bc

Obsessed With His Secretary

book_age18+
836
FOLLOW
10.0K
READ
dark
HE
boss
bxg
office/work place
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Ang bagong secretary ni Jarix ang nagbibigay ng lakas sa kanya para pumasok sa opisina araw-araw. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong nararamdaman niya para sa secretary niyang si Sunny, pag-ibig ba o tawag ng init ng katawan ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ito, pero ang lahat ng ginagawa niya para mapansin lang ng sekretarya niya ay balewala, dahil ba meron itong sekreto na ayaw nitong malaman niya o sadyang wala siyang dating para kay Sunny?

Jarix and Sunny story.

chap-preview
Free preview
01 Unang Pagkikita
Sunny Konti na lang ay maiipitan na siya ng ugat sa batok niya kakatingin sa taas ng building na nasa harap niya ngayon. Dito niya balak mag-apply ng trabaho, dahil sa lahat ng pinuntahan niyang building ay hindi siya natanggap o wala man lang tawag sa telepono ang mga 'yon, sana dito sa building na 'to ay maging suwerte siya. Nagbuga siya ng hangin bago pumasok sa loob ng building. Ang ganda rin ng loob mas maganda ito kaysa sa ibang pinasukan niyang kumpanya. Malinis, walang pakalat-kalat na empleyado pag sa oras ng trabaho ng mga ito. Huminto siya sa tapat ng isang babae. "Hi. Aplikante po para sa secretary." Kumunot ang noo ng babae. "Ang aga mo naman ata? Pero sige maghintay ka lang muna diyan, ikaw na ang unang sasalang pag dating ni sir." "Okay thank you." Naupo siya sa isang gilid habang wala pa ang may-ari ng kumpanya. Maaga talaga siya ngayon dahil gusto niya siya ang mauna sa lahat ng aplikante, para hindi siya inaabot ng gabi sa daan dahil lagi siyang huli sa isasalang sa interview, hindi naman siya natatanggap. Kinuha na lang niya ang phone niya at naglaro doon, mukhang matagal pa ang may-ari ng kumpanya na 'to kaya maglalaro muna siya. Naglalaro siguro siya ng mga isang oras na, nang may tumawag sa kanya na boses babae. "Miss, nandito na si sir, pasok ka na sa loob ng opisina niya." Agad naman niyang tinago ang cellphone niya at inayos ang sarili. Tiningnan niya rin kung nay muta siya sa mata bago sumama sa babae sa loob ng opisina ng boss nito Pagpasok nila sa loob ay nakaupo lang ito at nakaharap sa pader ng opisina nito. "Goodmorning sir, nandito na po ang isang aplikante para sa papalit bilang secretary." "Okay." Tumingin sa kanya ang babae bago lumabas, siya naman ay hinintay lang na humarap nag lalaki sa kanya, pero ng humarap ito ay parang nakakita siya ng angel sa katauhan ng isang lalaki. "Ano pang hinihintay mo diyan? Maupo ka na rito ng maumpisahan na rin ang interview." Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa. Binabawi niya na pala ang sinabi niyang anghel ito, naging evil e. Umupo siya at nilagay ang dala niyang envelope sa ibabaw ng table nito. "May experience ka na ba bilang secretary?" tanong nito kaagad. Tinulak niya ang envelope palapit sa lalaki. "Basahin mo po ito para malaman mo kung meron. Kaya po may pinadalang ganito dahil babasahin mo para malaman kung qualified po ang isang tao na maging secretary mo." Ngumiti siya, at tama naman ang sinasabi niya basahin muna nito iyon bago mag-follow-up question. Sumandal siya sa upuan habang hinihintay itong matapos sa pagbabasa ng details niya na nasa isang folder, habang ang mata niya ay nasa labas ng building nakatingin. "You are hired." Para siyang naging bato sa upuan niya sa sinabi ng lalaki. Lumingon siya dito at nakitang nakababa na ang folder habang nakahalukipkip ang braso at nakatitig sa kanya. Nakipagtitigan rin siya ng ilang minuto pa bago magsalita. "Nabingi ata ako. Ano pong sinabi mo?" Tumaas ang dalawang kilay nito sa kanya. "Nag-aaply ka tapos kung saan-saan ka nakatingin, ngayon naman hindi mo pa narinig ang sinabi ko? Mukhang hindi ka magiging mabuting employee sa kumpanya ko." Naalerto naman siya at ngumiti ng malaki na abot na hanggang tenga niya. "Sir, hindi ka naman mabiro, yes narinig ko po na tanggap na ako." "Bakit tinatanong mo pa?" Ang sungit naman ng lalaki na 'to. Dapat nga mabait siya sa employee niya e. "Pinaulit ko lang sir dahil baka nagkamali ka lang." "Pag-uwi mo maglinis ka ng tenga ha. Ayoko ng tanga sa trabaho." Napaismid siya habang nakatakip na ang envelope sa bibig niya. Grabe naman kung maka-tanga sa salita ng lalaki na 'to. "Excuse me, baka kung ano-ano na ang sinasabi mo diyan sa likod ng envelope na 'yan." Binaba naman niya iyon at patay malisayang nilagay sa ibabaw ng table iyon. "Hindi mo ba ako sir, tatanungin ng ibang katanungan katulad ng ibang kumpanya?" Sumandal ito sa upuan at tumitig sa kanya. "Ano ba ang tanong nila?' "Bakit kailangan ka naming tanggapin sa kumpanya?" Napataas naman ang kilay nito. "Sige nga sagutin mo, ang tanong na 'yan." Tumikom ang bibig niya dahil sa tanong na 'yon siya nahihirapan. Kung bakit naman kasi naimbento pa ang ganung tanong sa lahat ng aaplayan niya e, iba't-ibang kumpanya naman ang mga 'yon. "Huwag na pala sir, kuntento na ako na tanggap ako kahit hindi mo ako na interview." "As long as kung ano ang natapos mo at may connect naman sa trabahong inaplayan mo ay okay ako doon. Hindi mo naman siguro kukuhanin ang kurso na 'yon kung ayaw mo 'di ba?" "Ito po talaga ang gusto ko." "Good, kaya bukas na bukas din ay magsimula ka ng magtrabao dito." Napakamot siya sa ulo. "Sir wala bang palugit kahit dalawang araw lang bago ako magsimula?" Tamad siya nitong tiningnan. "Ikaw ba ang boss dito o ako?" "Kayo sir." "Kung ganun, sumunod ka sa sinabi ko." "Okay, sir." "Puwede ka ng umalis at bumalik na lang bukas." Kinuha niya ang folder niya at pinasok iyon sa loob ng envelope, bago tumayo. "Labas na ako sir." Tumango naman ito, pero hanggang sa masara niya ang pinto ng opisina ay nakasunod ito ng tingin. Kitang-kita niya 'yon dahil habang sinasarado niya ang pinto ay nakaharap siya. Kunwari na lang na hindi niya nakita ang pasimpleng tingin nito sa kanya. Nang nakalabas siya ng building ay pumunta siya sa malapit na karinderya. Masaya siya ngayon dahil sa wakas sa loob ng ilang buwan ay may trabaho na siya, kakain talaga siya ng marami ngayon. Habang sumusubo siya ng pagkain ay napansin niya ang boss niya na padaan sakay ng kotse nito. Alis agad pagkatapos ng interview, kakapasok lang nito sa kumpanya tapos aaalis kaagad. Pinagpatuloy na lang niya ang pagkain bago umuwi. Ilang saglit pa ay nasa harap na siya ng bahay niya, pero mukhang meron siyang bisita na ayaw niyang makita. Hindi niya alam kung paano nito nabubuksan ang pinto niya, ilang beses na siyang bumuli ng kadena at lock pero laging sira sa tuwing uuwi siya. Pagbukas pa lang ng pinto ng bahay niya ay mga kalat na plastic at bote ng alak ang nakita niya. Inis niya itong pinagpupulot at nilagay sa basurahan saka pumasok sa kwarto at nakitang nakahilata ito sa higaan niya. "Tumayo ka diyan, Apollo!!" Pinagtatampal niya ang binti nito hanggang sa magising ito na mainit ang ulo. "Ano bang ginagawa mo, Sunny?! Nakita mong natutulog ako, huwag kang istorbo!" "Wala akong pakialam kung mahimbing kang natutulog diyan, umalis ka na dito!" Inis itong umalis sa pagkakahiga at inabot ang braso niya. Hinawakan ni Apollo iyon ng mahigpit. "Huwag mo akong pinagtataasan ng boses ha, Sunny!" "May karapatan ako dahil bahay ko 'to!" Ngumisi naman ito habang patindi ng patindi ang pagdiin nito sa braso niya. "Bitawan mo ako!" Isang sampal ang natamo niya mula dito sa malapad nitong kamay, sobrang sakit no'n at pakiramdam niya ay dumugo pa ang gilid ng labi niya. "Huwag ka saking magmamalaki, Sunny dahil kaya kitang patayin ngayon kung gugustuhin ko!" Nanlilisik naman niya itong tiningnan. "Sige gawin mo ng mawala na ang tinik sa buhay ko, at ikaw 'yon, Apollo!" Ngumisi na naman ito at halos maputol na ang braso niya sa pagkakahawak nito sa braso niya. "Hindi pa ngayon Sunny, napakikinabangan ko pa 'yang katawan mo kaya huwag mo munang hilingin iyon sa akin." Tinulak siya nito kaya nasubsob siya sa higaan niya, bago ito umalis sa kwarto at sa bahay niya. Sinubsob niya ang mukha niya sa kumot at doon umiyak. Kasintahan niya noon si Apollo, pero nang nalaman niyang gumagamit ito ng pinagbabawal na gamot at naging lasinggero ay sinubukan niyang makipaghiwalay, pero ayaw nito. Okay naman si Apollo noon, pero nang natuto itong lumabag sa batas ay nawala na ang pagmamahal na naramdaman niya noong una niya itong naging kasintahan. Nang unang beses niyang sinabing makikipaghiwalay na siya, pinagbantaan nito ang buhay niya at ang magulang niya na nasa malayo nakatira. Kaya hindi siya makatakas dito kahit saan pa siya magpunta ay alam nito. Ang bahay kung saan siya nakatira ngayon ay pang tatlong bahay na nilipatan niya, pero lagi pa rin siyang natatagpuan nito, at ginagawa nitong laruan tuwing gusto nitong makipagtalik. Kahit ayaw niya ay bugbog ang nakukuha niya sa katawan kaya lagi itong panalo sa kanilang dalawa. Bugbog na ang katawan niya kaya maging ang buong pagkatao niya ay sirang-sira na dahil hindi siya makawala dito. Malakas siya sa panlabas na anyo, pero sa likod noon, ang buhay niya ay hindi maganda at hindi matatawag na buo dahil pilit sinisira iyon ni Apollo. Hiniling niya na sana hindi na niya ito nakilala at binigyan ng pagmamahal na mababasura lang dahil nagbago ito. Puwede bang may isang tao na sumagip sa kanya sa palubog na niyang pag-asa na makakatakas pa siya kay Apollo? Sana kung meron man, ngayon niya na kailangan ng tulong dahil pagod na pagod na siya. Lumalaban na lang siya dahil meron pa siyang maiiwan na alam niyang totoong nagmamahal sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook