11 : She’s trouble, tears and love

3278 Words
“Next time, ipaalala mo sa aking ganito ang inabot ko sa pagtatangkang magpaka-gentleman,” pagtatapos ko sa pagkukuwento habang hinahawakan ang naka-band aid kong sugat sa gilid ng labi. Mahina akong tinapik sa braso nang tumatawang si Senin. “Oh my God, Rej! Mukha ka kasing maniyak!” Mas lumakas ang tawa niya sa pagngiwi ko. “Maybe that girl’s too drunk to remember a thing. At ikaw ang masuwerteng napagbuntunan niya ng sisi!” Umiling na lang ako matapos kong maubos ang laman na whiskey ng sariling baso. This club was owned by a relative of my father’s. Hindi ko nahiligan ang mag-clubbing pero dahil sa dalas ng pag-aaya ng ilang kakilala ay dumalas ako rito. Leomar happened to be one of the people I met here. Aside for him being a regular customer here, he was friendly with everyone. “Oh! There they are!” Napalingon ako sa itinuro niyang isang lalaking pumasok sa club. “Hey!” Ngunit bumalik ang tingin ko sa kaniya nang may sinalubong at niyakap na siya gayung naglalakad pa lang ang lalaking itinuro niya. “Anna, you came! Akala ko hindi ka makakasama.” Patukoy naman niya sa isang babaeng kasama ng lalaking niyakap niya. Nakatalikod ang dalawa sa akin kaya hindi ko makita ang mukha ng mga ito. Nanatili akong nakaupo doon habang pinanonood lang silang magbatian hanggang sa lingunin ako ni Senin. “Ian, this is Regime. Rej, this is Ian. My boyfriend!” Malaki ang ngiti niya samantalang nalalaglag naman ang panga ko. “And this is—” “Kuya, ikaw ba yan? Kumusta na? Ang tagal kitang hindi nakita!” Natigilan si Senin sa sinabi nang naliligayahang si Ian. Pinabisita ako ni Dad sa bahay nina Mama noong twelve ako para ipakilala kina Ian at Fritzie. Iyon ang una’t huli kong meeting sa kanilang dalawa. At hindi ko alam dito kay Ian kung bakit gustong-gusto niya akong tinatawag na kuya kahit pa sinabi ko sa kaniyang ayoko n’on. At kahit na hindi naman kami talaga naging close. “Wait, what?” “Ah, Senin, sorry. He’s my half-brother,” ani Ian habang nakangiti sa akin. Hindi ako umimik nang mamuo ang tensyon sa panga ko. He could proudly address me as his brother in front of everyone because he had it easier. Syempre siya itong may buong pamilya. “Talaga? Why didn’t I know that?” Tila namamangha, nagsalit sa amin ni Ian ang tingin ni Senin na para bang hinahanapan kami ng resemblance. “Kung gusto mo kuya pwede kang sumama sa ‘min minsan sa bahay, madalas kasi kaming tatlo ro’n. Para magkita na rin kayo ulit ni Fritzie,” bakas pa rin ang amusement sa mukha ni Ian ng sabihin ‘yon. Para bang ang saya-saya niya at the same time excited na nakita niya ulit ako. I’m not sure if I feel the same. “Your brother? What?” Isang baling at halos mailuwa ko ang nainom sa nakita. It was that girl! Sandali, kasama niya sina Senin dito? “Anna, bakit?” Lumingon din dito ang huli. Matapos sulyapan ang dalawang kasama ay bumagsak sa akin ang gulat at halos hindi makapaniwala nitong ekspresyon. She shook her head. “Nothing. N-Nabigla lang ako. I didn’t know Ian had a step-brother.” Hilaw ang pumintang ngiti sa labi nito habang inoobserbahan ako. Malinaw din sa ekspresyon ang pagdududa. “I feel you. And knowing na kilala ko ‘tong si Regime yet hindi ko alam na magkapatid sila.” Nginitian ni Senin ang nakangiti pa ring si Ian. “Anyway, Rej, this is Anna. Anna, this is Regime.” Ngumiti ako rito pero nanatili lang itong nakatingin sa akin, ang gulat sa ekspresyon ay hindi pa rin humuhupa. Sandaling nagsalit sa amin ang tingin ni Senin. “Is there a problem?” “Wala naman,” may hapyaw na ngiti ako nang sumagot. Sabay tuon ng tingin sa babaeng Anna raw ang pangalan. “Mayro’n ba?” The girl immediately shook her head. Nang pinaupo siya ni Senin sa katabing stool ng inuupuan ko ay aninag ko ang pagkakatigil niya. Umalis ang dalawa para sumayaw kaya naiwan kami ro’n. “Can I buy you a drink?” Lumayo siya sa akin nang kaunti matapos kong bahagyang humilig sa kaniya, para marinig niya ako sa kabila nang maingay na tugtog. “No thanks, I don’t usually drink.” Sinulyapan niya ako. Hindi siya palainom pero bakit siya naglasing nang sobra noong nakaraang araw? “Okay, if you say so.” Kinuha ko ang bago ng cranberry juice na inabot sa akin ni j**s at pinagmasdan ang mga taong sumasayaw habang umiinom n’on. Naaninag ko ang paglingon niya sa akin kaya binalingan ko rin siya. Kunot na naman ang noo niya at masama kung makatingin. Ang malalalim na mata ay tinatamaan ng mga nagliliwaliw na neon lights sa loob ng club. Her long black hair was braided as it rest from her shoulder down her chest. But unlike the first time I saw her, it was neatly done. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang mga compliment ko sa kaniya, sa kabila ng ginawa niyang pang-aakusa at pangmamaltrato sa akin. Masyado na yata akong nagiging mabait kaya naaabuso ako. “Yes?” Tinaasan ko siya ng parehong kilay nang manatili siyang nakatingin sa akin. “Okay. Now I know you’re not lying. A relative of yours owns this club and you helped me that night.” Oh, there it goes. Ngumiti ako at marahang tumango habang tuon ang atensyon sa kaniya. She had a heart shaped lips. “Thank you… and I’m sorry.” Dumapong sandali ang tingin niya sa band-aid na nasa gilid ng labi ko bago bumuntonghininga at magbitiw ng tingin. Sabay sulyap. “But that’s it. Don’t expect more.” “I’m not,” natatawa kong sabi. What does she mean by that? Hindi naman ako nagbibilang at nanghihingi ng katumbas sa ginawa ko. Tuon na ang atensyon niya sa dance floor ngunit nanatili pa rin ang tingin ko sa kaniya. Hanggang sa umpisahan kong kantahin ang kantang kinakanta niya sa KTV room. Pinilit ko pa talagang gayahin ang ginawa niyang pambababoy do’n sa kanta para mas nakakainis. Pero nagulat at agad akong natigilan sa pagkanta ng bigla siyang tumayo. “Pakisabi na lang kina Senin nauna na ako,” hindi siya sa akin nakatingin ng sabihin ‘yon. May kung ano akong nakitang kuminang sa mga mata niya bago ako tinalikuran. At sigurado akong hindi ‘yon dahil sa mga ilaw. Look at that. Nainis yata sa ‘kin. O parang may nasagi akong sugat sa kaniya dahil sa reaksyon niya. She just sang that song while getting wasted that night. Damn. Pinaiyak ko na ba siya n’on? Patayo na sana ako para sundan siya para lang matigilan nang may humarang sa kaniyang isang lalaki. At talagang masuwerte siya dahil si Leomar ‘yon. “Hey there, sexy baby.” Nakita ko ang paghawi niya sa mga kamay nitong humawak sa magkabilang braso niya. “Do I know you?” Hindi na niya hinintay ang sagot nito nang umakma ng paglakad paalis. Pero agad din siyang hinila sa braso ni Leomar pabalik. “Yes you do. And don’t you ever turn your back at me while I’m still talking to you,” nakangisi nitong sabi. She tried pulling her arm back but Leomar’s grip was too tight. “I’m not interested in whatever business you have with me. I don’t even know you, so let go or else I’ll get you in trouble.” May narinig akong sumipol at ilang kantyawan sa malapit dala ng sinabi ni Anna. Probably his friends. “Aba, Lumalaban, Leomar!” natatawang sabi ng isang lalaki sa kabilang table. Igting ang panga, hindi nito pinansin ang kaibigan. “Don’t play hard to get on me. Nandoon ka sa KTV room noong isang araw at nagpakalasing nang walang kasama ‘di ba? Then could you tell me what you’re up to that night? You’re looking for a one night stand, aren’t you? No worries then, you got a skilled expert here.” Ang aktong paghigit nito palapit sa braso niya ay naudlot nang lumipad ang kabila niyang palad sa pisngi nito. Halos mangibabaw ang ilang hiyawan at kantyawan sa paligid matapos. Pula ang panga dahil sa natamong sampal, binalingan nito si Anna sa namimilog na mata. “You f*****g b***h!” “Bro, bro,” Sapo sa isang balikat, naro’n na kaagad ako sa pagitan ng dalawa para lang mailayo si Leomar kay Anna bago pa siya masaktan—I mean, makasakit. Kung alam lang niya ang dinanas ko sa babaeng ito. “Hands off. This girl’s with me.” Ilang beses ko itong tinapik sa balikat para lang pakalmahin. Isang sarkastikong tawa at saka nito binitiwan si Anna. “Fine. You can have the b***h!” Padarag itong bumalik sa mga kaibigan matapos. Hinawi ako ni Anna at mukhang hahabulin pa niya si Leomar kaya sinundan ko na siya at hinila palabas ng club. Buti na lang at nagpatianod siya sa akin. “Kakain ako ng isang sakong okra masapak ko lang ang maduming bunganga ng lalaking ‘yon! Nakakagigil!” Pagkabawi sa pulso niyang hawak ko ay dali-dali niyang pinagsisipa ang pader. Matapos sandaling matigilan ay agad napalitan ng mga daing ang sigaw niya. “Ah, s**t! s**t! Ang sakit!” Nagulat ako ng bigla siyang namilipit at naupo habang hawak ang paa niyang pinangsipa ro’n. “Alin bang masakit?” Sinubukan ko siyang akayin patayo. “Tignan ko nga.” Pero itinulak niya lang ako palayo nang mapansing natatawa ako. “Siya ‘yung gago sa KTV room na muntik ng…” Hindi niya naituloy iyon matapos mapagdugtong ang mga detalye. “You owe me twice.” Kahit wala naman talaga para sa ‘kin ‘yon. I just wanted to have an excuse. To keep her around? Maybe. Bumaling siya sa akin at nagtuon ng tingin hanggang sa unti-unting mawala ang pangungunot ng noo niya. “Wag kang mag-alala, hindi naman ako naniningil. I just want you…” “What? You want me to what?” Masama agad ang tingin niya. I drop a knee on the ground at her side, a smile grew across my face. “I want you… to be my friend. Pero ayos lang din naman kung gusto mong pumila ng ligaw sa ‘kin para maging girlfriend ko.” Natawa ako ng umirap siya. Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang mga banat ko. Sa mga nainom ko yata ‘to. Pagkalingon muli ay may mantsa na nang kaunting ngiti ang mga labi niya. Senin was one of my blockmates. Nang mga nakakaraan ay lagi niyang kasama si Ian. Kaya kadalasan ay sumasama lang ako sa kanila ‘pag kasama nila si Anna. Para naman hindi ako magmukhang dakilang sagabal sa kanilang dalawa. At dahil sa dalas kong kasama si Anna, mabilis kaming naging kumportable sa isa’t isa. Summer kaya kadalasan buong araw kaming magkakasama. Hindi ko naman plinanong maging close kay Ian pero may isang bagay na pakiramdam ko konektado ako sa kaniya. ‘Yon yata ang sinasabi nilang lukso ng dugo. Mas nakilala ko si Ian dahil sa dalas naming magkasama. Prejudices aside, he wasn’t that bad after all. Kahit kailan hindi ko naramdaman o naranasan na magkaroon ng kapatid kahit pa alam kong may mga kapatid ako sa side ni Mama. But I do now. At talagang masasabi kong iba ang pakiramdam ‘pag kapatid mo. Iba ang connection. Hindi ko inasahan ang unti-unting paghupa ng hinanakit ko sa kanila ni Mama. Kadalasan doon kami sa bahay nina Ian tumatambay apat kaya maging si Fritzie ay nakagaanan ko na rin ng loob. Palaging hindi ko naaabutan si Mama ro’n. At kung maabutan ko man ay halos hindi naman niya ako pansinin, kumpara kay Tito Franco na todo kung i-entertain ako. Ang totoo pakiramdam ko nagkaroon ako nang bagong pamilya sa kanila. At kasabay ng mga yon, unti-unti ko ring nakilala si Anna. Close na talaga sila ni Senin sa pamilya ni Ian noon pa man dahil magkababata sila. I just couldn’t help thinking who the guy she was crying about. They never mentioned or talked about anyone she dated. At bakit pa ba ako nakikialam do’n? Hanggang sa maabutan ko siyang umiiyak sa tapat ng isang patay na puno noon sa school. Summer pa rin ng mga panahong ‘yon kaya hindi ko inaasahang makikita ko siya. “Anna… anong nangyari?” Nakatayo ako sa harap niya at halos hindi ko siya mahawakan dahil pakiramdam ko mababasag siya. “Anna…” Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin at halos mawarak ang puso ko ng makita ko ang luhaan niyang mukha. Hindi pa man ako nakakagalaw sa kinatatayuan nang bigla siyang tumayo at yumakap sa akin. Doon siya humikbi sa dibdib ko ng halos ilang minuto. “Regime…” Niyakap ko siya pabalik at paulit-ulit na hinagod ang ulo niya pababa para matahan na siya, pero wala ‘yong nagawa. Wala akong nagawa para patigilin ang mga luhang naglalandas sa mga pisngi niya. “Ano bang kulang sa ‘kin? May mali ba sa ‘kin?” Sinisinok na siya dahil sa sobrang pag-iyak. “Bakit lagi na lang akong option? Bakit…” Bahagyang kumunot ang noo ko sa narinig. “Who told you that? Hindi ka option, Anna, tandaan mo ‘yan.” Basang-basa na ang shirt ko dahil sa luha niya. Pero hinayaan ko lang siya. Sa puntong ‘yon ko napagtantong umiiyak na naman siya ng dahil sa lalaking ‘yon. How could she tell it was love when it only did nothing but to destroy her like this? Being alone was better than having someone who made you feel like an option. We were together for the rest of the day. Gusto niya kung nasaan siya, nandoon din ako. Ni ayaw niyang lumalayo ako ng ilang pulgada sa kaniya. I would be a hypocrite if I say I didn’t like what she’s doing. Ang totoo nito gusto ko siya kaya ayos lang sa akin lahat ng hingin niya. She slept in our house that day. And I was surprised when she followed me in my bedroom and sleep in my room, beside me. Totoong gusto ko siya pero hindi naman ako mapanamantala. I insist to sleep on the couch but she refused. At sa pangalawang pagkakataon, hindi ako magiging mapagpanggap. I was tempted. Pero alam kong pinagkakatiwalaan ako ni Anna kaya siya ganito. At alam ko ring hindi niya naiintindihan ang maaaring idulot sa akin ng mga ginagawa niya. I know well enough that she only saw me as a friend. Pero paano kung sabihin ko sa kaniya ngayon na hindi lang kaibigan ang tingin ko sa kaniya? Pasado alas tres y media nang magising akong nakayakap siya sa isa kong braso. Bahagya akong napangiti habang pinagmamasdan ang payapa niyang mukha at paghinga sa tabi ko. Ngunit ang ngiti ko ay agad ding humupa nang makita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Halos ilang sandali lang ang lumipas nang pumula ang ilong niya kasabay ng pagtulo ng luha mula sa pikit na mga mata. “Akala ko kaya kong manahimik na lang at hayaan kang maging masaya… akala ko kaya kong kalimutan ka… akala ko…” She started sobbing, dug her face on my arm while hugging it. Kung kaya ko lang burahin ang sakit sa puso niya at palitan ng saya… kung kaya ko lang palitan ang lalaking ‘yon sa puso niya. Gagawin ko ang lahat ‘wag ko lang siyang makitang ganito. “Anna…” Tinapik ko siya sa braso para gisingin dahil mukhang binabangungot siya. Patuloy lang siya sa pikit-matang paghikbi. Nang hinawakan ko ang kamay niya at inalis sa braso ko ay noon lang siya nagising. Pula ang mga mata, matagal niyang pinagmasdan ang mukha ko bago niya napagtantong nananaginip lang siya. With new tears brimming, she sit up and cried more. Ang totoo naaawa ako sa kaniya. Pero mas nasasaktan akong makita siyang ganito. I got up to sit and started stroking her back. “Regime…” Her eyes were swollen when she turned to me. Without another word, I scooted closer and pulled her in my arms in a warm, tight hug. “Anna, nandito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo… pangako.” She kept crying my name as if asking for help. Niyakap ko siya nang mas mahigpit, hinihiling na sana kaya kong pahupain ang sakit na nararamdaman niya. “Anna, mahal kita. Tahan na.” Panandalian siyang natahimik. Nang tiningala niya ako ay bakas sa namamaga niyang mga mata ang gulat. I loosened my arms around her and let her go when she break away from me, her eyes never leaving mine. “I’m not sure if this is the right time to say this. Pero, Anna, wala akong plinano. Kusa kong naramdaman ‘yon.” Tinitigan ko ang mga mata niya mula sa liwanag na nanggagaling sa buwan na siyang tumatagos mula sa malaking bintana sa likod ko. “If you let me, I’ll do everything to mend every broken piece of your heart. I won’t ask for anything in return… hayaan mo lang ako.” Shaking her head, she said this is a choking voice, “Regime, no. You don’t have to do this. I’m a wreck. I’m a liability. Baka masaktan ka lang din. Baka magsawa at mapagod ka lang sa ‘kin. Baka—” Sinapo ko ng magkabilang palad ang pisngi niya at mataman siyang tinitigan diretso sa mga mata. “You are worth taking a risk,” mabagal at klaro ko itong sinabi para malaman niyang seryoso ako sa gusto kong gawin. Nanatiling tuon ang tingin niya sa mga mata ko habang lumiliit ang distansiya ng mga mukha namin. Ang gulat ay bakas pa rin sa ekspresyon niya mula sa mga binibitiwan kong salita. “Pipigilan mo ba ako... kung sakaling halikan kita?” Bahagyang namilog ang mga mata niya lalo na nang bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya pero wala akong naririnig na kahit anong pag-apila. I was stopping every moment I came close. Pero hindi talaga niya ako pinipigilan kaya nahalikan ko na siya. Her lips were warm and soft as I plant small and tender kisses on it. I kept trying to hold myself back. Kahit pa ramdam kong kahit anong gawin ko sa kaniya ngayon ay hahayaan lang niya ako. Dahil wasak siya at gusto niyang makaramdam ng pagmamahal para lang panandaliang pawiin ang sakit na nararamdaman niya. Pero dahil mahal ko siya at malaki ang respeto ko sa kaniya, hindi ko siya pagsasamantalahan sa gano’ng paraan. Not now that she’s broken. Wasak na siya at ayoko nang basagin pa siya ulit kung sisirain ko ang tiwala niya sa akin. Makapangyarihan ang pag-ibig. Kaya nitong pasunurin ang taong may matigas na ulo, paiyakin at pasukuin ang taong matapang, tunawin ang matigas na puso, pagmukhaing tanga ang taong matalino, paluhurin ang taong ‘sing kapal ng bawat layer ng mundo ang pride, at higit sa lahat, kayang-kaya nitong gawing baliw ang taong matino at kagalang-galang. Nakakatakot kung tutuusin. Kung sana kaya nating sukatin kung gaano lang ang pagmamahal na ibibigay natin sa ibang tao ay ayos lang. Pero madalas, hindi natin ‘yon kayang kontrolin. Minsan lumalabis, minsan naman nagkukulang. Maraming depinisyon ang pag-ibig. Pero ‘pag nagmamahal tayo hindi natin alam kung bakit, ano at paano. Dahil isa lang ang malinaw sa atin: Nagmamahal tayo ng tao at hindi ng katangian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD