CHAPTER SIX

2176 Words
CHAPTER SIX Alice TINANGGAL ko na ang earpiece sa tainga ko, dahil naramdaman ko ang paghihirap ni Delly habang humihiyaw ito sa sakit. Nakita ko rin ang pag ngiwi ni Andrew. "Now you know," I told him and he just chuckled. Dumeretso na kami kung saan nakikipagbakbakan ang grupo nina Kendry. Lumabas ako sa bubong ng sasakyan namin ni Andrew at inilabas ko ang baril at pinagbabaril ang mga kasalubong naming sasakyan ng mga The Seekers. Sa kabila naman sina Enrique at Jefferson habang si Kendry ay patungo sa bahay nina Winston para tulungan si Joshua. Napatigil ako sa pagbabaril ng makilala kung sino ang nasa loob ng sasakyan ng lumampas ang isang Mercedez-Benz sa amin. Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Kinuha ko ang cellphone ni Andrew and dialed Enrique's number. "Stop firing them, they are not The Seekers, they are just using their logo." Enrique: Are you sure? Alice: Yeah' Enrique: We need an explanation later. Alice: Okay. Sa unahan nakita ko ang pagsenyas ni Enrique kay Jefferson at sumakay na sila sa mga kanya-kanyang motor, habang ang mga kalaban naman nila ay nag siatrasan na. They are just teasing us, and why the hell they used The Seekers logo? O pumanig na sila sa The Seekers? Huminga ako ng maluwag. "Honey, kaya mo pa bang habolin ang kotse nila?" Ngumisi si Andrew. "Para sayo!" nag maniobra siya at tinahak ang daan pasunod sa huling kotseng dumaan sa amin. Napakagat kuku ako, hindi pwedeng siya iyon. Pero hindi na nahabol ni Andrew ang mga sasakyan nito dahil biglang nawala na ang mga sasakyan nito. Nahampas ni Andrew ang manibela. "They are too fast!" "It"s okay, dumeretso na tayo kina Dra," napatingin ako sa labas ng salamin. Napaayos ang upo ko ng makitang nakatayo siya doon habang nakatitig sa sasakyan namin. "Honey? May problema ba?" "Ha? Ah... wala, iniisip ko lang si Delly ngayon," I lied. Muli akong napatingin sa side mirror pero wala na ito doon. Namalikmata lang ba ako kanina? Pero totoo ang nakita ko, sigurado akong siya iyon. Joshua "Sino kayo?!" tanong ko habang nakatutok ang baril sa kanila, there are five women in front of me unarmed, pero hindi ako dapat maging kampante. Nadatnan ko silang hinahalughog ang buong bahay nina Winston. "OBF," sagot nila. "OBF? Kasamahan kayo ni Samantha Benidez? Anong ginagawa niyo dito?" hindi sila sumagot, dumating naman si Kendry at tinutukan sila ng baril. "Hands up, ladies!" si Kendry. Itinaas ng mga kababaihan ang mga kamay, nilapitan ko sila at mahinahon silang sumama sa amin at nakapagtataka iyon. "Enrique, dumeretso na kayo kina Winston, susunod nalang kami ni Joshua, may nahuli kaming lima dito. Sa tingin ko makakakuha na tayo ng information sa kanila," si Kendry. Senenyasan nito ang lima na pumasok sa loob ng sasakyan ko. They are expressionless, emotionless! Napailing ako, they are just damn cold as ice. Nakasunod sa akin si Kendry at patungo kami ngayon sa headquarter, sa under pool office ni Winston sa kanyang resort. Tinitingnan ko sila sa view mirror, at hindi ko mabasa basa ang mga iniisip nila. Napailing ako at itinuon ang atensiyon sa daan. Kinuha ko ang cellphone. "Sweetheart, Delly is finally screaming!" pagbabalita ko, napatingin ako sa view mirror. "I am so excited! Pupunta ako ngayon sa hospital, cancel our date tonight," excited na sagot niya. "No need to go there, she's..." ang alam kasi nito ay sa napag-usapang hospital noon manganganak si Delly. "Sweetheart call Alice for the details." Kendry: Don't trust the girls. Joshua: I know. --- Unknown leader gathered his men to plot another evil plan in the underground that was owned by Assassins before. He is wearing a wolf mask to hide his real identity and no one knows what he looks like. He is called a wolf and he is taking his revenge against WEDA and Black Dragons Organization and he is planning to use the Wild Angels against them. "Sumusunod sa atin ang lahat ng plano, konting panahon nalang at tuluyan na nating mapapasunod ang mga Wild Angels. Konting panahon nalang at mapapabagsak na natin ang WEDA ang sino mang humadlang sa atin ay kalaban narin natin!" "Pero matalino sila, kaya hindi natin sila basta-basta mapapasunod!" sabi ng taga sunod nito. "They will follow us, whether they like it or not!" nanlisik ang mga mata nito sa galit. "Kukunin ko ang lahat sa kanila! Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa atin!" tiningnan nito ang mga kasamahan. "I just got an order, at ngayon magsisimula na ang totoong laban!" Nagsitanguan ang mga kasamahan nito. "Ang Wild Angels ang kanilang kahinaan kaya gagamitin natin sila para tuluyan na silang bumagsak! At sisiguraduhin kong sa atin ang huling halakhak, namnamin nila ang saya ngayon dahil sa susunod sisiguraduhin kong iiyak sila. Do your daily routine, I'll contact you sa mga susunod nating hakbang." Winston Na pahawak ako sa ulo ng magising ako dahil biglang bumigat iyon, bumangon ako at ininom ang isang baso ng tubig na nasa gilid ng mesa. I am freaking thirsty! Bumukas ang pinto at pumasok doon si Kendry, kasunod nito sina Joshua, Andrew, Enrique, at Jefferson na kapwa may mga ngisi sa mga labi. I frowned. "Hey men? What are you doin' here? How about chasing The Seekers?" Tinapik ako ng seryosong si Kendry. "Congratulations man! Finally isa ka nang ama! Stop worrying about all those assholes for now and let just celebrate!" "Kendry, wala tayo sa gyera ngayon, smile!" si Andrew. "Ang boring mo naman, dude!" dagdag pa nito. Sinikmurahan ito ni Kendry, sabay ngising aso. Napangiwi si Andrew, tinulungan naman ito ni Joshua para ituwid ang katawan nito. "Grabe! Kailangan mo pa talagang manakit para lang ngumiti ka?" reklamo ni Andrew. Napayuko ako at sinigawan sila. "WHAT ARE YOU DOING HERE?!" Nagkatinginan sila at nagapiran pa. "This is my chance para pagtawanan ka! Ha-ha-ha!" si Andrew again. "Ang hinimatay na ama!" Tinuro ko ang sarili. "A-ako ama?" Tumawa si Andrew. "Hey man, sinong kumain ng utak mo ngayon, ha?" Mabilis na napatayo ako. "Si Delly!" oo nga pala, nanganak na pala ang Misis ko. Naririnig ko parin ang pagtatawanan nila, mas malutong ang tawa ni Andrew. "Mas ikaw pa ang hinimatay sa Misis mo, ha?" si Enrique at muli silang nagtawanan, kinuha ko ang unan at binato ito. "Shut up!" lumabas na ako at pinuntahan si Delly, nanlamig ang mga palad ko sa kaba. Hinawi ko ang kurtina at nakita ko siyang nakahiga habang pinalilibutan ng mga kaibigan nitong tuwang-tuwa. "Babe..." I called her out. Sounded like a kid who just got his punishment after doing something stupid. Napatingin sila sa akin, nakangiting lumapit sa akin si Dra. Veronica. Napatingin ako sa isang munting anghel na nasa mga bisig niya. Napaluha ako ng makita ang mukha niya finally. "She's b-beautiful..." hindi ko napigilan ang mapaluha ng tingnan ang munting anghel. "You can carry her," nakangiting sabi ni Dra. Napatingin ako kay Delly na abot hanggang tainga ang ngiti, napaiyak din siya at tumango. Kinuha ko ang baby mula kay Dra and it feels like heaven. Lumapit ako kay Delly and kissed her. "I love you, Babe." "I love you too, Babe." "She is very lovely!" si Belle and giggled. Lalo na at napangiti ang anghel ng kargahin ko siya. "May naisip na ba kayong name para sa kanya?" si Celen na halatang excited. "Winsley Marie," panabay na sagot namin ni Delly. Katakot takot na listahan ang sinulat niya para sa maging pangalan ng anghel namin, at ang pangalang ito ang nagustuhan ko, pinaghalo ang pangalan namin at kasama pa si Marie. Napangiti rin sila, pinahid ni Alice ang luha, for sure naalala naman nito si Marie. "Winsley Marie," ulit ni Alice. "Hi, Winsley Marie!" inaliw-aliw nito ang baby namin. Pumasok ang mga kalalakihan sa loob at masayang pinagkaguluhan nila ang aming munting anghel. She has the face and shape of her mother, but I have her eyes and nose, the mystery of life is awesomely interesting and mysterious as it is! "How could a brave man like you, just passed out?" si Elsa at napuno ako ng pang aalaska nila, wala akong magawa dahil totoo naman talaga iyon. But once these men are on my shoes? Tingnan ko lang kung ano ang gagawin nila. Later or sooner mararamdaman din nila ang naradaman ko, when my wife screamed for giving another life. Napangisi ako at hinayaan nalang silang asarin ako at pagtawanan, and now another Marie is live again... lying peacefully here in my arms... smiling beautifully and this time I will protect her no matter what it takes. "Malalaman niyo rin pag kayo na ang nasa kalagayan ko!" I yelled at the men and they just all laughed all over again. Alice "Mommy..." Napalingon sa akin si Dra. Veronica at tinapik niya ang katabing upuan, alam niya ng may problema sa tono palang ng boses ko. Pumasok ako sa silid niya, nasa ibaba ang mga kasamahan ko and celebrating, pumuslit lang ako sandali para makausap si Mommy. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Mommy, thank you for helping my friends..." She smiled. "I love watching y'all, treasure the friendship that you've built together, I am happy that you found the real friends that I wanted you to have. Do you still remember? Mas gusto mong mag-isa noon at hindi ka tumatanggap ng ano mang favor galing sa iba. Pero, look at you now... you've changed and it was for good. I can see how the real happiness in your eyes Alice." Napayuko ako sa sinabi niya. "Is there anything that bothering you now?" iniangat niya ang mukha ko. "Mommy... I am scared... natatakot akong mawala sa akin ang lalaking mahal na mahal ko..." "Bakit? May nagawa ka bang kasalanan kay Andrew? Nanlalalaki ka ba?" "Mommy naman!" She chuckled and then she comb my hair with her fingers. "Alice, malaki kana nga, lahat ng magulang ito ang kinatatakotan at pinakamalungkot na parte sa pagiging magulang. Ang pagkakaroon ng sariling pamilya ng mga anak namin, pero at the same time we want what the best for our children... and I know si Andrew na ang para sayo. I like Andrew for you, Alice." Niyakap niya ako. "Kailangan mong sabihin sa kanya so he will understand you, wag mong hahayaang sa iba pa niya malalaman ang anu mang tinatago mo. That's the only way para hindi masira ang tiwala niya sayo and knowing him, I know he will try to understand you." I exhaled. "I don't want to lose him, Mom." Iniangat ni Dra. ang mukha ko and wiped my tears from my face. "Ikaw si Black Angel, you are brave, strong, and smart, Alice. Alam kong gagawin mo ang tama at kung ano man ang nagawa mo dati, alam kong may dahilan ka at iniisip mo lang ang para sa ikakabuti ng lahat. I believe that you can't hurt him and I believe that he will trust you more than you can imagine." "Thank you, Mommy, it helps me a lot really!” niyakap ko siya ng mahigpit. TUMABI sa akin si Jefferson, nasa resort kami ni Winston ngayon kung saan nakakulong ang limang kababaihan sa loob and Joshua are investigating them. "Hey, are you okay?" "Yeah," I answered with a sigh. "You know what? I have something to show you!" malapad siyang ngumiti, kinuha niya an wallet niya at ipinakita sa akin ang isang larawan. I was surprised and my eyes widen. "No way!" "Yes, way!" he chuckled. "You two are dating?" He laughed. "She's my girl already!" and he winked. Ang kasama niya sa picture ay walang iba kundi si Jinky Collins ang babaeng nakilala ko sa Heaven's Island before na ngayon ay Wild Angels Island na. "She's coming and she wanted to see you again." "I would love to!" excited na sagot ko. "But wait.... why does she still remember about me? I thought your group was deleted her memories?" "She asked for a favor and I granted it. She wanted to still remember her heroes especially you, Alice." Napangiti ako. "That woman, I am excited to see her again." Lumapit sa amin si Andrew. "It's time for us to go home now, honey!" tinapik nito si Jefferson. Tumango ako at sumama na kay Andrew. Nilingon ko si Jefferson. "Tell her to meet me as soon as she gets here." "Sure, no problem!" Jefferson answered. Andrew "Honey is there something you wanna say?" tanong ko kay Alice dahil kanina pa siya lakad dito lakad doon at nahihilo na ako kakatingin sa kanya. She stopped and looked at me. "Andrew, I don't know how to start this... pero mababaliw na ako kakaisip!" sumampa siya sa kama at hinawakan ang mga kamay ko. "Honey may ipagtatapat ako sayo." Napalunok ako. "You're pregnant!" I exploded. "You're pregnant, aren't you?" Umiling siya. "No, I am not preggy Andrew, it's something more than that." My excitement vanished and the scared feelings just got into me. "What is it, Alice?" Naluluha siya. "Andrew! I am sorry... but I am the first Wolf! I build the Gang who killed your parents!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD