bc

Surrogate Woman

book_age18+
1.1K
FOLLOW
7.4K
READ
billionaire
love-triangle
HE
escape while being pregnant
dominant
drama
bxg
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa hirap ng buhay na meron si Gabriela ay tinanggap nito ang isang trabaho na hindi madaling gawin, ang maging isang surrogate woman ng isang Ceo ng kumpanya. Sa laki ng halaga na ibibigay nito ay makakapagtapos na siya. Babalik siya muli sa paaralan upang tapusin ang kurso niya.

Ngunit ramdam ni Gabriela na nahuhulog na ang loob ni Liam sa kanya sa araw na nagdadaan na kasama ito, pero hindi puwede dahil may girlfriend si Liam. Nag-hire ito para magkaroon na ng anak dahil hindi pa handa ang girlfriend nito na si Casandra.

Nagkagulo lang ang lahat ng dumating ang kapatid ni Liam. Naki-alam ito sa plano ni Liam kaya naging mas mahirap ang lahat para sa kapatid nito at kay Gabriela.

Tuluyan kayang iwan ni Gabriela ang sanggol kay Liam? Meron kayang mangyayari habang buntis si Gabriela, o maraming luha ang bubuhos dahil sa kagagawan ng kapatid ni Liam?

chap-preview
Free preview
1 - The Surrogate Woman
Gabriela Habang nakatitig si Gabriela sa malaking mansion na nasa harap niya ay nagulat siya nang may bumisina na sasakyan sa likuran niya. Nang lingunin niya ito ay isang itim na kotse ang nakita niya, kaya gumilid siya kaagad. Hindi naman niya nakita kung sino ang driver ng sasakyan, pero nagtaka siya ng hindi agad sinarado ang gate. May humahangos na isang katulong patungo sa kanya. “Pumasok na daw po kayo sa loob.” Tumango naman siya at sumunod sa babae. Sa pagpasok nila sa loob ng mansion ay parang tila ginto ang mga gamit doon mula sa upuan at mga kurtina, pero napakunot ang noo niya nang ang haba naman ng nilalakad nila. Huminto sila sa isang pintuan bago siya nilingon ng babae. “Pumasok ka na po sa loob. Nandiyan na si Sir hinihintay ka.” Maliit siyang ngumiti. “Salamat.” Nang naka-alis na ang katulong ay kumatok siya ng mahina sa pintuan ng kwarto bago niya ito binuksan. Sa dahan-dahan na pagtulak sa pinto ay unti-unti niya ding nakikita ang opisina sa loob. May upuan na nakatalikod sa kanya at tiyak siyang naka-upo doon ang magiging ama ng ipagbubuntis niya. “Close the door.” Sa seryoso nitong saad. Sinunod niya ito at pagkatapos ay tumayo sa tapat ng pinto dahil hindi niya alam ang gagawin. Habang hinihintay niya itong humarap ay nilibot muna niya ang paningin niya sa mga gamit na nandoon. May book shelves doon na puno ng libro na pang business, isang bilog na mapa na umiikot na nasa table, at kurtinang makapal na kung sakali na tatakpan ang bintana ay magiging madilim sa kwarto na iyon. “Do you want to spend an hour standing while having a conversation with me?” Napatingin siya agad sa lalaki, at masasabi niyang ang gwapo nito. Sa totoo lang, hindi niya talaga alam ang itsura ng lalaking naghahanap ng surrogate woman, ang alam lang niya ay bilyonaryo ito, pero hindi naman niya akalain na sobrang gwapo nito na parang hindi na totoong tao. “I-I'm sorry.” “You may take your seat and I will start explaining what you gonna do and the contract also.” Mabilis na lumapit siya sa table nito at naupo sa upuan sa tabi. Pinagsalikop nito ang mga kamay at tumingin sa kanya ng matagal. “Alam mo naman siguro kung anong trabaho ang pinasok mo?” “O-Oo alam ko,” sa nauutal niyang sagot. May kinuha ito sa drawer na envelop na mukhang naglalaman ng kontrata na dapat niyang pirmahan. Tinulak nito palapit sa kanya. “Read carefully bago mo pirmahan.” Kinuha niya ito at dahan-sahan na inalis ang kontarata sa loob ng envelop. Masinsin niya itong binasa at wala naman siyang reklamo sa kondisyon na nandoon. Sa halaga ng pera ay sobrang laki na dahil 100 Milyon ang halaga na ibibigat nito once na naging successful na mabuntis siya. Kinuha niya ang ballpen at pumirma na sa kontrata. Ngunit habang pumipirma si Gabriela sa kontrata ay napangisi ng bahagya si Liam na hindi nakita o napansin ni Gabriela. Nang natapos na niyang pirmahan ay sinilid niya muli ito sa envelop at tinulak sa gitna ng table. “It’s settled now. You are now officially my surrogate woman na magdadala ng anak ko.” Napayuko siya sa sinabi nito, pero hindi siya magpapakita ng pagsisisi dahil siya ang may gusto nito at wala ng atrasan dahil kailangan niya ang pera na ibabayad nito sa pag-aaral niya sa susunod na pasukan, next year. Napatingin siya sa kamay na nakalahad malapit sa mukha niya. “I am grateful that you agreed to be my surrogate." Nag-aalinlangan man ay tinanggap niya ito, pero isang mahigpit na hawak ang natanggap niya bago nito binitawan ang kamay niya. “Puwede ka ng umuwi ngayon at dalhin dito ang gamit mo. Dahil mananatili ka dito ng matagal. Magpaalam ka na din sa pamilya mo, pero hindi mo puwedeng sabihin ang address ng bahay ko. Maliwanag ba?” “Oo.” “Good. Puwede ka ng lumabas ng opisina ko.” Tumayo siya at yumuko ng bahagya sa lalaki na ang pangalan ay Liam, base sa nabasa niya sa kontrata. Lumakad siya at binuksan ang pinto at hindi na lumingon pa sa lalaki. Sa paglabas niya sa mansion ay lumingon muli siya, pero nakita niya si Liam na nakasilip sa balkonahe ng opisina nito. Seryoso lang ang mukha nito habang umiinom ng alak. Nag-iwas siya ng tingin at tuluyan ng lumayo sa mansion na iyon. Makalipas lang ang dalawang oras ay naka-uwi na si Gabriela sa sa bahay nila. Nakita niya ang nanay niya na namumulot ng tuyong mga sanga mula sa puno nila sa tabing bahay. Ngumiti siya bago tawagin ang kanyang ina. “Nay narito na po ako!” Tumingin ito sa gawi niya at malaking ngumiti sa kanya. Dala-dala ang mga sanga ay lumapit ito sa kanya. “Mabuti at naka-uwi ka na. Nag-aalala na ang tatay mo sa’yo dahil hapon na at baka gabihin ka pa sa daan.” “Pasenya na nay, ang layo kasi ng lugar kung saan ako magtatrabaho.” “Bakit naman kasi gusto mo pa sa malayo? Meron namn ditong mga groceries store na puwede kang maging cashier.” Maliit siyang ngumiti, pero sa loob niya ay pilit niya lang na pinipigilan ang huwag umiyak sa harap nito. “Mas malaki kasi Nay ang sahod doon. Puwede na iyon sa gastos ko sa pag-aaral next year.” Napabuntong-hininga ito. “Kung iyon ang gusto mo ay wala naman kaming magagawa pa ng tatay mo, pero siguraduhin mo lang na ligtas ka doon.” “Opo nay. Tumingala ito sa kalangitan. “Pasok na tayo sa loob mukhang uulan pa.” Lumakad na ang kanyang ina, at susunod na din sana siya ng tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang screen ng cellphone, pero number lang ito at hindi naka-save sa phone niya, kaya hindi niya na ito sinagot, pero nang lalakad na muli siya ay tumunog muli ito. Napilitan na siyang sagutin para malaman kung ano ang kailangan nito sa kanya, “Hello. Sino ‘to?” Iyon agad ang lumabas sa bibig niyang mga salita. “Liam Smith.” Napaisip tuloy siya sa pangalan nito. “Ang nag-hire ng surrogate woman?” Paniniguro pa niya. “Yes.” Napakunot tuloy ang noo niya. “Bakit napatawag ka?” “I forgot to say when you should be back here in my mansion. That day is now also.” Naguluhan siya sa sinabi nito dahil ang balak niya ay bukas pa bumalik ng mansion nito. “Pero sir, puwede bang bukas na lang ako bumalik?” Hinihiling na sana ay pumayag ito, pero ang sagot nito ay matigas na tono ng, “No.” “Bukas ng umaga sir nandiyan na ako, pero please hayaan mo muna akong makapagpaalam sa magulang ko!” Sa nagmamakaawa niyang sagot dito. “I said no. Puwede mo ng gawin ‘yon sa oras na ‘to dahil may ilang oras ka pa, before 7pm ay dapat nakatayo ka na sa tapat ng mansion. Understand?” Napapikit na lang siya at pilit na tinatago ang inis. “Yes sir.” Napahawi siya ng buhok bago inilagay sa bulsa niya ang cellphone at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Nakita niya ang nanay niya na naghahanda na ng pagkain sa lamesa habang ang tatay niya ay naka-upo na. “Umupo ka na dito anak at kumain,” pag-aaya ng tatay niya. Dahan-dahan niyang hinila ang silya at umupo. “A…hindi na po ako kakain.” Kumunot ang noo tatay niya na tila nagtataka sa sinabi niya “Bakit? Busog ka ba?” Umiling siya at tumingin sa magulang niya. “Kailangan ko na pong umalis ngayon pabalik sa lugar saan ako magtatrabaho.” “Hindi ba puwedeng bukas na lang anak. Magdidilim na sa daan baka mapahamak ka pa,” mungkahi ng kanyang ina. Pilit siyang ngumiti dahil ayaw din niyang umalis. “Tumawag po kasi ang boss ko, kaya hindi na po puwedeng ipagpabukas.” Napabuntong-hininga ang ama niya. ”Kung ‘yon ang gusto mo, pero mag-iingat ka papunta doon. Maliwanag ba, Gabriela?” “Opo.” Mabilis siyang tumayo at nag-empake ng damit niya at ibang mga gamit na magagamit niya ng matagalan, pagkatapos ay nagpa-alam na siya sa magulang niya. Naglakbay siya ng ilang oras na naman para makabalik lang sa mansion ni Liam. Bumaba siya sa tricycle at tumingin sa orasan ng cellphone niya, at saktong 7pm siya nakatayo ngayon sa harap ng gate. Bumukas ang gate at tuloy-tuloy lang siyang pumasok hanggang sa loob dahil nakabukas na din ang pinyo doon. Nagtaka pa siya dahil bakit iniwan ng katulong na nakabukas ang pinto o sadyang alam ng mga ito na babalik siya sa itinakdang oras ni Liam. Habang naglalakad siya sa pasilyo ay biglang may sumulpot na katulong. Napapikit at napahawak siya sa ibabaw ng dibdib niya sa gulat. “Ay sorry ma’am! Sasabihin ko lang po na nasa dining area si sir. Sumunod ka na lang po sa akin.” Habang sumusunod siya sa katulong ang kamay niya ay nasa ibabaw pa rin ng dibdib niya dahil hindi pa siya nakaka-recover sa gulat. Huminto sila sa isang malawak na dining area na may mahabang lamesa at maraming upuan sa gilid nito. Nakita niya si Liam na naka-upo na sa dulo habang nakatingin sa kanya. Napalingon naman siya sa katulong ng umalis ito ng walang pasabi. “Umupo ka na.” Napalingon siya kay Liam at hindi niya alam kung saan uupo. Umupo na lang siya sa kabilang dulo din ng lamesa, pero napakunot ang noo nito. “Sa tingin mo lalapitan ka ng pagkain diyan?” “A…hindi…” “Lumapit ka at umupo dito malapit sa akin.” Tumayo namn siya at tinuro pa kung saan siya uupo. Tumango lang ito, kaya umupo na siya ng diretso at tumingin sa harap niya at hindi na tinapunan pa ng tingin si Liam. “Kumain ka na para may lakas ka mamaya,” biglang saad nito na nakapagpalingon sa kanya, pero nahuli niyang nakatitig lang ito sa kanya. “A-anong ready…mamaya?” Habang naghihiwa ito ng karne sa plato ay sumagot ito. “Ngayon na natin gagawin ang unang pagtatalik,” parang normal lang nitong saad. Ilang beses siyang napapikit sa sinabi nito habang ang dalawang kamay niya na nasa ilalim ng lamesa ay mahigpit na nakahawak sa pantalon na suot niya. Napansin ni Liam na namutla si Gabriela habang nakatitig sa kawalan. Walang ingay na binaba nito ang hawak bago pinagsalikop ang dalawang kamay. “Hindi kita bibigyan ng araw kung kailan natin gagawin iyon dahil kung kailan ko gusto ay iyon ang masusunod hanggang sa hindi ka pa nabubuntis. I know na first time mo ito, kaya I will be gentle.” Pagkasabi niyon ay may kasamang pagngisi bago ito nagpatuloy sa pagkain. Ilang minuto ng hindi kumikilos si Gabriela. Natapos na’t lahat si Liam sa pagkain pero nakatulala pa din ito. Tumayo si Liam at huminto sa likod ng upuan ni Gabriela. “Kumain ka na dahil ayoko na parang lantang gulay ka sa kama.” Nang nawala na si Liam ay kusang tumulo ang luha niya. Alam niyang handa siya sa gagawin nila, pero bakit parang gusto niyang umatras dahil sa lumalabas sa bibig ng lalaki. Kinuha niya ang kutsara habang nanginginig ang kanan niyang kamay at unti-unting sumubo ng pagkain.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook