CHAPTER FIVE

1965 Words
CHAPTER FIVE *** NAKABALIK sa Pilipinas si Kendry kasama si Jefferson to investigate Samantha Benidez. If she was the girl that they've been hunting and thought killed on their last operation. At habang nandito si Jefferson sa Pinas ay pansamantalang si Green ang namumuno sa Hunters Group sa Spain. Busy naman si Joshua sa mga iba't-ibang katauhan nito para makapasok sa kuta o grupo ng ibang private agencies. Specially The Seekers, ang agency na mahigpit na katunggali ng WEDA para magmanman. Matuling lumipas ang mga araw at buwan. Sa Wild Angels Island pansamantala naglalagi si Jefferson at doon din nila pinag-paplanuhan kung paano muling makita at mahanap si Samantha Benidez. Minsan naman ay pumupunta sila sa resort ni Winston kung saan na niya ginawang official na headquarters ng WEDA. Napag usapan narin ang bombang nakatanim sa Isla at kung paano ito matatanggal sa ilalim. Si Elsa ay nagpatuloy sa pag aalaga kay Inang Simang, pero hindi na nito kinaya dahil narin sa katandaan kaya hindi nagtagal ay payapang namaalam na ito. Kaya naman bumalik na sa Manila si Elsa, sa piling muli ni Kendry at nagpasyang tutulong sa panibagong mission ng Black Dragons kasama ang WEDA—to find Samantha Benidez. Sina Andrew at Alice ay nagsisimulang mamuhay ng normal just like they wanted to be. They do dating and celebrate their first-ever monthsary to be called and noted. They are living together, dahil wala pa sa plano nila o ni Alice ang marriage dahil hindi pa siya ayos sa biological mother niya, but she continued helping her little sister Cheche. Binigyan din niya ng sariling pwesto sa palengke ang Inay niya, sympre hindi alam ng Inay niya na siya ang nagbigay. Kinausap din niya si Ponce at umamin na siyang siya si Alice na tinangkang gahasain nito noon. Pinagbantaan niya itong papatayin sa oras na saktan muli nito ang kanyang Inay lalo na si Cheche, at nangako naman itong magbabagong buhay na. Habang si Belle ay nagsisimula ng sumikat dahil sa kanyang Jewelry Shop. Sarili ba naman niyang ginawang modelo? At unti-unti ng bumubuti ang kanyang Mommy Bisty sa Mental Hospital. Todo rin ang suporta niya sa studies ni Celen. Si Enrique naman ay personal ng nagtuturo sa mga bagong Black Dragons members. Once a month siyang pumupunta sa Isla para kumustahin at magturo ng mga basics sa bagong recruit. Nakipag-ugnayan na ang Organizations kina Winston at Delly na may tinayong Foundation o Charity para sa magiging future ng mga kabataang gustong mag aral sa kursong gusto nila. At ang naisipang business ni Alice ay ang magtayo ng paaralan kung saan niya magagamit ang kanyang pagka Black Angel. Magtatayo siya ng University for the brats, jerks, may records sa NBI na mga estudyante, at mga kabataang hindi na kayang kontrolin ng kanilang mga magulang. Mga kabataang ilang ulit ng na kick out ng iba't ibang University at higit sa lahat mga estudyanteng akala siguro maisasalba ng pera nila ang grades nila. At suportado naman siya ni Andrew na nagpresentang maging isang guro kung saka-sakali. At sympre, approve kami sa balak nila. "Anong ipapangalan mo sa University?" Andrew once asked Alice. "Hmm..." she grinned. "FSSUO," she answered. Andrew frowned. "FSSUO?" "Yeah. For Stupid Students University Only!" "Crazy!" Alice giggled when Andrew reached her waistline and tickled her. “How about... Black Wings Academy?” “Nice idea!” Kendry "Damn!" napamura si Jefferson ng ipakita ko sa kanya ang picture ni Jael o si Samantha Binedez. "How could this happened!" aniya. Napatitig ako sa picture. Her eyes... napailing ako. Impossible ang iniisip ko at hindi iyon pwedeng mangyari. "Jefferson, how about Green. Is she new in Hunters?" I asked him. He shook his head slowly. "Green is my superior. Why did you ask?" Mali nga ang iniisip ko. "Nothin'." He sighed. "Did she slap you?" he chuckled. "Forgive her, she's just a tiger you know... a conservative tiger." "Hell no, she didn't slap me. She ki—". I stopped and looked at Jefferson. Sinarili ko na muna ang mga naiisip ko. Kung ganun isang sampal ang bati ni Green sa mga bagong kakilala nito. Pero bakit ang Green na nakilala ko ay nanghahalik? Did she turn into a sweet seductive woman from a conservative tiger and weird? Or I am just so handsome to her eyes? "She did what?" Jefferson grinned. "So, where we were going to start?" pag-iiba ko ng topic. Muli niyang tiningnan ang folder at ang larawan ni Samantha Binedez na kamukhang-kamukha ng babaeng nahuli niya sa Spain at ngayon nasa underground jail ng Hunters Group. "Chase," he answered. AFTER EIGHT MONTHS Winston "Babe!" napatayo ako ng marinig ang sigaw ni Delly sa loob ng silid namin. Kasulukuyang nire-review ko ang report ni Joshua sa akin sa office room ko. "Babeeee!" muling sigaw niya. Humahangos akong pumasok, at nanlaki ang mga mata ko. "Manganganak na ako!" muling sigaw niya. "Teka... teka..." nagpalakad-lakad ako sa loob, hindi ko alam ang gagawin ko. Tumunog ang cellphone ko at si Joshua ang tumatawag. "Goddamn it! Yan pa ba uunahin mo?! Ang sakit sakit na, hindi ko na to kaya!" muling singhal ni Delly sa akin. Joshua: Sir! Kailangan niyo ng umalis ni Delly ngayon na! Papunta na sila diyan sa bahay niyo. Winston: s**t! Ngayon pa? Manganganak na si Misis! Joshua, we need you here. Joshua: Oh damn! Okay, I'll be on my way, tatawagan ko na rin sina Kendry at Enrique. Pinutol ko ang tawag at maingat na kinarga si Delly. "Iyong gamit natin!" sigaw niya. "Araaaaay!" Pinagpapawisan na ako sa kaba at nerbyos. Hindi ko na alam ang gagawin at uunahin ko. "Hold on, okay? Enhale... exhale, babe!" sabi ko sa kanya at ipinasok na siya sa back seat. Ibinigay ko sa kanya ang isang baril. "What is this? For crying God sak, Babe! Kahit ba sa araw ng panganganak ko, baril na naman ang hawak ko? Araaay!" napahawak siya sa tiyan at sunod-sunod na huminga ng malalim. "K-kunin ko lang ang g-gamit, s-sandali!" tumakbo ako sa loob ng silid namin at kinuha ang isang bag, pagkatapos mabilis na akong pumasok sa loob ng sasakyan. "Ahhhhhhh!" si Delly. "Malapit na tayo, Babe! Konting-konti nalang," napatingin ako sa side mirror, some cars are following us now. Mas binilisan ko pa ang pagda-drive, isinuksok ko ang earphone sa tainga ko. "Konting-konti nalang talaga at uupakan na kita!" muling sigaw ni Delly. "Andrew, I am sorry but I need your help now! They are following us at manganganak na si Delly!" I feel sorry for Andrew and Alice but I need their help badly. Andrew: No problem. Alice: Nakausap ko na si Mommy, sa clinic kayo ni Dra. Veronica tumuloy. Just make sure na hindi kayo masusundan ng mga taong iyan, ayaw ko ring madamay si Mommy. Kami ng bahala ni Andrew sa iba. Winston: Salamat! "Ahhhhh! hindi ko na kayang pigilan to!" muling sigaw niya. Nanginig ang mga kamay ko na humahawak sa manibela, watching Delly in pain ay parang may pumipiga din sa puso ko. "Malayo pa ba tayo?!" she shouted in anger and pain. Napaapak ako sa preno ng may isang Black Mercedez na humarang sa daan namin—ang The Seekers! Bumaba ang salamin ng sasakyan at inilabas ang baril kung sino mang nasa loob nun and pointed us. Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Damn bakit ngayon pa sila umatake! Narinig ko ang pagkasa ni Delly ng baril. "I don't want our angel grow up na baril ang nilalaro niya!" she yelled. Muli siyang napahawak sa tiyan. "I will kill them all! Ahhhhh!" napangiwi ito at muling napahawak sa tiyan. Mula sa kung saan sumulpot ang mga motor at pinagbabaril ang nakaharang sa amin, dahilan para mapilitang umalis ang sasakyan sa daan. "Winston, move your ass out of here!" si Kendry, kasama nito sina Jefferson at Enrique. Muli kong pinaandar ang sasakyan, sa unahan nakasalubong namin sina Andrew at Alice. Huminto ako ng matapat sa sasakyan nila at may ibinigay si Alice na isang papel. "Hooo!" si Delly. "Puta! Bakit ngayon pa! Bilisan mo na ng mailabas ko na to!" muling singhal ni Delly sa akin. "O-okay!" napatingin ako sa side mirror at ng masigurong wala ng sumusunod sa amin ay binuklat ko ang papel at nakalagay doon kung nasaan ang secret clinic ni Dra. Veronica. Doon niya ginagamot ang mga sugatang tauhan ng WEDA at Black Dragons. Nilipat na kasi iyon para narin sa kaligtasan ng Mommy ni Alice. And I am glad that she volunteered to help us still kahit wala na si Black Angel sa WEDA. "We're here Babe!" Mabilis na pinark ko ang sasakyan at binuhat si Delly. Kaagad na inalalayan ako ni Dra. Veronica at inihiga si Delly. Napahigpit ang kapit ni Delly sa nanginginig kong kamay, hindi ko siya kayang tingnan dahil narin sa nerbyos, this is the battle that I don't want to be involved with but this battle if this is called a battle is freaking mine and I have to deal with it. And I know this is more than a bullet, dahil para na akong aatakin sa puso hearing how painful it is based sa mga screams ng asawa ko. Mas malakas pa sa naging honeymoon namin! "Gosh! bakit nag panty ka pa!" si Dra. Napatingin ako kay Delly, napasigaw siya dahil pumutok na siguro ang kung anu mang puputok. "Hubarin niyo nalang Dra...! Oh, please! Hindi ako sanay na walang suot na panty! Ahhhh, hell!" sigaw ni Delly, napangiwi ako ng bumaon ang kuku niya sa mga palad ko. "I-I think sa labas na lang muna ako," sabi ko. Pero nagawa parin akong mahampas ni Delly. "Ano duwag ka na ngayon, ha? Tayo ang gumawa nito tapos hahayaan mo akong mag isa ngayon?! Ahhh!" sunod-sunod siyang huminga ng malalim. "Sa China, kinu-koryente ang mga lalaki sa tuwing mag li-labor ang mga misis nila! Pasalamat kang hayup kaaaa ahhhh!" Alice: Jesus Christ! We can hear her screaming! Signing off! Natanggal ko ang earpieace sa isang tainga ko. Nawala sa isip ko na maririnig pala nila ang mga hiyaw at mga daing ni Delly. Napapikit ako, my body has shaken' and I am sweating! ‘Di ko ma explain ang kaba na nararamdaman ko. This is the first time that I felt scared as if, this is the end of the world. Scared and excitement overflowed in me, and I want to ease Delly's pain but how could I do that? I can't even look at her while she's screaming for another life. Now I understand Mothers, hell it's not easy to give birth. You're giving a new life while risking yours. I would love to thank my Mom, ngayon ko lang ma-appreciate ang mga ginawa niya for me and I can't blame her for overprotecting me when I was just a kid even when I get older. Now I understand mothers and women. We should appreciate their efforts, because on the first place, they are the one who sacrifices a lot. We should love our mothers and forever will be thankful. Kahit may ginawa man silang pagkakamali, 'cuz there is no perfect in this world, only the word perfect is perfect. Huminga ka ng malalim Delly and push! Sige pa... push!" si Dra. "Ahhhhhh!" "Konti nalang, almost there... I can see her... push and push harder!" Mas humigpit ang kapit ni Delly sa kamay ko at pakiramdam ko ako na ang nag li-labor! Hindi ko alam ang nangyari sa akin basta ng marinig ko ang muling paghiyaw ni Delly at muling pagbaon ng kuku niya sa kamay ko at ang isang munting iyak ng anghel... ay tuluyan ng dumilim ang paningin ko. Oh crap! Imagine? Winston Singson ng WEDA? And top hired agent ng detective ng Pinas, and one of the tough guys and in a billionaire list—hinimatay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD