CHAPTER TWO

2880 Words
CHAPTER TWO *** Delly NAPATINGIN ako sa babaeng hawak-hawak ni Celen ngayon. Siya ang babaeng unang minahal ni Winston at siya ang dahilan kung bakit ginusto ni Winston na magpakamatay noon, dahil hindi ito sumipot sa kasal nila. Siya pala, nakaramdam ako ng konting selos pero asawa na ako ngayon ni Winston at magkakaroon na kami ng anak. Ang pwede ko lang ngayong gawin ay ang magtiwala sa asawa ko. Nasa thirties na ito pero bata parin ang mukha nito na hindi man lang nadagdagan ng edad ang hitsura nito. Nakita ko narin noon ang picture niya pero hindi ko akalaing ngayon pa ako dadapuan ng selos kung kailan isa na akong Mrs. Singson. I stood up and walked closer to her. "Anong kailangan mo sa asawa ko?" She stared at me. "Kukunin ko lang ang matagal ng akin, hija. Do you really think na mahal ka ni Winston? Nagkakamali ka, dahil sigurado akong ginamit ka lang niya!" I laughed. "Kawawa ka naman, wala ka ng kukunin dahil hindi mo siya pag mamay-ari, Madam. Hindi lang ako basta-bastang babae ni Winston—I am his wife. Itatak mo yan sa pinakamaliit na ugat sa utak mo!" Napasipol si Andrew. "Babe, baka mapano ka," si Winston. "Let me talk to her para matapos na, Do you trust me, right?" I sighed and nodded. "Yes, pero sa babaeng yan, wala!" inirapan ko ito. "Nurse, my ass!" iniwan ko na sila at dumeretso sa kusina para kumuha ng maiinom, naninikip ang dibdib ko! Sumunod sa akin sina Belle at Alice para kalmahin ako. Winston Sumunod sa akin si Jael kung saan kami makakapag-usap ng kami lang. Gusto ko na ring makalaya sa alaala niya, at para narin matuldukan ang ano mang merun kami at galit dito sa puso ko para sa kanya. Ang daming katanungan sa isip ko na hindi nabigyan ng kasagutan noon. Nakaabang naman sila para magbantay sa mga hakbang ni Jael. "How are you, Winston?" she started. "I'm fine with my life now. Bakit ka bumalik, Jael? Anong dahilan mo? At binalak mo ba talagang patayin kami ng asawa ko?" "Hindi ako ang naglagay ng bomba at hindi rin ako ang nagbigay ng regalo para sa inyo ng asawa mo," Tinabihan niya ako sa pagkakatayo habang nakatingin kami sa paglubog ng araw. "Alam ko namang ako ang hindi sumipot at ako ang unang nanakit sayo noon. Ako ang umatras sa kasal natin, pero galit ako sayo dahil hindi mo sinubukan na hanapin ako at alamin ang nangyari sa akin. Ang dahilan ko kung bakit hindi ako nakarating sa kasal natin. Kung bakit bigla nalang akong nawala na parang bula," pinahid niya ang luha at pilit na ngumiti. "Wala akong ibang minahal maliban sayo Winston, wala akong pinangarap kundi ang maglakad sa altar at maging asawa mo, maging ina ng mga anak mo, at magkaroon ng masayang pamilya. Sabay tayong tatanda, sabay nating aalagaan ang mga magiging apo natin," she chuckled. "Pareho tayo ng trabaho, at alam ko ang panganib sa mga buhay natin at sa magiging pamilya natin kung saka-sakali." "Cut it off," hinarap ko siya. "Kung hindi ikaw ang nagpadala ng regalo sa amin, bakit mo alam ang tungkol sa bomba at ikaw mismo ang tumawag sa akin kanina?" "Nakakalungkot isiping tuluyan mo na akong binura diyan sa puso mo," muli siyang humarap sa dagat. "Narinig ko ang pag uusap ng mga waiter kanina tungkol sa black box na niregalo para sa inyo, kaya kita tinawagan para ipaalam sa'yo ang tungkol doon. The seekers, they want to shut down the WEDA, nalaman na nila ang tungkol sa pakikipagsabwatan niyo sa Black Dragonss kaya ngayon tinuturing kana rin nilang mortal na kaaway. Hindi lang ang The Seekers pati na rin ng ibang pribadong agency." Natahimik ako. "Bakit hindi ka sumipot sa kasal natin noon?" I questioned her. "Are you sure gusto mong malaman?" "Jael, mahigit sampung taon na ang lumipas at sigurado akong hindi na ikaw ang mahal ko. Minahal ko na si Delly higit sa pagmamahal ko sayo dati. At gusto ko lang matuldukan ang kung ano man merun tayo dati para narin sa ikakatahimik ng lahat. We used to be best of friends before, right? Kaya masakit sa akin ang ginawa mo." "Pinilit ko ang sariling makarating sa kasal natin, alam ng Diyos kung gaano ko ginustong makarating sa araw na iyon. Pero may kumidnap sa akin na ilang grupo at ikinulong sa lugar na hindi ko alam. Doon walang araw na hindi nila ako pinahirapan at ang tanging dahilan para lumaban ay ikaw," pinahid niya ang luha. "Nang magkaroon ako ng pagkakataong tumakas ay tumakas ako mula sa grupong iyon. Pinilit ko ang sariling bumalik sayo, pero nakita ko kung gaano ka kasaya sa bagong babae mo kaya ipinasya kong hindi na magpakita sayo dahil wala ng halaga iyon," she paused. "And the war between the private agencies was over. Wala na akong mapuntahan na lugar kaya ipinasya kong bumalik sa grupong kumidnap sa akin noon, at doon nabuhay muli ako sa ibang kataohan bilang si Samantha Benidez. Ang grupong dahilan ng kalbaryo ko ay ang grupong hindi ko akalaing magbibigay din pala sa akin ng totoong saya. Pero nanganganib kami ngayon dahil sa mga international mafia na nagha-hunting sa amin. Kaya kailangan ko ang tulong mo, kahit man lang sa pinagsamahan natin noon." "Bakit naman kayo hina-hunting ng mga mafia? Anong naging atraso niyo sa kanila?" "Kabilang ako sa grupo ng OBF o One Blood Fighters ngayon, isang samahan na kalaban ng mga mafia. At ngayon nasa panganib na ang grupo namin simula ng makuha nila ang lider namin, at nalaman ko na pati ang WEDA ay isa sa mga target nilang pabagsakin, lalong-lalo kana." "Hindi na bago sa akin ang mga ganyang pangyayari. Pero ang saktan ang mga mahal ko ay ibang usapan na. Hangga't maari gusto kong ilayo sa kapahamakan ang asawa ko," hinarap ko siya. "Gusto kitang tulungan, pero sa ngayon priority ko ang asawa ko. I'm sorry pero hindi kita matutulungan sa ngayon." "Winston... wala kana ba talagang pakialam kung mamatay man ako? Kung ano man ang mga nangyari noon, hindi ko iyon ginusto! Hindi ko ginustong saktan at iwan ka! Maniwala kang wala akong ibang inisip kundi ang makasama ka noon!" "Our issue now is not what about our past anymore Jael. Accept the reality na noon pa man ganito na tayo, ang isang paa natin nasa hukay na, at alam natin iyong pareho bago natin pinasok ang ganito kagulo at ka-delikadong trabaho. Kung sana nagtiwala kalang sa akin, at bumalik ka sa akin, kung sana sinubukan mong magpaliwanag noon hindi sana ganito ngayon ang nangyayari. Pinili mo ang sayo, kaya pipiliin ko rin kung anuman ang sa tingin kong makakabuti sa asawa ko, I'm sorry makakaalis kana." "Pagsisisihan mo ito Winston!" asik niya bago tumalikod sa akin at tinungo ang sasakyan nito. Napabuntong hininga ako. I am not stupid to believe you, Yael... Napatingin ako sa loob, at nakita ko ang pagtitig ni Delly sa akin. Ngumiti ako sa kanya at itinaas ang kanang kamay. Tama, si Delly na ngayon ang mas mahalaga at ang pamilyang bubuoin namin, ngumiti siya at tumango. Nasundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan ni Yael bago pumasok muli sa loob. "Joshua, nagawa mo ba?" tanong ko ng makapasok muli sa loob. Habang nag-uusap kami ay palihim na nilagyan ni Joshua ng tracker ang sasakyan ni Yael. "Yes, Sir!" sagot ni Joshua sa akin. "Okay," I faced Kendry. "Contact Jefferson, gusto ko siyang makausap." Tumango si Kendry. "Andrew at Alice, sige na makakaalis na kayo, salamat sa tulong niyo kanina." Tinapik ako ni Andrew. "Anytime, Sir!" "Enrique, send my greetings to Aljun," si Alice. "Makakarating," sagot ni Enrique. Nagpaalam na ang dalawa sa amin. Sumunod sina Celen at Enrique dahil may pasok pa bukas si Celen habang si Enrique naman ay dadalawin ang Wild Angels Island kung saan na naka base ang mga Black Dragons members sa pamumuno ni Lance, ang kanang kamay niya noon. Joshua is still working at WEDA, girlfriend na rin nito si Belle na ngayon ay may sariling Jewelry Shop na. Sina Kendry at Elsa naman ay engaged na pero wala pa silang balak na magpakasal sa ngayon dahil hinahanap pa nila ang gusto nilang gawin na magkasama. Enrique and Kendry are the lords of Black Dragons Organization na ngayon ay tumutulong na sa amin at sa Hunters Group. At kami naman ng asawa ko na nakilala bilang si Butterfly Mask ay haharapin na ang panibagong kabanata ng buhay naming bilang mag asawa. Walang sinuman ang makakasira ng pagkakaibigan na merun kami ngayon at naniniwala parin ako ng balang araw, matatahimik na rin kami sa kanya-kanya naming buhay. Nang makaalis na silang lahat ay niyakap ko si Delly. "I'm sorry kung naging ganito ang gabi natin." "Ang mahalaga ngayon ay buhay pa tayo, Babe!" she answered. "About Jael... ano ang napag usapan niyo?" "She explained kung bakit hindi siya nakarating sa kasal namin noon. Kasalanan ko rin dahil hindi ko inaalam at hinanap siya noon. Pero tapos na iyon, tapos na ang kabanata naming dalawa, dahil ikaw na ang babae sa buhay ko ngayon. Kaya sana Mrs. Singson, hindi ka mawawala sa akin." She wrapped her two arms around my neck and widely smiled at me. "Never," tinawid niya ang distansiya namin at masuyong hinalikan ako sa mga labi. "Happy first night, my mister!" Binuhat ko siya and gently kissed her. Joshua "Sissy!" "Kuya!" tuwang-tuwang sinugod ako ng yakap ni Sissy ng makapasok ako sa bahay. Hinalikan ko siya sa pisnge at binuhat. "Kuya, where have you been? I have been waiting for you to come home. I thought I would never see you again." "I miss you, my little girl. May trabaho lang si Kuya kaya ngayon lang muli nakadalaw. Na miss ko ang kakulitan mo," pinisil ko ang matambok niyang pisnge. "Na miss rin kita, Kuya!" niyakap niya ako. Lumapit sa amin ang yaya ni Sissy. "Sir, kailangan na pong maligo ni Sissy para pumasok sa school." Tumango ako at ibinaba na si Sissy. "Where is Mom?" tanong ko sa Yaya. "She's in her room, Kuya. She's drinking alcohol again," malungkot si Sissy na tumingin sa akin. "Kuya, is it true that Daddy is not coming home anymore? Iniwan na tayo ni Daddy?" she asked. "Sissy...." lumuhod ako para magpantay kami. Pinisil ko ang mukha niya. "Pag big girl kana, maiintindihan mo rin si Kuya, but for now kailangan mong mag aral ng mabuti, okay?" "Opo, para maging matalino ako gaya mo Kuya!" tumakbo na ito sa silid nito na kaagad namang sinundan ng yaya nito. KUMATOK muna ako bago pumasok sa silid ni Mommy Glenda. Pagpasok ko nagkalat ang mga bote ng alak na wala ng laman. Nakahiga siya sa kama habang nakapatong ang kanang braso sa noo niya, sobrang makalat ang loob ng silid at halatang napapabayaan na niya ang kanyang sarili. "Mom..." nilapitan ko siya. Iwinaksi niya ang kamay ko ng hawakan ko siya at bumangon. "Are you happy now? Ano! Masaya kana bang wala na ang Daddy mo? Iniwan na tayo ng Daddy mo!" umiyak siya ng malakas. "Iniwan na ako ni Rick!" "Oo! Masaya ako dahil wala na siya! Wala ng mananakit sayo, wala ng mambabalewala sa pagmamahal mo! Wala ng mananakit sa mga kaibigan ko, at wala ng mangingialam sa buhay ko! Mom, alam mong niloloko ka ni Daddy, pero bakit patuloy ka paring umaasa na magbabalik pa siya!" "Dahil mahal ko siya! Hindi mo ako maintindihan dahil hindi ka pa nagmamahal! Kahit ilang beses niya akong lokohin, okay lang basta ang mahalaga ako parin ang inuuwian niya. Ibinibigay niya lahat ng kailangan natin, ibinigay niya ang magandang buhay sa atin!" Tumawa ako ng hilaw. "Ni minsan ba, hindi mo tinanong si Dad kung saan niya kinukuha ang perang winawaldas mo sa casino at sa mga luho mo? Mom, hindi mo mahal si Dad dahil wala kang pakialam, ang mahalaga sayo iyong perang naiibibigay niya sayo. Ni minsan hindi mo ako naalagaan. Puro yaya! Puro katulong! Puro ka amiga! Kaya wag kang umarteng nasasaktan ngayon, dahil ang totoo nasasaktan ka dahil wala ka ng mawaldas na pera!" sinampal niya ako at muli pang sinampal. "Wala kang utang na loob!" pinagbabayo niya ako sa dibdib at hinayaan ko lang siyang gawin iyon. "Si Kuya... wala na siya," naramdaman ko ang paghinto niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Syempre hindi mo alam," hilaw muli ako na tumawa at umiling ako. "Alam mo ba kung ano ang huling hiniling ni Kuya bago siya mawalan ng buhay? Mama... Mama... gusto kong makita si Mama... pakiusap Joshua..." ginaya ko ang huling katagang lumabas sa bibig ni Kuya. Naluha ako sa alaalang iyon, napatakip sa bibig si Mommy. "Nalaman ni Dad ang tungkol kay Kuya, kaya naman sinubukan niyang ipapatay ito. He hired a killer to kill him without you knowing about it, while you're having fun with your friends, kami naman ni kuya nakikipaglaban kay kamatayan!" I chuckled. "Ngayon sabihin mo kung anong klaseng ina ka sa amin? Wag mong sirain ang buhay mo sa pag inom ng alak ngayon dahil matagal ng sira ang buhay mo. Kung ako sayo, itutuon ko nalang ang atensiyon ko kay Sissy, dahil baka pati siya mawala sayo," tinungo ko na ang pinto, pero tumigil ako. "Siyanga pala Mom, wala na si Rick, kaya wag ka ng umasang babalik pa siya dahil hinding-hindi iyon mangyayari pa!" at tuluyan na akong lumabas. Nahinto ako ng makita ko si Sissy sa labas ng pinto, umiiyak siya. "Sissy..." "Kuya, totoo bang bad guy si Dad? He killed people?" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at niyakap siya. "Kahit bad guy ang Daddy, ang mahalaga good girl si Sissy, ‘di ba? Alagaan mo si Mommy at wag kang magsasawang mahalin siya, okay ba iyon?" Tumango si Sissy. "Opo Kuya, hinding-hindi ko po iiwan si Mommy..." "Good girl!" Hinaplos ko ang buhok niya. "Don't worry dadalasan ni Kuya ang pagdalaw dito." Belle Nilapitan ko si Joshua pagkatapos kong ilapag ang dala kong pagkain sa mesa. "Hey, are you okay?" nakatayo siya sa veranda at mula doon tanaw namin ang malaking ciudad ng Quezon City. Nasa condo unit niya kami ngayon, may pera na kaming panggastos para sa sarili namin, at sa business na ipinatayo ko. Galing sa perang na-hack niya noon sa auction ng mga sindikato, ang iba naman ang ginawang pondo ng Black Dragons Organization. He exhaled. "I had a conversation with my Mom a while ago, and I just feel bad about it. May nasabi akong masasakit na salita sa kanya. Na gi-guilty lang ako... my Mom endured all the pain para lang manatiling buo ang pamilya namin. Hiyaan niya ang sariling maging tanga at nagbulag-bulagan siya sa mga pambabae ni Dad. Itinuon niya nalang ang atensiyon sa mga amiga niya at sa mga luho niya. The only thing na may mali siya ay ang hinayaan niya kaming lumayo sa kanya." Napakagat labi ako. "And I am one of those women who ruined your family." He faced me. "Belle, mahal kita, okay? Kaya it doesn't matter kung naging babae ka man ni Rick noon ang mahalaga binago mo na ang buhay mo ngayon. At ako nalang ngayon sa buhay mo." Hinaplos niya ang mukha ko. "Kalimutan mo na kung ano man ang nagawa mo noon sa buhay mo," ginawaran niya ako ng mga halik sa labi. "I love you..." "I love you too, Joshua!" ginantihan ko siya ng halik and I stopped. "At lalamig na ang pagkain sa mesa," I added. Napangiti siya ng pigilan ko ang mga kamay niyang humahaplos sa tummy ko. "You're quick!" he said. "I need to, dahil ayaw kong mabuntis ng ‘di oras!" I responded at nauna na ako sa mesa. Umupo na siya. "Wow! Adobo—again!" "Nagrereklamo ka ba?" mataray na sabi ko. "Ako? Nagrereklamo? Hindi, ah!" nilagyan ko ng kanin ang pinggan niya, at kumuha naman siya ng niluto kong chicken adobo—as usual. "Nagrereklamo ka, eh!" pangungulit ko. "Hindi nga, ang totoo masarap nga itong adobo mo, pwede ka ng mag-asawa," he joked. "Neknek mo!" umupo na ako sa tapat niya. Inilabas ko ang isang baonan, nangunot ang noo niya ng mapansing hindi iyon adobo, kundi tinolang manok. "Teka, bakit sa akin adobo tapos sayo tinola? Ang daya naman!" "Nagsasawa kana ba sa adobo?" I teased. Napalunok siya ng titigan ko siya ng nakaka intense. I am holding my laugh. “H-hindi, basta ba luto mo..." mahinang sagot niya. "Mabuti naman," humigop ako ng sabaw at pinatunog ko pa talaga iyon ng malakas. "Pero pwede namang tumikim ng ibang putahi..." "Nakatikim kana ba ng ibang putahe?" I teased again. Saan na naman kaya papatungo ang usapan naming ito? Parang iyon ang nababasa ko sa isip niya haha! Yumuko na lamang siya, at nagtiis sa walang kamatayang adobo ko. In fairness masarap naman talaga ang luto ko. Tumawa ako at inilapit sa kanya ang tinolang manok. "Eto naman para binibiro lang eh, para talaga iyan sayo, dahil sa totoo lang nagsasawa narin ako kakaluto ng adobo. Inaral ko pa ito sana magustuhan mo," ngumiti ako. "Really?" "Opo." Tinikman niya ang tinola, tumango tango siya. "Hmmm, masarap!" he commented. "Salamat," nagsimula narin akong kumain. "Syempre masarap ang nagluto, eh!" I smiled playfully. "Maliit na bagay, haha!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD