Casandra Sa lumipas na isang buwan na hindi nakaka-uwi si Casandra sa condo niya ay kung saan-saan siya lugar napupunta dahil sa pagmomodel. Hanggang ngayon ay nando'n pa din siya sa lugar na sinabi niya kay Liam bago siya umalis at nag-flight papunta doon. "Halika Casandra, sama ka sa amin na mag-party diyan lang sa malapit." "Dito na lang ako. Wala akong gana." Napaismid naman ito at bahagyang tinulak ang balikat niya. "Sus, kulang lang 'yan sa dilig. Doon maraming didilig sayo." "May boyfriend ako." "Ang layo mo, Hindi na niya iyon malalaman." Napabuntong-hininga siya. "Sige sama ako, pero mag-iinom lang ako do'n." "Ikaw bahala. Magwala ka din dun walang pipigil sayo. Magbihis ka na." "Sige." Lumabas na ito ng kwarto at siya naman ay naghanap ng pang sexy na suot. Gusto niya y

