Raim's POV ANG totoo ay wala akong balak puntahan sa condominium unit niya si Janelle. Bukod kasi sa pagod ako sa biyahe ng araw na ito ay may isang tao akong gustong makasama. Parang gusto kong pagsisihan sa agad na pagbalik dito sa Manila. Naisip kong bigla na sana ay kasama ko pa rin hanggang ngayon ang babaing nagpapasaya sa akin. "Nami-miss ko talaga si Caress," sabi ko sa sarili habang nakahiga sa aking kama. "Gusto ko siyang masama ngayon?" Napilitan akong bumangon. Parang biglang bumigat ang aking ulo kaya nasapo ko ito. "Caress," bulong ko. "Mali itong nararamdaman ko. Hindi dapat..." Nang tumayo ako ay tiyak ang aking kilos. Nag-shower ako. Inihanda ko ang sarili sa pag-alis. Mas tama na puntahan ko ang babaing mahal ko at dapat mahalin. "Dapat kong mahalin?" tanong ko sa s

