot naman nito sa kaniya.
Tumingin si Adel sa bata at ngumiti ito kasabay nito ay ang paghimas niya sa mukha ni Joanna. "Is this your daughter? How cute she is---"
"O-Oo, anak ko siya. I-Ikaw, hindi pa ba kayo nagkakaanak ni Zander?" muling tanong nito kay Adel.
Napasimangot siya at nangilid ang luha niya. "Actually, dapat 3 years old na ngayon si baby Lucas. Pero, binawi rin siya kaya't naipanganak ko siyang wala nang buhay. Six months pa lang siya no'n kaya't malabong mabubuhay siya at ang sabi ng doctor may butas din siya sa puso."
"I-I'm sorry for your loss. Huwag ni'yo lang titigilin ni Zander at malay mo makakabuo rin kayo, " nakangiting wika ni Evelyn kay Adel.
Hinawakan ni Adel ang kamay ni Evelyn at nagyakapan sila. "I miss you, bhesty. Tina-try kong kontakin ka kasi na-miss talaga kita!"
Niyakap pabalik ni Evelyn si Adel. "I miss you, too, bhesty. Pasensiya ka na rin dahil hindi ako nakapunta sa kasal ninyo ni Zander."
"N-Naku, o-okay lang 'yon! Alam mo naman ang nangyari dati hindi ba?! Wait nasaan pala ang asawa mo?!" masayang tanong ni Adelaida kay Evelyn.
Hindi makasagot Evelyn at biglang sumigaw si Joanna. "Papa!"
Hindi na makatingin nang lubusan si Evelyn sa kaniyang matalik na kaibigan. Laking-gulat din naman ni Jordan dahil lalo pang gumanda si Adel sa kaniyang paningin.
"J-Jordan?!" tawag ni Adel sa kaniyang dating kasintahan.
Napansin ni Evelyn na parang maiiyak si Jordan dahil nakita nito si Adelaida. "I-Ikaw p-pala ang naging asawa ni Evelyn?!" saad ni Adel na may laking pagkagulat.
"O-Oo, i-ikinasal k-kami 3 years ago na," gumagaralgal na wika ni Jordan kay Adel.
Hindi na masyadong nakapag-usap ang dalawa nang biglang lumapit si Zander. Inakbayan nito si Adel at nakipag-shake hand kay Jordan. Nagkangitian ang dalawa at bigla nang nag-ayang pumasok na sa kuwarto ang dalawang mag-asawang Walker.
"Honey, tara na. Hindi ba ang sabi mo sa akin kanina, masama ang pakiramdam mo?!" nakangiting tanong ni Zander kay Adel na may halong pananakot mula sa kaniyang mga mata.
"A-Ah, s-sige hon, need ko rin naman ng pahinga," wika nito kay Zander.
Tumingin si Zander kina Evelyn at Jordan. "We have to go, sa susunod ni'yo na lang ituloy ang kuwentuhan. Sorry," pagpapaalam ni Zander sa dalawang mag-asawa.
"S-Sige, no problem," ang saad na lang ng mag-asawang sina Evelyn at Jordan.
Pumasok na sina Zander at Adel sa kuwarto. Nang makapasok na sila sa kuwarto, ni-lock ni Zander ang pintuan.
"W-Wait, h-hon?!" gulat na gulat na wika ni Adel dahil tinanggal ni Zander ang sarili nitong kasuotan.
Bigla na lamang sinakal ni Zander si Adel. "Masaya ka ba dahil nagkita muli kayo ng greatest love mo, huh, Adel?!" pagalit na wika ni Zander kay Adel habang sinasakal niya ito.
Halos hindi makahinga si Adel at pinipilit niyang itinutulak si Zander. Biglang inalis ni Zander ang pagkakasakal niya kay Adel.
"W-What are you talking about?! Kasal na tayo at matagal na kaming wala ni Jordan!"
Biglang sinuntok ni Zander ang kama kung saan nakaupo sa gilid ang kaniyang asawa. "Kitang-kita ko sa mata mo kung gaano ka kasabik na makita ang Jordan mo!"
Umiyak nang umiyak si Adel at bigla itong nagsalita. "Alam mong hindi totoo iyan, hon! Alam mong isinuko ko na lahat sa iyo kahit ayaw ko sa kasal na iyon! Isinuko ko ang lahat pagkatapos ngayon sasabihin mo sa akin 'yan? Ano ang plano mo bakit tayo umuwi rito sa Pinas?!"
Ginulo ni Zander ang sarili nitong buhok at bigla siyang nagsalita nang may pagkamahinahon. "Narito tayo dahil kina mom and dad. I am sorry kung nasaktan kita."
Napaiyak na si Adel at halos manginig siya sa takot kanina subalit nasanay na lamang ito sa pagturing ni Zander sa kaniya. Kahit patunayan pa niya na mahal na niya si Zander, pilit pa rin pinapamukha ng kaniyang asawa na mahal pa nito si Jordan. Pinunasan ni Zander ang luhang pumapatak ni Adel at niyakap nito ang kaniyang asawang umiiyak.
"Shhhh--- sorry kasi nasaktan kita. Promise, I won't do it again. Sorry, please?" pagsusumamo ni Zander sa kaniya.
Hinimas naman ni Adel ang buhok ng kaniyang asawa. "Shh--- It's okay. Basta't 'wag mo na lang akong pag-isipan nang masama. Past na 'yon, sana kalimutan mo na."
Hinalikan ni Zander ang labi ng kaniyang asawa at pinagsaluhan nila ang mainit na gabi. Samantala, sina Evelyn at Jordan ay patuloy pa ring hindi nag-iimikan. Patuloy sa pagmamaneho si Jordan at nakatulog naman ang kanilang anak na si Joanna.
"N-Nakita mo na ulit si Adel, parang masaya ka yata?" pang-iinsulitong tanong ni Evelyn sa kaniya.
Tumingin naman nang napakatalim si Jordan sa kaniyang asawa. "Please, huwag ngayon Evelyn. Huwag mo muna akong awayin---" naiinis na pakiusap ni Jordan sa kaniya.
Alam ni Evelyn na mahal pa ni Jordan si Adel. Kaya't hindi na ito umimik at patuloy lamang ito sa kaniyang pagluha.
"Ano na naman ba ang iniiyak mo?! Napakadrama mo, Eve. Hindi mo naisip na kasal tayo?!" pagalit na wika ni Jordan sa kaniya.
"Kasal lang tayo, Jordan pero alam kong hindi mo ako mahal! Ilang babae pa ba ang kaya mong ikulong sa bisig mo?! Oh, ayan, nariyan na si Adel. Siguro naman, balak mo siyang balikan!" pasigaw na saad naman ni Evelyn sa kaniya.
Kinuyom ni Jordan ang kaniyang kamao at ipinukpok nito ang kaniyang kamao sa manobela ng kaniyang kotse.
"Damn! Pag-aawayan pa ba natin ulit ito, Eve?! Paulit-ulit ka na lang. Hindi pa ba sapat sa iyo na pinakasalan kita at nabigyan ng anak?! Ano pa ba ang gusto?! Hindi ba't umuuwi pa rin naman ako sa iyo?!" panunumbat na wika ni Jordan sa kaniya.
Hindi na sumagot si Evelyn at tahimik na lamang lumuha. Magmula nang ikasal sila ni Jordan at inaakala nito na mamahalin siyang pabalik ng kaniyang asawa. Subalit nagkamali ito dahil naging babaero at nalulong sa bisyo si Jordan. Kahit isa na itong guro sa gobyerno. Wala itong magawa dahil alam nito kung paano nagsimula ang lahat. At siya rin ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pakikipagtanan ni Adel kay Jordan.