14 : Discomfort assurance

3067 Words
Summer came. Hindi na naulit o nasundan pa ang huling away namin ni Anna. Ipininta ko siya nang dumating ang tenth monthsary namin. I often made sketches of her but it was the first time that I painted her a portrait. Seeing her smile and liking it was worth all the efforts. Bakasyon kaya kung ‘di ako nasa kanila, nandoon naman siya sa amin. It was the month of May when the design for the renovation of the club into a resto was finalized. Sinimulan na rin kaagad ang pagpapagawa n’on. Nagplano sina Senin ng outing kasama si Ian, kami ni Anna at ibang kabarkada nila. Anna was kind of uneasy the whole ride, I could tell. After asking her what’s wrong, I suggested for her to catch some sleep but she refused. She just kept looking out the window and watch every scenery that we passed by. Ipinahinga ko na lang sa balikat ang ulo niya at hinayaan siyang gawin iyon. “Regime, right?” Tinanguan at bahagya kong nginitian ang isa sa mga kaibigan nina Senin. “Yolo?” Pagkatangong pabalik sa akin ay tumuro siya sa malayong parte ng pampang. “Gusto mong sumama sa ‘min ni Jester mag-jet ski? Maraming chicks do’n!” Pumito siya bago kinindatan ang isang babaeng mukhang Australian na dumaan. Sabay balik ng tingin sa ‘kin, may pinta nang ngisi ang mukha. “Ano, pre? Tara!” May hapyaw na ngiti akong umiling. “Jet skiing while checking out girls would be fun if I don’t have a girlfriend.” “Kasama mo ba?” natatawa niyang tanong. Para bang ayos lang na gawin ko iyon kung wala rito si Anna. I faked a wince as I squinted my eyes from the sudden gust of wind. “Yup.” Then smiled without showing my teeth. Pumamulsa ako sa suot na board shorts habang pinakikiramdaman ang buhangin sa mga paa matapos. “Isa ‘yan sa mga maling desisyon sa buhay, pre.” Bumalik ang tingin ko sa kaniya, ang ngiti ko ay nawala. “Biro lang.” Kung hindi siya tumawa ay iisipin kong seryoso siya sa sinabi. O siguro gano’n na nga. “Mukhang seryoso ka riyan ah? Ilang taon na ba kayo?” Huminga ako nang malalim matapos malingunan ang bandang itinuro niya. “Malapit mag-isang taon.” Nagtagal ang tingin ko sa kapwa nakangiting si Anna at Ian na naaninag kong naro’n. “Sino bang papasok sa isang relasyon kung hindi naman seryoso?” Mabagal siyang tumango. Sabay ngisi pagkatapik sa braso ko. “Oo nga naman. Okay ‘yan, okay.” He gestured an okay sign then laugh afterwards. Napailing na lang ako nang hindi ko malaman kung seryoso ba talaga siya o inuuto na lang ako. I just laughed it off. Gabi nila napagdesisyonang maligo sa dagat dahil hapon na kami nakarating. Halos pagabi na rin nang natapos sa paghahanda ng mga pagkain. Mula sa ‘di kalayuan ay tanaw ko si Yolo at Jester na may kausap na dalawang babae. Mukhang nagkakatuwaan ang mga ito dahil panay ang tawanan. “Regime, shot ka!” aya ni Shin, kaibigan din nina Senin. Hinanap ko kaagad si Anna sa labas mula sa kubo kung nasaan kami. Natanaw ko siyang kasama sa ‘di kalayuan si Senin habang nag-iihaw. “Ilang shot lang naman, Kuya. ‘Di ‘yan mahahalata ni Anna,” kunsinti ni Ian sabay sulyap din sa dalawa. Hindi naman sa pinagbabawalan ako ni Anna. Alam lang niyang hindi mataas ang tolerance ko sa alak. Pero dahil sila naman ang kasama ko, tinanggap ko ang inaabot sa aking bote ng beer ni Shin at inumpisahang inumin. “Wooo!” Mahina akong natawa sa nasisiyahang boses ng huli habang nakangisi at umiiling naman si Ian. “Alam mo, Rej, ang swerte ni Anna sa ‘yo.” Bahagya akong natigilan at napalingon kay Shin na naro’n sa tabi ko, may sariling boteng hawak. “Mas maswerte ako sa kaniya.” Ngumiti ako sabay sinulyapan ang seryosong si Anna sa labas ng kubo. “Any guy will be lucky to have her.” Uminom ako ulit mula sa boteng hawak. Ang dalang lamig niyon mula sa bibig ay unti-unting napalitan ng init pagkarating sa sikmura ko. Hindi ko alam kung bakit naalala kong bigla ang lalaking iniiyakan noon ni Anna, na kahit kailan ay hindi ko nakilala. She cupped her face with her palm and stared at me dreamily. Binitiwan pa niya ang boteng hawak para lang madramang sapuhin ang dibdib. “Aww, sana ako na lang si Anna.” “That means, don’t settle for any less.” Pagkabaling ay ginulo ko ang buhok niya bago siya nginitian. Ramdam ko ang pagkakatagal ng tingin niya sa akin kahit wala na sa kaniya ang tuon ko. Nito ko lang nalaman na schoolmate ko pala siya noong highschool at magka-batch kami. Kilala na raw niya ako noon pa man dahil matunog ang pangalan ko dala ng mga sinasalihan kong poster making contest sa school. Isa na rin marahil ang pagiging cartoonist ko sa students publication. “Crush nga kita eh.” Napalakas yata ang bulong niya dahil narinig pa rin namin iyon ni Ian. Pagkakuhang pabalik ng sariling bote ay dire-diretso niyang ininom iyon. I didn’t know what to say to that so I just kept my silence for the next while. Baka nagbibiro lang siya, lasing na yata. Seryoso ang tinging sunod kong ipinukol sa kaniya matapos. She was pretty, I won’t deny that. Pamilyar din siya sa akin kahit maraming magaganda sa batch namin noon sa dati kong highschool. “’Di mo alam ‘no? Sumali pa ‘ko no’n sa Miss Intramurals at nasali sa runner ups—pero bokya pa rin sa ‘yo!” She giggled. Bahagya akong natawa. “Mga biro mo. Dugtungan mo man lang ng joke sa dulo para malinaw.” Tahimik lang ang umiinom ding si Ian habang nakaupo ro’n sa tapat ng inuupuan namin. “Anong joke? Sino bang nagsabing nagbibiro ako? And to clear something…” Bahagya pa niyang inilapit sa akin ang mukha para ilinaw ito, “crush lang naman ‘yon, Mister Reed! Crush!” Napailing ako. Nakailang bote na ba ‘to? “I think that’s the beer talking,” balik kong biro. Pabiro niya akong hinampas sa braso ko habang ngumingisi. “Alam mo bang nag-away pa kami ng boyfriend ko no’ng highschool dahil sa ‘yo? Nakakatawa ‘di ba? Para akong tanga! Eh ni hindi mo nga ako kilala! ‘Di mo alam ang existence ko! Nakakainis!” Hinuli ko ang kamay niyang mahinang tumampal sa pisngi ko. “’Pag nakita tayo ni Anna, kami naman ang mag-aaway.” Binitiwan ko ang kamay niya at bahagyang umusog palayo ng upo. “Then great! Kwits na tayo!” Pagkaabot sa ulo ko ay ginulo niya ang buhok ko sabay sandal sa akin, pikit na ang mga mata habang nakangiti. “Shin!” Lumipad ang atensyon ko sa nagsalitang si Ian. Ngunit natigil ang paningin ko sa pigura ni Anna’ng nakatayo sa pasukan ng kubo. Tuon sa aming dalawa ni Shin ang matalim na tingin nito. “Umiinom ka ba?” Nailayo kong bigla sa akin ang natutulog na atang si Shin nang mahimigan ko ang galit sa boses ni Anna. Napadako din ang seryoso niyang mga mata sa paubos nang boteng inilapag ko sa lamesa. “Aray, Regime! Nananakit ka?” Halos pikit na ang mga mata ni Shin nang pabiro akong hinampas sa braso. Tumawa siya matapos, tila hindi alintana ang presensiya ni Anna. “Konti lang po.” Marahan kong inabot at hinila ang kamay ng huli palapit sa akin. Sakto namang pumasok na rin si Senin sa kubo dala-dala ang mga barbeque’ng naluto na nila. “O, Lasing na si Shin? Nasaan ba si Yolo at Jester?” puna kaagad ni Senin bago naupo sa tabi ni Ian. “Nambababae, ano pa?” natatawang ani Ian habang inilalagay ang isang braso sa sandalan ng inuupuan ni Senin. Pinaupo ko si Anna sa tabi ko pero do’n siya naupo sa kabilang gilid ko kung nasaan si Shin, na ngayon ay mukhang nakatulog na. Kinalas niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at saka nagtuon sa dalawang nasa harap namin. Sinubukan ko siyang akbayan pero hinawi lang niya ang braso ko. Pressing my lips together, I breathed out a sigh. Kumakain si Senin ng barbeque nang mapansin kami. “Regime, uminom ka ba? Tumigil ka na, kita mo ‘yang pisngi mo namumula na!” tinawanan ako nito habang si Ian naman ay nakatingin kay Anna. Binalingan ko ang huli at naabutang nagbibitiw ng tingin kay Ian. “Sinong maghahatid kay Shin sa kwarto?” Pinagmasdan ako ng nagsalitang si Senin pagkalingon ko sa kaniya. Saktong nahagip ng paningin ko ang pag-alis ni Ian ng braso sa sandalan ng upuan nito. “Ako ba?” Naituro ko ang sarili. Nginitian ko si Anna ng balingan niya akong bigla nang masamang tingin. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya dala ng hangin. “Nilalamig ka ba?” Hinawakan ko ang kamay niya at ng aktong babawiin na naman niya iyon ay pinagsalikop ko na ang mga daliri namin. Muli ko siyang nginitian nang wala siyang nagawa. “Kumain ka na po ba at umiinom ka na riyan?” sita ni Senin kay Ian. “Kumain na ako, Senin. Ikaw ang kumain na. May uling pa ‘yang mukha mo!” Nakangiting pinunasan ni Ian ang uling sa pisngi nang patuloy sa pagnguyang si Senin. Inilapit nito kay Ian ang hawak na stick ng barbeque habang pinanonood namin silang dalawa. Wala sa sarili akong napangiti. They look good together. “Excuse me.” Kinalas ni Anna ang hawak ko sa kamay niya at bigla siyang tumayo. “Regime, ikaw na ang maghatid kay Shin sa kwarto, matutulog na ako.” “Sandali.” Agad kong hinuli ang kamay niya bago pa siya tuluyang makaalis. “Samahan mo na ako, isa lang naman ang kwarto n’yo.” Sinulyapan lang niya sina Ian at pumayag na rin sa sinabi ko. Pagkabitiw ko sa kamay niya ay saka ko binuhat ang nakatulog na ngang si Shin. “Hatid ko lang.” Sinenyasan ko ang dalawang masayang nag-uusap bago kami umalis ni Anna. Malapit lang ang kwarto nila kaya siguro hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap ni Anna. Dahan-dahan kong inilapag si Shin sa gitnang higaan para sa kanilang tatlo ni Senin. May kumakawala pa itong tawa habang kinukumutan ko. Mukhang napadami talaga ang inom. Nakaupo si Anna sa kama niya at nakatingin sa akin ng ilipat ko sa kaniya ang atensyon ko. Until all of a sudden, she blurted out, “Gusto mo ba siya?” “Ano? Sino, si Shin?” halos matawa kong sabi. “Bakit nakikipaglandian ka sa kaniya kanina? May pahampas-hampas at pagsandal? You even held her hand! Para kayong mag-jowang naglalampungan sa Luneta habang pinanonood ang sunset! Ni hindi n’yo man lang inisip na nando’n si Ian at pinanonood ang mga kaartehan n’yo,” nakasimangot niyang lintaya na may kahalo pang action na siyang nagpatawa sa akin. “Shh! Anna, ano ka ba? Hinaan mo ang boses mo baka magising si Shin.” Pinigil ko ang mga tawa ko. “Ah ganon? Siya pa rin ang iniisip mo kahit naiinis na ako rito?!” Nilapitan ko na. “Hindi. Hindi ganon. Bakit mo ba iniisip ‘yan? Nagkukwentuhan lang naman kami kanina. Medyo tinatamaan na siya sa iniinom niya kaya siya gano’n.” Hinawakan ko ang kamay niya pero binawi niya kaagad. “At ikaw? Tinatamaan ka na rin? Gusto mong ikaw ang tamaan sa akin? Akala mo hindi ko alam na simula pa lang highschool crush ka na niya? Na hanggang ngayon halatang-halatang may interes pa rin siya sa ‘yo. Regime, pwede ba? Malaki ang ipinagkaiba ng nag-uusap sa naglalandian katulad ng pagkakaiba ng isang kaibigan sa girlfriend! ‘Wag mo akong gawing tanga. At alam—ano ba?!” Natigilan na siya sa mga inirereklamo niya ng itulak ko siya pahiga sa kamang inuupuan namin. “Lasing ka na ba? Umalis ka nga riyan!” Tinawanan ko siya ng pinagkrus niya ang magkabila niyang braso sa dibdib. Kalahating katawan lang niya ang nakahiga dahil nakaupo siya kanina at ganoon din ako. “Ang dami mo namang sinasabi. Pwede mo namang sabihing, Regime, nagseselos ako. ‘Di ba mas madali?” Nakangisi ko siyang tinitigan habang unti-unti kong inilalapit ang mukha ko sa kaniya. “Regime!” Tumigil ako sandali. Gamit ang kamay kong nasa kabilang gilid niya, hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakatabon sa mukha niya. “’Wag kang maingay. Kasi ‘pag nagising si Shin, dito ako matutulog, bahala ka,” mabagal kong bulong sa kaniyang nagpalaki ng mga mata niya. “What? You can’t sleep here! Bumalik ka na ro’n sa kwarto n’yo.” Tinulak niya ako gamit ang mga nakakrus niyang braso. “Ah mali, dito na pala ako matutulog.” Ngumiti ako nang labas ang mga ngipin habang nakapikit sabay patak sa kaniya ng halik. Malalaki ang mga mata niya pagkadilat ko. “I.” Another peck. “Love.” Then another, but this time, it was slightly longer. “You.” Sabay ngiti ko at bagsak ng katawan pahiga sa tabi niya. Itinaas ko ang magkabila kong binti patungo sa kama at komportaleng tumihaya ro’n, nakapaling paharap sa natahimik na si Anna ang mukha ko. Single bed lang ‘to panigurado kaya medyo masikip para sa aming dalawa. Mabuti na lang at nakadikit ang kama sa pader kung saan ako nakapwesto kaya hindi ako malalaglag. “Regime…” Naramdaman ko ang pagtapik niya sa pisngi ko. “Wag kang matulog d’yan. Puro kami babae rito. At saka tignan mo nga, hindi tayo kasya, baka malaglag ako.” Tumagilid ako agad at niyakap siya mula sa baywang. Narinig ko ang mahina niyang tili nang higitin ko siya palapit sa akin. Sinundan iyon ng paghampas niya sa braso ko. Kahit nakapikit ay napangiti ako. “Anna… may tanong ako.” Naramdaman ko ang pagpaling ng ulo niya paharap sa akin. “Sino siya?” “Sinong siya?” Dumampi ang mainit niyang hininga sa mukha ko. “’Yung… lalaking palagi mong iniiyakan.” Hindi siya nagsalita at ni hindi ko rin naramdamang gumalaw siya ng halos ilang minuto kaya dumilat ako. Naabutan ko siyang tahimik na nakatitig lang sa akin at mukhang walang balak na sagutin ang tanong ko. “Sino siya? Gusto kong malaman ng masapak ko man lang ang mukha niya pambayad ng mga luhang sinayang mo sa kaniya.” Natawa siya sa sinabi ko pero iniiwas lang niya sa akin ang tingin at hindi ako sinagot. “Ano? Sino siya?” “Kalimutan na natin siya… hindi na siya importante sa ‘kin.” “Kung hindi na pala siya importante, edi wala na lang kung sasabihin mo sa ‘kin kung sino siya. Kaya sige na, sabihin mo na.” Mahina ko siyang inuga mula sa braso kong nakayakap sa kaniya. “Regime, ‘wag ka ngang makulit. Matulog ka na lang.” Napaangat akong bahagya ng ulo para tignan ang mukha niya. “Pumapayag ka nang dito ako matulog?” Nakangiti siyang bumaling sa akin sabay marahang tulak pabalik sa mukha para mahiga ulit. Bumahid ang ngiti sa labi ko nang pumikit. Hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko bago pa niya ‘yon maalis. “Kulit mo,” rinig kong bulong niya na halatang nakangiti, matapos kong panatilihin ang hawak sa kamay niyang nasa mukha ko. Gumising ako kinabukasan nang wala na si Anna sa tabi ko. Tanging ang nakangisi habang kumakaing si Senin ang naabutan kong naro’n. “Did you sleep well, sleepyhead?” tuya niya pagkabangon ko habang nagkukusot ng mata. “I’m wondering kung ano ang ginawa mo kay Anna kung wala kaming dalawa ni Shin dito.” Binato niya ako ng unan kaya binato ko rin siyang pabalik, natatawa. “Ano namang gagawin ko? Bata pa si Anna.” “Kung makasabi ka namang bata pa eh halos dalawang taon lang naman ang tanda mo sa kaniya! Palaka!” Pabiro niya akong inirapan. Smiling, I just shook my head. Sandali kaming natahimik. “Ang aga-aga ice cream agad ‘yang kinakain mo.” Natigilan siya bigla sa puna ko na para bang na-offend ko siya. “Bakit? May problema?” Sa halos apat na taon kong nakasama at naging block mate si Senin, pansin ko na ‘pag may problema siya dahil n’on lang nagiging blangko ang ekspresyon ng mukha niya. “Hmn? Wala!” Yumuko siya at sumandok sa kinakain na ice cream para lang maiwasan ang pagtingin sa akin. “Bakit nga?” Naupo ako sa harap niya, sa kama ni Shin. Bumuntonghininga siya at ibinaba ang cup na hawak bago ako tinignan. “Nag-away kasi kami ni Ian kagabi.” “What? Bakit? Anong pinag-awayan n’yo?” nasurpresang tanong ko. They seemed fine last night. Umiling siya. “May… nararamdaman kasi akong iba sa kaniya. Alam mo ‘yon, ‘yung parang medyo nanlalamig siya sa ‘kin. Parang may iba siya.” Itinawa niya ang huling sinabi. “Pero praning lang ako. Wala naman daw sabi niya… kaya lang, ewan ko ba. Maybe it’s just a gut feel or intuition or something. I don’t know.” Tumungo ako sa pampang para lang makita si Anna at Ian na magkasama habang naglalakad sa ‘di kalayuan. Nakatalikod ang mga ito mula sa paningin ko kaya hindi nila ako nakikita. Lalapitan ko na sana sila ng tawagin ako ni Shin, may hawak siyang surfing board. Nang inaya niya akong mag-surf kasama sina Jester at Yolo ay sumama ako. First time kong mag-surf kaya tinuruan nila ako. Halos manananghali na kami tumigil dahil nakakatusta na ng balat ang araw. Lumabas na rin ng kwarto si Senin at mukhang ayos na siya ngayon. Uuwi na rin naman kami bukas kaya sinulit na nilang mag-picture. “Kalimutan na natin siya… hindi na siya importante sa ‘kin.” I wasn’t sure exactly why but I couldn’t seem to brush off what Senin said earlier. Her last words together with Anna’s resounded inside my head with a perpetual discomfort. I know I should trust her. Kalimutan na. But I couldn’t—and I’m not liking it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD