Chapter 8: Between My Ex or Friend?

981 Words
Jordan's POV All these years, hindi ko talagang nagawang kalimutan si Adelaida kahit may anak na kami ni Evelyn. Sinubukan ko namang mahalin ang asawa ko pero kahit anong pilit ko, hindi ko pa rin siyang magawang mahalin. S*x slave lang yata ang pagtingin ko kay Evelyn at napupunan naman niya ang mga pangangailangan ko bilang isang lalaki. Pero para sa akin iba kasi kapag mahal mo ang nakakatalik mo. Inaamin ko namang ginamit ko si Evelyn para lang makalimutan ko si Adel. "Mahal, kain na---" ang tawag niya sa akin habang nag-aahin ito ng aming almusal. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo sa upuan habang kaharap ang inihanda niyang pagkain. Kitang-kita ko sa kaniya ang pagpayat at pagkamaga ng kaniyang mga mata. Minsan ay naaawa ako sa kaniya pero nanaig pa rin ang pagkamuhi ko sa kaniya. Kung sabagay, kasalanan naman niya dahil pinagpilitan niyang ipilit ang sarili niya sa buhay ko. "Umiiyak ka na naman ba?! Puwede ba Eve, tigil-tigilan mo na ang drama-rama mo sa buhay!" pagsusungit ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "H-Hindi naman ako umiiyak, ah!" Inisnaban ko siya at patuloy na ako sa pagsubo ng pagkain ko. Biglang nag-ring ang cellphone ko at tiningnan niya ito. Aminado akong alam niya na may babae ulit ako, siya ay si Minerva. Kinuha ko ang cellphone ko at patuloy na nakipag-usap sa kaniya. Subalit hindi ko alam kung bakit hindi nagalit ngayon si Evelyn sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at inasikaso na lamang niya ang anak namin. "Tapos ka na ba kumain, baby?" malambing na tanong ni Evelyn sa aming anak. Ngumiti ang anak namin at doon ko na-realize na napapabayaan ko na pala ang aming anak. Ni hindi na ako pinapansin ngayon kahit umalis man ako sa kanila. Tumingin si Evelyn sa akin at biglang nagsalita. "U-Uhm, aalis muna kami ni Joanna at uuwi muna kami ng probinsiya," seryoso nitong salaysay sa akin. Nabigla ako dahil kakauwi lamang niya ng Capas, Tarlac no'ng isang araw. "H-Hindi ba't kakauwi mo lang ng Patling no'ng nakaraang araw?" seryoso kong tanong sa kaniya. Ibinuhat niya ang anak namin. "Pagod na ako, Jordan. Bigyan mo naman ako ng isang buwang pahinga. Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin. Bahala ka kung iuuwi mo ang babae mo rito. Wala na akong pakialam. Kasi kahit balig-baligtarin mo man ang mundo, uuwi ka pa rin sa akin dahil asawa mo ako. Hahayaan muna kitang magsawa sa kanila." Tila nainsulto ako sa sinabi niya at kinuyom ko ang kamao ko. "Bakit? Sa tingin mo ba ay magsasawa akong paligayahin sila? Huh, Evelyn?" Hindi na ito umimik at tahimik na tumalikod sa akin. "B-Basta, bahala ka. Gawin mo ang gusto mong gawin. Uuwi muna kami ni Joanna sa Patling at magpakaligaya ka rito, Jordan." Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinila ko ang buhok niya. Hindi ko na rin alam ang ginagawa ko dahil naaapektuhan na ako ng galit ko. Sinampal ko siya at nasuntok sa sikmura. "ANO BA JORDAN?! TAMA NA!" sigaw niya habang nakaharang ang palad nito sa mukha niya. Bigla na lamang niyang hinawakan ang puson niya at nakita ko ang pag-agos ng dugo papunta sa kaniyang hita. "AHHHHHHHHHHHH!!! BABY KO!!!! AHHHHH!!!" pasigaw na hiyaw niya habang umiiyak. Nabigla ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Buntis pala siya sa aming pangalawang anak. "JORDAAANNNNN!!!!" tawag niya sa aking pangalan at nang mahimasmasan ako kaagaran ko siyang ibinuhat. Isinakay ko siya sa aming sasakyan. Iyak nang iyak si Joanna at pumunta sa pinakamalapit na hospital. "H-Heto, malapit na tayo. Sorryy!!" umiiyak na saad ko sa kaniya habang lumuluha. Nadala ko siya sa hospital at sa awa ng Dios ay naisalba ang baby nito sa kaniyang tiyan. Patuloy akong humihingi nang tawad sa asawa ko pero hindi niya ako iniimikan. "S-Sorry E-Eve kung nasaktan kita. H-Hindi ko sinasadya---" pagsusumamo ko sa kaniya. Tumalikod siya sa akin at tahimik na lumuluha. Bigla siyang nagsalita at napakasakit ng luha at salitang binitawan nito sa akin. "H-Hindi ko alam kung ano nga ba ang ikinagagalit mo sa akin. Minahal lamang kita pero kahit sa ilang taong pagsasama natin kailanma'y hindi kita sinaktan. Alam kong mali ang pagpilitan ko ang sarili ko sa'yo. Nagmahal lang naman ako, pero bakit ganito ang ipinaramdam mo sa akin?" lumuluhang saad niya sa akin. Hinawakan ko ang mga kamay niya at hinalikan ko ang mga 'yon. "P-Patawarin mo ako Eve. Naging sakim ako at iniisip ko lang ang sarili ko. Patawad." Nang dahil na rin sa pagmamahal niya sa akin nagawa niya akong patawarin. Ipinangako ko rin sa kaniya na hindi na ako magkakamali pa. Naging masaya ang pagsasama namin ni Evelyn pero ang minamahal ko pa rin ay si Adel. Isang araw, pumunta ako sa grocery store at nakita ko si Adel na namimili. Pinansin naman niya ako at parang naiiyak ako dahil na-miss ko siya ng sobra. "J-Jordan?" utal na tawag niya sa akin. Nilapitan ko siya at nag-usap kami. "K-Kumusta? Matagal na rin pala tayong hindi nagkita at nag-usap," kinakabahang wika ko sa kaniya. "H-Heto, gano'n pa rin. Ikaw kumusta na kayo ni Evelyn? Pasensiya ka na no'ng nandoon tayo sa party, medyo pagod kasi ako noon eh," nakangiting saad niya. Napakaganda pa rin niya at hindi ko maiwasang mag-isip na kung masaya siya sa piling ni Zander. "M-Mabuti hindi mo kasama mga maids mo?" pag-uusisa kong tanong sa kaniya. Umiling siya at kinuha niya ang isang bote ng ketsup. Nasaktuhan din na kukuha rin ako ng bote ng ketsup. Naghawakan ang mga kamay namin at sabay sabi ng "sorry" sa isa't- isa. Kitang-kita ko na namula ang mukha niya at napakalakas naman ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung heto na ba ang huli naming pagkikita ni Adel. Pero, iniisip ko, hindi na dapat ako mahulog sa kaniya sapagkat meron na kaming mga kaniya-kaniyang pamilya. End of POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD