Anna and I were fine, happy even, during the whole semester of my junior year. Until the second semester brought a dreadful news with her father’s death. That was when I started to notice some changes on her.
She was left alone all of a sudden and I couldn’t leave her. Ako ang nagsilbing haligi niya para makatayo siya at makayanan niya ang mga nangyayari. Halos isang buwan siyang panay iyak lang at halos isang buwan din akong naging tagatigil ng mga luha niya.
“Ang konti lang ng kinain mo kaninang lunch. Are you craving something else? What do you want to eat?” tanong ko isang beses nang maihatid ko siya sa bahay nila. “Anna?”
Pagkalingon ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa couch nang hindi halos gumagalaw. Nilapitan ko siya kaagad ngunit natigilan. Hindi ko halos malaman ang gagawin nang makita ang pag-uunahan at pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.
Her eyes were dead with emotion as if she was hollowed out. Nanlamig ang sikmura ko sa bumalot sa aking sobrang takot nang makita siyang ganoon. Muli ko siyang nilapitan at walang anu-ano’y binalot ng mga bisig ko para sa isang yakap.
“Anna… nandito lang ako, hinding-hindi kita iiwan…” Hinagot ko ang buhok niya nang unti-unti niya akong yakapin pabalik kasabay ng paghikbi niya.
Kumpara noon, mas lumala ang pagkakatulala niya. Kinakausap ko siya madalas para lang hindi siya matulala. Pero sa tuwing maaabutan ko siya ay palaging lumilipad ang isip niya sa kung saang lugar.
Medyo naging busy man ako sa school works, sinisigurado ko pa ring nagkakaroon ako ng oras sa kaniya. Palagi nga lang akong puyat dahil talagang puyatan ang mga plates na ginagawa ko. Halos magkakadikit lang din kasi ang deadline.
Madalas akong lutang sa klase dahil talagang kulang ako sa tulog. Pero ni minsan, hindi ako nagmintis na sunduin siya at ihatid siya pagkatapos na pagkatapos ng huli kong klase. Minsan doon ko na ginagawa ang mga schoolwork ko sa bahay nila. At kapag kinakapos sa oras ay doon na ako nakakatulog.
Nahihirapan ako, oo. Pero hindi ko pwedeng pabayaan si Anna.
Patapos na ang school year at halos sabay-sabay ang lahat. Plates, quizzes, major exams, research, ang iba nagpapa-report pa kahit patapos na. Noon ako nawalan ng oras para kay Anna. Nakakabaliw ang dami ng mga dapat kong gawin kaya hindi ko kinayang pagsabayin ang lahat.
“Hello?” pikit pa ang mga mata ko nang masagot ang kanina pang tumatawag. Wala akong narinig na sumagot kaya bahagya akong dumilat para tignan ang screen ng phone kung active pa ba ang liniya. “Anna?”
“Kakagising mo lang?” Kinusot ko ang mga mata sa nahimigang panlalamig ng boses niya. “Regime, anong oras na? Tanghali na tulog ka pa rin.”
“Sorry, sorry. Weekend kasi kaya hindi ako nag-alarm. Ito na babangon na. Nasaan ka?”
Imbes na sumagot ay bumuntonghininga siya mula sa kabilang linya. Pupungas-pungas naman akong umahon sa pagkakahiga para magtungo sa CR.
“Anna, wait lang maliligo lang ako. May lakad ba tayo ngayon? Marami pa kasi akong ire-review para sa finals. Kailangan ko na ring tapusin ‘yung house design—sa Monday na due date n’on. Ipa-finalize ko pa pala ‘yung research namin.” Napakamot ako ng ulo. Iniisip ko pa lang ang mga dapat kong gawin, napapagod na ‘ko.
Wala akong narinig na sumagot kundi katahimikan makalipas ang ilang sandali. “Anna?”
“Magkita tayo sa park pagkatapos mong maligo.”
Bahagyang nangunot ang noo ko. “Bakit? Pwede bang—”
Binaba na kaagad niya.
Hindi ba niya naintindihan ang sinabi ko? Sunday na ngayon! Ang dami ko pang dapat gawin at tapusin. Bakit naman kasi sa lahat ng panahong susumpungin siya, ngayon pa?
Kinuha ko ang phone ko at t-in-ext siyang pupunta ako mamaya sa bahay nila ‘pag natapos ko na lahat ng dapat kong gawin. Pero halos kalahating minuto akong pasulyap-sulyap sa phone ko at walang nakuhang reply. Itinigil ko agad ang ginagawa.
Nakapambahay lang akong nagpunta sa park dahil medyo naiinis ako. At talagang balak kong dumaan lang saglit doon at kausapin siya para maintindihan niya ako at hindi na lumaki pa ‘to.
“Akala ko busy ka rin sa pagre-review para sa finals? Ang sabi mo sa weekdays na lang tayo magkita kasi hassle. Anna, marami akong dapat gawin. Magkakasama naman tayo buong araw ‘pag tapos nitong finals. Bakit kailangan pa nating magkita ngayon?” mahinahon ngunit medyo bugnot kong panimula nang makaupo sa bench ng park.
Hindi ko naman sinasabing ayoko siyang makita. Ang gusto ko lang, ma-schedule ko ang lahat para maayos. Pero tinitigan lang niya ako ng ilang sandali. Bahagya nang kumunot ang noo ko dahil sa pananahimik niya. Paano kami magkakaintindihan kung hindi niya ako kakausapin?
“Ana—”
“Monthsary kasi natin ngayon.”
My mouth fell open.
“Sorry kung inabala pa kita. Sige aalis na ako, baka makasagabal pa ako sa mga dapat mong gawin.” Pagkatayo ay dire-diretso siyang nagmartsa paalis.
“Anna! Sandali lang naman!” Bumilis ang lakad niya nang sumunod ako. “Nakalimutan ko, I’m sorry! Pareho tayong busy sa school. Isa ka sa mga priorities ko pero…” Hindi na ako nag-abala pang habulin siya at magpaliwanag dahil mukhang wala naman siyang balak na pakinggan ako.
I just stood there, breathed out a defeated sigh and watched her leave. Sinapo ko ang ulo at napakamot na lang do’n.
Isang linggo ang nakalipas at natapos na ang finals. Tapos na rin ang klase at kuhanan na lang ng grade pero iniiwasan pa rin ako ni Anna. Madalas ko siyang pinupuntahan sa bahay nila pero lagi siyang wala ro’n. Nag-aalala na ako sa kaniya dahil hindi ko malaman kung nasaang lupalop siya ng mundo. Tinanong ko na lahat ng kakilala niya pero walang nakapagsabi sa akin kung nasaan siya. Hanggang sa makatanggap ako ng text niya isang araw.
Anna:
Break na tayo
Halos halugarin ko ang buong school at buong village nila mahanap lang siya pero hindi ko siya nakita. Halos mabaliw ako ng mga panahong ‘yon sa sobra-sobrang frustration at pag-aalala.
Why would she say that without even talking to me?
Dumaan ako isang gabi sa club para kunin ang floor plan at i-check ang mismong building, para sa gagawing renovation dito patungong restaurant. A relative of ours who owned the building asked me to take part on designing it with another seasoned architect. It was an honor to me, so I gladly accepted the offer.
Kasalukuyan akong naglilibot sa loob ng club kahit magulo at maraming tao. I should have gone here in the morning instead. Habang pinagmamasdan ang interior design ay hindi ko maiwasang maalalang dito ko unang nakita si Anna.
Ngunit kung gaano katuling rumehistro sa alaala ko ang pangyayaring ‘yon, ganoon din katuling nag-akyatan ang dugo sa ulo ko matapos ko siyang makita. Si Anna kasama ang mga kaibigan ni Leomar. Nandoon sila nakaupo sa isang curved lounge seating habang umiinom siya at nakahawak sa baywang niya si Leomar.
May kung anong galit ang walang pasubaling bumundol sa akin.
“Hey, bro!” bati kaagad sa akin ng huli matapos maaninag ang mabilis kong paglapit sa table nila.
I caught Anna stiffened as Leomar’s hand rested on her leg.
“Bro, hands off!” sigaw ko kaagad di pa man ako nakakalapit nang tuluyan sa kanila dahil sa dami ng tao.
“What?”
Hinila ko agad ang braso ni Anna patayo.
“Rej, man, come on. I can hook you up with another girl if you want! She’s mine for the night!” Kasabay ng pagtayo nito para harapin ako ang pagkakatigil ng mga kaibiga nitong naro’n sa table.
Ngunit imbes na tugunan ito ay itinuon ko ang atensyon kay Anna habang kapwa kami kunot-noong nagpagpalitan ng tingin sa isa’t isa. Sinubukan niyang bawiin ang braso niya ngunit mas hinigpitan ko lang ang hawak do’n.
“What do you think you’re doing?” mariin kong anas sa kaniya.
“Why do you care?” Marahas niyang hinila pabawi ang braso. “Just leave and let me be.” Tinalikuran niya ako para bumalik sa tabi ni Leomar.
Sandali akong natulos sa kinatatayuan.
“Sorry, dude! Ako ang gusto ng babae!”
Namuo ang tensyon sa panga ko pagkarinig sa halakhak ni Leomar kasama na ng mga kaibigan niyang naro’n sa table. Mariin ang tinging idinirekta ko kay Anna. Para naman siyang napaso nang agad kalasin ang tingin sa akin. Inabutan siya ng shot ni Leomar matapos nitong ipahinga ang braso sa balikat niya.
Anong kagaguhan ‘to?
Inagaw ko kaagad ang shot glass bago pa man ‘yon mainom ni Anna. Umani ng ilang tilian at singhap sa malapit matapos kong walang habas na ibalibag iyon sa sahig.
“f**k! Don’t make yourself a w***e, Anna!” Namilog ang mga mata niya sa sigaw ko. Kinuha ko naman ang pagkakataon para hilahin ulit ang braso niya patayo doon, palayo sa hawak ni Leomar.
“Hey! The f**k’s your problem?!” Muling tumayo si Leomar at umakma ng paglapit. “Sa akin sabi siya!”
I shoved him away in my fury. “She’s my girl! You don’t get to touch her!”
Nakakairita ang sunod niyang sarkastikong tawa. “Fine, then! She’s your girl? Then the w***e is all f*****g yours! Tangina, akala mong–”
Tila nalagot ang pisi ng natitira kong pasensiya nang sinunggaban ko ito mula sa kwelyo dahilan para tumumba ito sa sofa, kasama ako. Kasabay ng pagtayo ng mga naro’n ang ilang tilian nang bumuwelo ako ng sapak. Ngunit naunahan ako nito kaya ngayon ay siya na ang naro’n sa taas ko. Pinaulanan niya ako ng suntok sa mukha matapos.
“You want this, huh?!”
“Regime!” Halos hindi ko na marinig ang paligid sa tinatamong mga suntok. “Leomar, tama na!”
Kung hindi lang dumating ang bouncer ay paniguradong hindi na ako makikilala dahil sa lakas ng mga suntok na tinamo ko. I refused to sue him but in return, he was banned in the club for good. Pinag-usap din kami matapos kapwa kumalma para mai-settle iyon ng personal.
Matapos bigyan ng first-aid ang mga natamo kong sugat ay nag-drive ako diretso sa bahay ng kasama ang tahimik at tulalang si Anna. Kunot-noo, kada sampung segundo yata ay nasusulyapan ko siya dahil ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Pero itinikom ko ang bibig ko hanggang sa makarating kami sa bahay para doon mag-usap kahit dis oras na ng gabi.
“Anong ibig sabihin ng text mo? Ngayon mo ‘yon sabihin sa harap ko.” Tinitigan ko ang pagdantay niya sa couch, sa sala, habang tulala. “Anna!” Gigil kong napasadahan ng mga daliri ang buhok habang nagpapabalik-balik ng lakad sa harapan niya. Ang paghinga ko ay unti-unti nang bumibigat. “For God’s sake, speak up! Kausapin mo ‘ko!”
“’Di ko na alam…”
Agad akong natigilan sa paglalakad para lang pagmasdan ang unti-unting pamumuo ng luha sa mga mata niya.
Binasa ko ang labi at sinubukang kalmahin ang sarili nang mahinahon ko itong sinabi, “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Ni text hindi mo magawa. Saan ka nagpupunta at bakit lagi kang wala sa bahay n’yo? Sa club ba? Bakit hindi ka nagpapakita sa akin? At higit sa lahat, ano ‘yung kanina?”
Humugot ako nang malalalim na hininga nang muli na namang mag-umpisang manikip ang dibdib ko sa galit. Hands forming into fists, my jaw tightened when I remembered what happened. Parang gusto kong sumigaw. Parang gusto ko na lang magalit. Parang gusto ko nang tapusin para tapos na. Pero sa tuwing titignan ko siya, nanghihina na lang ako.
“Have you lost your mind? Anna… isipin mo naman muna ang mga bagay bago mo isakilos. At sana, kahit minsan maisip mo man lang kung anong mararamdaman ko!”
Napapikit siya nang isigaw ko ang huling pangungusap. Tuluyan akong nanghina kasama na ng pagkakatunaw ng galit na nararamdaman ko nang makita ko ang paghikbi niya.
“Sorry… hindi ako nakapag-isip… I’m sorry. I know I should’ve talked to you. Pero nasasaktan ako. Sawa na akong maging second choice… ayoko ng maging option, Regime… sawang-sawa na ako… kung pati ikaw babalewalain na lang din ako, hindi ko na alam… gusto ko na lang sumuko. Ayoko na…” Umiiling, pinunasan niya nang pinunasan ang bawat luhang mabilis kumakawala sa mga mata sa kabila nang walang humpay niyong pagtulo. “Ayoko na…”
Ang paninikip ng dibdib ko ay agad napalitan ng dahilan.
“Anna…” Pagkalapit ay lumuhod ako sa tapat ng inuupuan niya. Sinapo ko ang mga kamay niyang nagpapalis ng luha at agad hinanap ang linya ng mga mata niya. I cupped her face with both my hands as I trained my eyes on hers. Sinigurado kong maririnig at maiintindihan niya ang sunod na mga salita nang dahan-dahan ko itong sinabi, “Kahit kailan hindi ka naging option sa akin. Isa ka sa mga priorities ko kaya nag-aaral ako nang mabuti—I wanted to have a secured future with you. I’m sorry kung iba ang naramdaman mo.
“Anna, mahal kita at hinding-hindi kita ibabalewala tulad ng iniisip mo. Nandito ako palagi kaya kausapin mo ako kung may problema.” Binalot ko ang mga braso ko mula sa baywang niya para yakapin siya nang mahigpit. With my face buried on her shoulder, I shut my eyes tightly then whispered, “Please don’t do this again.”
“Sorry…” I could feel her shaking when she started sobbing again. “I’m sorry…”
Hinayaan ko siyang umiyak. Matagal kaming ganoon bago ko siya unti-unting binitiwan.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang sinapo niya ng palad ang magkabila kong pisngi matapos. Nagulat ako ng bigla na lang niya akong hinalikan. Noong una ay marahan lang, pero habang tumatagal ay lumalalim. Ginantihan ko ang mga iyon. Napatayo ako mula sa pagkakaluhod sa sahig nang sumandal siya sa couch.
I could taste the alcohol in her mouth. At unti-unti, parang nalalasing na rin yata ako. She was about to take off the third button of my shirt but I caught her hand, stopping her. We were both catching our breaths as we held each other’s gaze for the next while.
She was about to reach for my lips for another kiss but I was quick to withdraw as I stood up. Tinalikuran ko siya agad para lang pakalmahin ang sarili ko.
“No, no, no.” f**k.
Kalma lang. Breathe in, breathe out… relax. Hinga.
Naihilamos ko ang magkabila kong palad habang bumubuntonghininga bago siya hinarap. Nakagat ko na lang ang labi ko nang maabutan siyang nakapikit na ro’n sa couch. Halos dukutin ko ang mga mata ko para lang pigilan ang sariling tignan siya dahil gustong-gusto ko siyang lapitan! Oh, God, please give me strength.