12 : Broken fix

2360 Words
When we see a broken thing, why do we always have the urge to fix it? “Senin!” Napalingon ito sa amin pati na ang kasamang si Ian dahil sa tawag ko. Halos tatlong linggo na rin pala ang nakalipas mula ng lumabas kaming apat nang magkakasama. “Hey guys, nakapag-enroll na kayo?” nakangising tanong ni Senin pagkalapit sa inuupuan naming bench ni Anna. “Yup. Kayo?” Pagkatapik ko sa braso ni Ian ay agad nabaling sa akin ang tuon niya mula kay Anna. Tinanguan ako nito, bahagyang nakangisi. “I smell something fishy here.” Napalingon ako sa out of the blue’ng kumento ni Senin at naabutan siyang malisyosang nakangisi, ang tingin ay nagsasalit sa amin ni Anna. “What’s fishy?” may hapyaw na ngiti kong tanong. “Bakit palagi kayong magkasamang dalawa? And by the way, I heard na do’n ka natulog sa bahay nina Regime no’ng isang gabi, Anna?” tuya ni Senin. “Talaga?” ani Ian habang matamang nakatingin kay Anna. “Uh… w-wala namang…” Uneasy, hindi makakapa ng sasabihin ang huli. I didn’t know what got into me when I sat down beside her. My arm resting on the backrest of the bench as I looked at her and said, “We’re together now.” Bahagyang namilog ang mga mata niya nang balingan ako sa tabi at magpalitan kami ng tingin. I was waiting for her refusal or any violent reaction but she didn’t say anything and just kept her silence. I guess that’s a yes. “What? Totoo ba?! Together as in, you two are dating? Kailan pa? Why didn’t you say anything? Ang daya ng mga ‘to!” Halos tumalon sa halong tuwa at gulat si Senin doon. Sapo niya ng magkabilang palad ang labi nang sinulyapan ang gulat na si Ian, sunod kami ni Anna. “Oh my, gosh! I’m so happy for the both of you!” Niyakap pa niya kami. Chuckling under my breath, I said, “Thanks, Senin. Ninang ka sa binyag.” I heard Anna chuckling silently too with a light shake of her head as Senin laughed heartily with my remark. Pagkabaling ko kay Ian ay naabutan ko itong bahagyang tulala. “Ninong din si Ian!” Hanggang sa makuha ni Senin ang atensyon nito. Agad naman itong ngumiti at tumango sa huli matapos. “This calls for a celebration then!” Ilang linggong na lang ang natitira bago magsimula ang panibagong school year at palaging kami ang magkasama. Kahit madalas ko siyang nakikitang nakatulala ay hindi naman na siya umiyak ulit, katulad ng pag-iyak niya sa tapat ng patay na puno. Na ngayon ay binigyang buhay ng gumapang ditong bougainvillea. I always tried to find something to surprise or just to make her smile. Minsan binibigyan ko siya ng bulaklak kahit walang okasyon. O kaya naman inilalabas ko siya para kumain o maglakad lang. I even surprised her with a picnic at the seaside. We just talked most of the time. Sharing each other’s childhood stories and dreams—from the painful down to the funny ones. That was when I started to understand, for we were almost alike. Like me, she grew up alone as an only child without a mother. She hates okra, I hate broccoli. We both love the same bands and almost the same taste in music. Our simple meetings and conversations gave me something to look forward to everyday. “Ikaw ang gumawa nito?” Halos matakpan ko ang hiyang-hiya kong mukha nang pagmasdan ni Anna ang mga cookies na b-in-ake ko. Medyo napatagal kasi sa oven ang mga iyon kaya nasunog. “‘Yan lang ang kinaya.” Biting my lip, my hand flew at the back of my head and avoided her gaze. Ngayon lang yata ako nahiya nang ganito sa tanang buhay ko. Bakit kasi ibinigay ko pa ‘yon? “Actually…” Hinawakan ko ang box at buo na ang desisyong bawiin iyon sa kaniya, nang humigpit ang hawak niya ro’n sabay angat ng tingin sa akin. “Talaga? This is so cute!” I was taken aback with the huge smile across her face. Look at that. She likes it. Kahit ang baduy ko para gawing note shape ang mga ‘yon. Mahilig kasi siya sa music. Ewan ko lang kung mahilig din siya sa sunog na cookies kaya natutuwa siya nang ganiyan. “Paano mo ‘to—ano’ng nangyari d’yan?” I wasn’t aware with the ghost of smile etched on my face when she suddenly held my hand. “Oh. Just some scratches, it’s nothing.” Babawiin ko na sana ‘yon pero hinila niya ulit at maiging pinasadahan ng tingin. “Bakit ang dami mong paso?” Worry immediately washed over her expression as she stared back up at me. “You didn’t even treat it?” “I had no idea about baking. Nagbasa lang ako sa cookbook para gawin ‘yan.” I scratched the side of my head. “Natataranta ako palaging ilabas ang mga cookies dahil laging nasusunog. Kadalasan nakakalimutan kong gumamit ng potholder.” I let out an uneasy chuckle. Napaamin ako ng wala sa oras. Nakakahiya na talaga. Kapwa naming hawak ang box nang bahagya ko iyong hinigit para bawiin. “You don’t have to eat it. Baka mamaya mapaan—” Agad akong natigilan nang pinatakan niya ako ng halik sa pisngi. While throwing each other looks, she said this in a sweet voice, “I like it so much. Thank you, Regime.” Mula sa kaunting pamimilog ng mga mata ay para akong malulusaw sa init na umakyat mula sa leeg ko patungong tainga. Tuluyan ko nang nasapo ng palad ang mukha nang marinig ko ang mga tawa niya. Dinadaanan ko siya para sunduin sa date namin at doon ako nagdidiretso sa kwarto niya. Palagi ko siyang pinagmamasdang mag-ayos ng buhok habang nakatanga ako ro’n sa kama niya. At sa dalas ng date namin, naitanong ko sa kaniya minsan kung ano ang tawag sa ayos na ginagawa niya. “Regime, bakit?” Nagtataka niyang pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin nang bigla akong tumayo mula sa kama at lapitan siya. Inunahan ko na siyang hawakan ang buhok niya bago pa man niya iyon magawa. “What are you doing? Pinaglalaruan mo bang buhok ko?” Natatawa niya akong pinagmasdan sa salamin ng makitang seryoso ako sa ginagawa. “’Wag kang magulo, nagco-concentrate ako.” Pinagsali-salisi ko ang mga naparte-parte kong buhok niya. Sinusubukan kong gawin ang Fishtail na madalas niyang gawing ayos niya. Pero bakit ganito? Parang ang gulo tignan. Ganito naman ‘yong ginagawa niya lagi ‘pag pinanonood ko siya. Mahirap pala ‘yon? She was laughing when I turned to her reflection in the mirror. Noon ko lang natantong kunot na pala ang noo ko. “Are you braiding my hair or what? Bakit para kang may malaking problemang hindi masolusyonan d’yan?” I made a faint scoff when she laughed at me more. I didn’t know that failing to do braids would felt this rewarding. Kasabay ng pag-uumpisa ng bagong school year, nararamdaman kong nag-uumpisa na rin akong mahalin pabalik ni Anna. I spent more of my time with her. Masaya siya pero mas masaya akong makita siyang masaya at nakangiti. Totoo ngang mas sumasaya ang isang tao ‘pag nakikita niyang masaya ang taong mahal niya. Monthsary namin nang maaga akong magpunta sa bahay nila. Pinayagan naman ako ng daddy niyang magdiretso sa kwarto niya dahil lagi naman akong nandoon. Ilang katok at marahan kong pinihit pabukas ang pinto. Tumambad sa akin ang gulat na gulat si Anna matapos akong makita. Naro’n pa siya sa kama at mukhang kagigising lang dahil magulo pa ang buhok habang nagkukusot ng mata. “Regime? Anong ginagawa mo rito?” Umahon siyang tuluyan at naupo sa gilid niyon. Clearing my throat, I drop a knee on the floor and started strumming on the guitar I was holding. My voice came out a little throaty when I started to sing one of her favorite song, Iris. Eyes widening a fraction in surprise as she watched me, a smile rose to her lips until it slowly turned into a quiet laughter. Aminado naman akong hindi maganda ang boses ko. As in hindi talaga. Ni hindi nga rin ako maalam magguitara. Nagpapaka-trying hard lang ako rito dahil alam kong matutuwa siya. And indeed, she was smiling at me right now. “Happy monthsary, Anna.” Ngumiti ako nang matapos kong kantahin ang buong kanta. Itinayo ko sa isang gilid ang guitara at kinuha ang Blue Magic na paper bag na may lamang stuff toy bago siya nilapitan. Bahagya akong yumukod ngunit pinigilan niya akong halikan siya. “Kakagising ko lang,” natatawa niyang sabi. “I don’t mind.” I drop a kiss on her lips as soon as I said it. “I love you.” Pabiro niya akong hinampas sa braso ko dahil wala siyang nagawa. Staring at each other with smiles on our faces, I held her hand and sat on the side of the bed beside her. Our arms bumped from my sudden weight on the mattress. “Thank you!” aniya pagkasilip sa paper bag bago iyon binitiwan. “Wait.” Kapwa lumipad ang tingin namin sa kaliwa kong kamay na sinasalat niya. “Ano ang mga ‘to?” Nagtataka niyang iniangat at ipinakita sa akin ang dulo ng mga daliri ko ro’ng hawak niya. “Uh… mighty band?” Kumamot ako sa gilid ng ulo. “What?” Nagtataka naman niya akong pinukol ng tingin. “Ang sakit kasi sa daliri ng string no’ng guitara kaya ayan… naglagay ako ng mighty band para wala akong maramdaman. Para wala ring kalyo.” I grinned. With a crease on her forehead, she scrutinize my fingertips closer. Until a laughed escaped in between her lips when it completely sink in on her. “Siraulo ka! Paano mo ‘to aalisin ngayon?” Hindi magkamayaw sa pagtawa, muli niyang itinaas ang palad kong hawak niya. “’Yun ang problema.” I winced before laughing together with her. The approaching midterm exam and school activities made us both quite busy. I grew worried about her because she started to lose focus on her studies after her dad got hospitalized with stroke. I dropped by one time for a visit to brought her food and to give her the reviewers I made for all of her subjects, for the coming midterm exams. Magkaiba ang course namin kaya kinailangan kong manghiram ng notes sa ilan niyang kaklase. Inaral ko rin ang iba sa mga ‘yon para mai-discuss ko sa kaniya nang mas madali niyang maintindihan. Natapos ang midterm nang ganoon pa rin ang daddy niya kaya inalalayan ko siya sa studies niya. Minsan lang kami magkaroon ng oras dalawang magkasama sa campus at kadalasan ay tulala siya. “Tulala ka na naman,” puna ko habang seryosong nakatingin sa sketchbook na ginuguhitan. Naaninag ko ang paglingon niya sa akin. “Masyado ka kasing busy d’yan sa ginagawa mo.” I tried to smile when I saw her frowning. Nagsusungit na naman. Kinatok ko sa tuktok ulo niya ang dulo ng hawak kong steadler matapos. “Ouch! Did you just—” Pinandilatan niya ako sa gulat sabay tulak sa braso ko. Sinalo ko na ang kamay niya bago pa man niya ‘yon mabawi. Sabay hila ko sa kamay niya palapit sa akin kahit pa iniiwasan niya ang tingin ko. Nakangiti kong ipinahinga ang baba sa balikat niya habang tinititigan ang bugnot niyang mukha. “Ang ganda kasi ng babaeng na-sketch ko.” Matalim niya akong binalingan sa balikat niya dahil sa sinabi ko. “Sino ‘yan?” Pinigilan ko ang matawa sa iritable niyang boses. “Sino nga?” Bahagya niyang iniangat ang balikat para lang alisin ko ang baba ko ro’n. Tuluyan na akong natawa. Pinaghahampas niya gamit ang likod ng palad ang tiyan ko kaya lalo akong natawa. “Kainis ka! Tinatawanan mo lang ako? Sino sabi ‘yan?” Pinisil ko ang ilong niyang lukot din katulad ng noo niya pero tinapik lang niya ang kamay ko palayo. “Yan yata ‘yung nagdaang babae kanina.” Umusod siya ro’n sa pinakadulo ng bench para lang malayo sa akin. Pagkahalukipkip ay saka siya nagtuon ng tingin sa kawalan. Humupa ang ngiti ko nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nilapitan ko na kaagad dahil mukha nang paiyak. “Masiyado namang selosa ‘tong girlfriend ko. Sorry na, ang ganda kasi talaga niya. O, tignan mo.” Inilapit ko sa mukha niya ang sketchbook ko pero tinabig lang niya iyon sabay irap sa ‘kin. Smiling, I was poking her cheeks as I scoot closer. “Ano ba?” Sabay hawi sa ‘kin palayo. Pero kahit anong pigil niya sa aking makalapit, lumalapit pa rin ako. Hinuli ko ang magkabila niyang kamay para hindi na niya ako maitulak palayo. “Nagseselos ka ba sa isang papel?” Hinanap ko ang mga mata niya kahit pa pilit niyang iniiwasan ang tingin ko. “Anna, ano ka ba? Mahal kita. Tignan mo nga kung gaano kaganda ang babaeng ‘to.” Inabot ko sa kaniya ang sketch ko. Ayaw pa niyang tignan nang una pero nakikita kong sinusulyapan niya ‘yon. “Walang panama kay Aphrodite.” Nakangisi akong umiling habang kapwa tuon doon ang tingin namin. Agad siyang natigilan. Hanggang sa mapapikit siya nang mariin at mapasapo ng noo, napapailing sa umuusbong na ngiti sa labi. Look at that. She’s blushing. “Ewan ko sa ‘yo, Regime.” Chuckling under my breath with her reaction when she realized it was her, hinuli ko kaagad ang labi niya at mabilis na pinatakan ng halik pagkalingon niya sa akin. Ngumiti ako matapos. Her face flushed even more with now a surprised expression. When we see a broken thing, why do we always have the urge to fix it? Probably because there were broken parts of us that we didn’t know existed until we healed it as we try to fix another’s.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD