Story By acire_berry
author-avatar

acire_berry

ABOUTquote
Ang hindi kayang sabihin gamit ang boses, iparating sa pamamagitan ng salita na nakasulat sa malinaw na papel.
bc
Surrogate Woman
Updated at Dec 8, 2023, 10:26
Dahil sa hirap ng buhay na meron si Gabriela ay tinanggap nito ang isang trabaho na hindi madaling gawin, ang maging isang surrogate woman ng isang Ceo ng kumpanya. Sa laki ng halaga na ibibigay nito ay makakapagtapos na siya. Babalik siya muli sa paaralan upang tapusin ang kurso niya. Ngunit ramdam ni Gabriela na nahuhulog na ang loob ni Liam sa kanya sa araw na nagdadaan na kasama ito, pero hindi puwede dahil may girlfriend si Liam. Nag-hire ito para magkaroon na ng anak dahil hindi pa handa ang girlfriend nito na si Casandra. Nagkagulo lang ang lahat ng dumating ang kapatid ni Liam. Naki-alam ito sa plano ni Liam kaya naging mas mahirap ang lahat para sa kapatid nito at kay Gabriela. Tuluyan kayang iwan ni Gabriela ang sanggol kay Liam? Meron kayang mangyayari habang buntis si Gabriela, o maraming luha ang bubuhos dahil sa kagagawan ng kapatid ni Liam?
like
bc
The Playful Spoiled Brat
Updated at Apr 12, 2024, 06:53
Isang babae ang spoiled ng kanyang ama dahil hindi nito pinakikialaman ang anumang gawin ng anak nito. Ngunit si Althea ay may ibang ginagawa na hindi nagustuhan ng kanyang ama, kaya nag-hire ito ng tao para bantayan si Althea saan man siya magpunta. Mapaglarong babae si Althea, at ang nilalaro nito ay hindi mabibili sa kahit anumang bilihan na malapit sa kanyang lugar. Mga lalaki ang laruan nito. Aakitin at pananabikin ang mga ito hanggang sa iwan sa ere pagnagawa na niya ang kanyang balak. Sa lumilipas na araw, ang paglalaro na gusto ni Althea ay mauuwi sa pag-ibig, ngunit ang gusto niyang makuha ay hindi niya makakamtam ng ganung kadali, dahil ang lalaking bumihag sa puso niya ay may nakakalungkot na nakaraan.
like
bc
Obsessed With His Secretary
Updated at Mar 20, 2024, 09:16
Ang bagong secretary ni Jarix ang nagbibigay ng lakas sa kanya para pumasok sa opisina araw-araw. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong nararamdaman niya para sa secretary niyang si Sunny, pag-ibig ba o tawag ng init ng katawan ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ito, pero ang lahat ng ginagawa niya para mapansin lang ng sekretarya niya ay balewala, dahil ba meron itong sekreto na ayaw nitong malaman niya o sadyang wala siyang dating para kay Sunny? Jarix and Sunny story.
like
bc
More Than One Night
Updated at Jan 16, 2024, 01:42
Dahil sa isang pangyayari. Mapipilitan si Athena na magtrabaho sa bar bilang bayaran na babae. Lahat gagawin niya makabayad lang sa matandang trinaydor sila dahil sa gusto siya nito. Isang lalaki ang tutulong sa kanya ng palihim na hindi alam ni Athena, bilang client nito gabi-gabi. Rex a.k.a Brix and Athena Story.
like
bc
Unserious Wife Of James William
Updated at Dec 27, 2023, 01:44
Dalawang taong nagtago si Sophia kay James pagkatapos ng kasal nila ilang buwan lang ang nakakalipas, pero ngayon ay natagpuan na siya sa tulong ng mga agents. Arrange marriage lang naman ang nangyari, kaya sila nakasal ng mabilisan. Nalaman niya na may anak sa iba ang asawa niya kaya pilit niyang pinapapirmahan ang divorce papers, pero ayaw talaga nito. Ang bawat araw na lumilipas ay walang naging seryosong usapan sa pagitan ni James at Sophia. Sa taglay na kagandahan ni Sophia ay hindi aakalain na masakit itong magsalita. Puwedeng mapasaya niya ang ibang tao sa salita niya, pero puwede ring paluhain ka ng matatalim niyang salita. Ang iba ay ayaw makita ang side ni Sophia na makakapagpaiyak ng tao dahil once na lumabas 'yon. Hindi lang puso ang mamamatay sa sobrang sakit maging ang buong pagkatao kung sino man ang susubok no'n. Sikreto lang ang pagiging agent niya at hindi alam ng pamilya niya at asawa niyang si James, pero mukhang nagkamali siya na iyon ang pinili na trabaho, dahil darating pala ang araw na ang asawa niya ang kailangan niyang iligtas. Sophia and James Story.
like
bc
Book of Fate
Updated at Nov 14, 2023, 00:09
Si Alexa, ang babaeng may pangarap na maging successful writer na sumusulat ng mga kwento mula sa kanyang imahinasyon. Isang gabi habang pauwi ng kanyang bahay ay bumuhos ang malakas na ulan, kaya napilitan siyang huminto sa harap ng simbahan, ngunit sa pagtigil niya sandali para sumilong ay may makikita siyang isang lumang libro. Kinuha niya ito at dinala pauwi. Ang libro na napulot ni Alexa ay hindi ordinaryo dahil ito ay mahiwaga. Ang nagmamay-ari nito ay hindi din tao, sila ay mga immortal na may mga kapangyarihan na nasa mundo ng tao. Nang pinili ni Alexa na sumulat ng panibagong istorya sa libro na iyon, ay iyon na din ang oras na makakagawa siya ng kasalanan dahil ang bawat salita, pangyayari, pagsasalaysay, at diyalogo na isusulat niya ay nangyayari sa mga totoong tao at hindi lang sa libro. Ang libro na nakuha niya ay ang "Libro ng Tadhana." Sa libro na 'yon sinusulat ang mga tao na nakatakda ng magtagpo, ngunit ang dapat lang na gumamit ng libro na 'yon ay ang kanang kamay ng Diyos ng Tadhana lamang, at hindi si Alexa. Dalawang istorya ang magaganap dahil sa mahiwagang libro na iyon. Ang kwento ni Alexa, ang writer, at ni Daniella, ang bidang babae sa istorya na sinusulat ni Alexa na may pamagat na "Book of Fate." Sa kamalian na nagawa ni Alexa, ang tadhana nilang dalawa ay magugulo. Sa huli parehas nga ba na magiging maganda ang wakas ng kanilang kwento o may isang kwento na matatapos sa masakit na wakas?
like
bc
The Lady Gangster's Mission For The Prince
Updated at Sep 2, 2023, 17:01
Nakatira si Adira sa isang lugar kung saan maraming tinatawag na gangster, at kabilang siya doon. Siya ay ulila na kasama ang kapatid niyang babae, ngunit ang kanyang nakatatandang kapatid ay hindi maganda ang pakikitungo sa kanya, kaya nagpasya siyang umalis upang mamuhay ng mag-isa. Ngayon ay mag-isa siyang nakatira sa isang lumang bodega mula nang pumanaw ang kanilang mga magulang. Ang tanging ikinabubuhay niya ay ang pagtanggap ng mga misyon mula sa mga kayang bayaran ang kanyang serbisyo. Isang araw may isang hari ang nagpakilala sa kanya, si Haring Stephen. Nakatanggap ang hari ng mga pagbabanta sa buhay ng kanyang anak. Wala siyang tiwala sa kanyang mga kasama sa loob ng palasyo maliban sa kanyang anak at kay Heneral Agustin. Kahit na labag sa mga alituntunin ni Adira na hindi siya tumanggap ng isang misyon na katulad ng sa prinsipe, tinanggap niya ito dahil sa hari at sa pagmamahal nito sa kanyang anak, pumayag siya na sanayin ang prinsipe na gumamit ng espada at panatilihin itong ligtas. Ngayon, sa tagal niyang pananatili sa palasyo magagawa ba niyang pigilan ang kanyang emosyon? Paano niya ipapaliwanag ang biglaang pagtibok ng kanyang puso sa tuwing nasa paligid niya ang prinsipe? Handa ba siyang ipagsapalaran ang kanyang buhay para sa lalaking ito?
like