CHAPTER THREE

1709 Words
CHAPTER THREE *** Enrique @ Wild Angels Island (Heaven's Island before) "WELCOME home, Enrique!" nakangiting bati sa akin ni Lance. Tinanggap ko ang palad niya. "Or should I say... boss?" he grinned. "You're the boss here, wag mong ipasa iyan sa akin, loko ka, ha?" sinuntok ko siya sa panga sumadsad siya, tumayo siya at ginantihan ako ng suntok na tumama naman sa sikmura ko kaya napayuko ako. "Hindi ako nagpapatalo boss!" nakangising sabi ni Lance. "That's why I need your ability. Your leadership and skills are more than I expected," umayos na ako ng tayo. Tinapik niya ako sa balikat at niyakap siya. "You're the man Enrique!" Pumasok na kami sa loob ng isla. Wala na ang mga arena at inayos na rin ang mga bodega. Wala ng tere-teretoryo kaya malaki na ang nagbago sa loob. May mga gusali narin sa loob kung saan bawat membryo ay may kanya kanyang silid. May malaking bulwagan kung saan sila nagsasanay sa pakikipaglaban. May pinatayong bagong gusali kung saan ang control panel ng Organisasyon. Sinalubong ako nina Aljun at Peter at itinaas ang kanang braso, itinaas ko rin ang akin bilang pagbati. "Kinu-kumusta ka sa akin ni Alice, Aljun," sabi ko dito. "Pakisabi heto at gwapo parin. Kapag niloko siya ni Andrew, pumunta lang kamo siya dito at re-resbak ako," "Haha! Asa ka dun," si Peter. Inilibot nila ako sa loob ng isla. May mga teenager na mga kalalakihan ang nagsasanay. Nilapitan ko sila, at yumuko sila ng makita ako. Itinaas nila ang kanang braso na noo'y may maliit ng nakatattoo sa mga braso nila. "Kumusta kayo dito?" "Ayos lang boss!" "Wala bang nang-aapi sa inyo dito?" "Wala bossing!" sagot nila. "Baka naman tinatakot lang kayo? Wag kayong mag alala kayang kaya ko silang lahat!" Tumawa ang mga binatilyo at nagpatuloy na ang mga ito sa pag-eensayo. Pumasok kami sa loob ng hindi pa tapos na control room. "Natanggal niyo na ba ang bombang nakatanim sa islang ito?" tanong ko sa kanila. "Hindi pa boss, pero na deactivated naman iyon," sagot ni Peter. "Kahit na, okay na iyong sigurado tayo." "Bakit boss? May problema ba tayo sa Hunters Group?" si Lance. Umiling ako. "Wala tayong problema sa kanila pero mas mahalaga parin iyong nag iingat tayo. Lalong-lalo na ngayong nasa islang ito ang mga bata natin." Tumango sila. "Sige boss, kakausapin ko si Jefferson tungkol sa bomba," sagot ni Lance. Sinamahan nila ako sa magiging silid ko, dumapa ako sa kama pagkapasok sa loob at idi-nial ang number ni Celen. "Hi, lady in red." Celen: (chuckled) Kailan ka uuwi? Enrique: Kadarating ko lang kaya dito? Celen: Eh, sa miss na agad kita. Enrique: Alam ko namang patay na patay ka talaga sa akin, eh. Celen: Lakas mo, ah? Tumawa ako. "I love you... mag-aral ka ng mabuti diyan, ha? Isang lingo lang akong mawawala." Celen: Sus, oo na po... I love you too, Darling..." "Umwah!" I ended the call and fall asleep. Alice Napangiti ako ng makita si Cheche na nakasuot ng uniform, ibinaba ko ang salamin para mas matingnan pa siya, nabayaran ko na rin ang gagastusin niya sa pag-aaral at nakausap ko na rin ang principal na bigyan ng scholarship si Cheche sa kolehiyo. "Masaya kana ba talaga sa patingin-tingin lang?" Napalingon ako kay Andrew. "Ako hindi maku-kontento sa mga ganito lang... alam mo Honey, maswerte ka parin dahil may kapatid at ina ka pa na nabubuhay sa mundong ito. May pagkakataon ka pang makasama sila, hindi tulad ko." Napatingin muli ako kay Cheche, pumasok na ito sa loob ng tricycle. "Hindi ko parin kayang harapin si Inay, Andrew." "At least hayaan mo ang sariling maging masaya kahit man lang ang makikilang Ate ni Cheche... pagbigyan mo na ang sarili mo, kahit 'yun lang." Ngumiti ako kay Andrew. Hindi nga ako nagkamali ng lalaking minahal. "Salamat Andrew, pag iisipan ko ang sinabi mo." Pinaandar na niya ang sasakyan. Papunta kami kay Dra. Veronica para sa dinner. Nagli-live in na kami ngayon ni Andrew at balak na namin iyong ipaalam dito. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan iyon. "Everything will be alright," he said. "Wish ko lang! Kilala mo naman si Mommy. Conservative iyon masyado." Dumaan muna kami ni Andrew sa isang mall para bumili ng pasalubong kay Dra. Veronica. Cake ang naisip naming offering para dito. I kissed her check ng makarating na kami sa bahay, ganun din si Andrew. "Hi, Tita!" bati ni Andrew. "We bought something sweet for you!" Tinanggap iyon ni Dra. Veronica. "Wait a minute, hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon, ah!" aniya. "Mommy naman, hanggang ngayon ba ayaw mo parin si Andrew para sa akin? Inaanak mo siya at kilala mo na siya noon pa man, at siya ang dahilan kung bakit nag resigned ako—" "Teka, teka sandali lang!" itinaas ni Dra. Veronica ang mga palad. "Hush ka muna anak, maupo na muna kayo." Nagsikuhan kami ni Andrew habang pinagmamasdan naman kami ni Dra. Veronica. "Teka nga muna, may gusto ba kayong sabihin sa akin? Nagkakaganyan lang naman kayo pag merun, para kayong ‘di makaihing dalawa." "Kasi Mommy, Andrew and I..." "Are you two getting married?" Napakagat labi ako. "Mom, no but we are living together now... But we promised to get married pag handa na ako Mommy. Wala lang magawa si Andrew dahil ako ang hindi pa ready sa usaping kasal..." Napatuwid ng upo si Dra. Veronica, umasim din ang mukha nito. "Alice, tumayo ka!" she ordered. "Mommy..." "Ang sabi ko tumayo ka!" she repeated. Nakayukong tumayo ako at tumalikod sa kanya. Pinalo niya ako sa pwet! Namula ang mukha ko sa hiya para kay Andrew na noo'y pinipigilan ang matawa. "Andrew, tumayo ka!" si Dra. Veronica. "Tita! Hindi na kami mga bata ni Alice para paluin niyo pa sa pwet!" reklamo nito. "Andrew pwede ba sumunod kana lang!" I hissed at him. Wala itong nagawa kundi ang tumayo at tumalikod, at pinalo din siya sa pwet ni Dra. Veronica. "Mga pasaway kayo! Nag li-live in na pala kayo hindi niyo man lang muna sinabi sa akin, ha!" patuloy ito sa pagpalo sa pwet namin, ng mapagod ay umupo na ito sa sofa at nag iiyak. Hinarap ko siya at niyakap. "Mommy, stop crying na, okay? Magpapakasal din kami ni Andrew. Sa ngayon may gusto lang akong ayusin muna at pangako ikaw ang maghahatid sa akin sa altar sa araw na iyon." Niyakap niya ako at patuloy lang siya sa pag iyak, napatingin ako kay Andrew at ngumiti. Nag okay sign ako sa kanya kaya nakahinga na siya ng maluwag. Nadama ni Andrew ang pwet. "Wala paring pinagbago si Tita." Tumawa ako. "Tama ka," nakauwi na kami sa bagong bahay namin ni Andrew. "Honey, alam ko namang nangako na akong hindi na babalik sa pagiging agent pero nag aalala talaga ako para kina Delly. Alam natin pareho na hindi lang pagbabanta ang nangyari." "Honey, I understand about your concern dahil ganun din ako. Pero hindi ako makakapayag na bumalik na naman tayo sa WEDA. Nangako na tayo ‘di ba? Kahit wala na tayo sa WEDA, pwede naman tayong tumulong sa kanila." "Your right, Hon. Sana lang tumigil na sila sa panggugulo." Elsa Niyakap ko si Aling Simang ng muli ko siyang bisitahin sa Isabela. Tumawag lang ako kay Kendry para ipaalam sa kanya na dinalaw ko si Aling Simang dahil susundan niya sa isla si Enrique. "Mas gumaganda ka ngayon, Elsa!" Hinaplos niya ang mukha ko. "Kumusta na ang paghahanap mo? Nahanap mo na ang gusto mo?" Ngumiti ako. "Opo Nay, at walang iba kundi ang alagaan ko po kayo ngayon." "Okay lang ako dito anak, kaya ko pa naman, eh!" Umubo siya. "Hayaan niyo na po akong alagaan kayo Nay. Wala naman po akong gagawin ngayon at isa pa nakausap ko na ang Doctor. Ang sabi niya mahina na raw ang katawan niyo kaya hindi na kayo pwedeng magpagod pa." Ngumiti siya. "Sige na nga, ikaw na ang bahala basta anak, alagaan mo rin si Kendry, ha? Wag mong hahayaang maramdaman niya na wala ka sa tabi niya. Nababasa ko sa taong iyon na kulang siya sa pag aaruga at pagmamahal kaya ikaw dapat ang pumuno nun." Hinaplos ko ang buhok niya. "Gagawin ko po iyon 'Nay," niyakap niya ako. "Gusto kitang makitang laging masaya sa buhay tulad ngayon, gusto ko sanang makita kang kinakasal sa kanya pero mukhang hindi na ako magtatagal sa mundong ito," muli siyang umubo. "Inay 'wag naman po kayong magsalita ng ganyan, mabubuhay pa po kayo ng matagal at maaalagaan niyo pa po ang magiging apo niyo." Ngumiti siya. "Elsa, anak matanda na ako at handa na akong mamatay ngayon. Masaya ako dahil dumating ka sa buhay namin, hindi man naging maganda ang mga nangyari pero maniwala kang napaligaya mo kami, ako ang Itay Nardo mo, at si Risa. Masaya kami na naging bahagi kami ng buhay mo." Napaluha ako. "Masaya rin po ako dahil nakilala ko ang pamilya niyo. Salamat po sa lahat at mahal na mahal ko po kayo Nay Simang," hinawakan ko ang mga palad niya. Mahina na ang katawan niya dala na rin ng kanyang katandaan. Ibinigay niya sa akin ang kwentas na ibinigay noon ni Risa sa akin. "Ibinibigay ko na ito sayo." "Iingatan ko po ito, Nay. Maraming salamat po." Inihiga ko na siya at kinuha ang gamot niya, pagkatapos ko siyang painomin ay payapa na siyang nakatulog. Napangiti ako, ganito pala ang pakiramdam ng mayroon kang inaalagaan. Ganito siguro ang naramdaman nila ng gamutin nila ang sugat ko noon ng matagpuan nila ako sa gubat ng mahulog ako noon sa bangin, sa matarik na bahagi ng lugar na iyon. Nilinis ko rin ang munting kubo niya. Umupo ako sa papag habang binubuklat ang lumang album nila. Napangiti ako ng makita si Risa, na noo'y maliit pa lamang. Nalulungkot ako para kay Risa... "Aling Simang? Tao po!' mula sa labas. Inilapag ko ang album at nilabas ang tao. "Sino po sila?" tanong ko. May ibinigay itong isang kahon. "Padala po para kay Aling Simang," iniabot niya sa akin ang isang kahon. Pagkatapos pirmahan ay umalis na ito. Napatingin ako sa kahon, kanino naman kaya ito galing? Inilapag ko ang kahon sa gilid. Hihintayin ko nalang ang pag gising ni Inay bago buksan ang kahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD