bc

Unserious Wife Of James William

book_age18+
475
FOLLOW
3.2K
READ
forbidden
HE
opposites attract
arranged marriage
arrogant
boss
bxg
lighthearted
city
like
intro-logo
Blurb

Dalawang taong nagtago si Sophia kay James pagkatapos ng kasal nila ilang buwan lang ang nakakalipas, pero ngayon ay natagpuan na siya sa tulong ng mga agents. Arrange marriage lang naman ang nangyari, kaya sila nakasal ng mabilisan.

Nalaman niya na may anak sa iba ang asawa niya kaya pilit niyang pinapapirmahan ang divorce papers, pero ayaw talaga nito. Ang bawat araw na lumilipas ay walang naging seryosong usapan sa pagitan ni James at Sophia.

Sa taglay na kagandahan ni Sophia ay hindi aakalain na masakit itong magsalita. Puwedeng mapasaya niya ang ibang tao sa salita niya, pero puwede ring paluhain ka ng matatalim niyang salita. Ang iba ay ayaw makita ang side ni Sophia na makakapagpaiyak ng tao dahil once na lumabas 'yon. Hindi lang puso ang mamamatay sa sobrang sakit maging ang buong pagkatao kung sino man ang susubok no'n.

Sikreto lang ang pagiging agent niya at hindi alam ng pamilya niya at asawa niyang si James, pero mukhang nagkamali siya na iyon ang pinili na trabaho, dahil darating pala ang araw na ang asawa niya ang kailangan niyang iligtas.

Sophia and James Story.

chap-preview
Free preview
1 - Ang Muling Pagkikita Ng Mag-asawa
SOPHIA A.K.A RAPUNZEL Sa daan na tinatahak ng kotse ay malubak at ang tao sa loob ay nawawala na sa puwesto dahil tumatalon-talon sila habang naka-upo. Doon nagising si Sophia habang hawak ng dalawang lalaki. Napapangiwi siya ng dinilat niya ang mata niya dahil sa gamot na tinurok sa kanya. Alam niyang pampatulog 'yon, pero ang lakas naman. Lumingon siya sa dalawang lalaki na nakahawak sa braso niya. "Puwede bang bitawan niyo akong dalawa? Hindi tayo close para hawakaan niyo ko." Masungit niyang saad. "Manahimik ka muna. Dapat ay tulog ka pa e." Sabi naman ng isa sa kanan niya. "Hindi kasi ako tao." "Anong connect no'n?" "Boplaks naman nito. Malamang may kapangyarihan akong taglay para magising agad!" Napailing naman ito. "Mahilig ka bang magbasa ng libro? Sa libro lang meron no'n." Ngumiti siya at may naisip. "Paano kung itulak kita paalis ng kotse na 'to, at ang masusulat sa libro ay tanga ka na nahulog sa kotse, pero ang totoo may tumulak sayo!" "Hindi ka naman manunulat." "Aba't handa akong mag-apply bilang manunulat, masulat lang kita sa libro!" "Ano naman ang title?" Kumunot ang noo niya dahil mukhang interesado pa. "Nakalimutang i-lock ang pinto." Ngumuso ito at tila nag-isip. "Ang panget, ibahin mo naman." Nagpumiglas siya pero ang lalaki kasi ng katawan ng dalawa sa tabi niya, para tuloy siyang palaman sa tinapay na kulang na lang hindi makita. "Stupid!" Napangiti ito at tumango-tango. "'Yan maganda. Iyon na lang." Umuusok na ang ilong niya dahil napipilosopo siya nito. "Puwede bang bitawan niyo muna ko. Yung pawis niyo nasa akin na. Hindi naman ako makakawala dahil pitpit na pitpit na ako dito." "Hindi puwede." "Sige na... ang init." Habang umiikot ang katawan niya para lang mabitawan ng mga ito. "Kilala ka namin. Marunong kang manlansi ng tao." "Pag ako talaga nakawala sa braso niyo na daig pa yung monay sa bakery sa sobrang laki! Makikita niyo talaga!" "Ang alin?" "Yung lapida na may naka-ukit ng pangalan mo!" Pumaling ang ulo nito. "Alam mo ba ang pangalan ko?" "Jerome Lizardo." Seryoso niyang sambit. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya, at napangisi siya do'n. Pero bigla ring humigpit ulit kaya napatingin muli siya sa lalaki. "Hayaan mo na, alam mo lang ang pangalan ko hindi mo alam ang birthday ko." Hindi siya makapaniwalang tumitig sa lalaking 'to. "Pag ako nakabalik. Ikaw ang una kong hahanapin." "Sige ma'am. Hahanapin din kita pag hindi mo ako mahanap." Inis na dumiretso siya ng upo at tumingin na lang sa harap. Nakarinig naman siya ng tawa mula sa harap ng kotse. "Nakakatawa 'yon ha, Legaspi?!" Huminto naman ito at hindi na nagsalita pa. Huminto sila sa isang bahay na hindi pamilyar sa kanya. Pero ang mga lintik maging sa pagbaba ng kotse ay hindi talaga siya binitawan ng mga ito. Ngayon habang naglalakad ang dalawa habang buhat siya sa magkabilang braso, hindi niya maabot ang lupa, kaya nakabitin siya ngayon. Pumasok sila sa loob ng bahay na parang hunted house sa dilim. Kulay puti naman ang pintura, pero parang multo ang nakatira. Sa isang mdilim na parte ng sala ay may naka-upo na bulto ng tao, at doon siya hinarap ng mga ito. "Welcome home... my wife." Nanlambot siya sa boses na 'yon dahil kilalang-kilala niya kung sino ang may-ari. Halos dumulas na ang braso niya sa mga hawak ng dalawa dahil sa tinawag nito sa kanya. "It's been two years. Finally, you're here." Umirap siya. "Hindi kita kilala mister. Nagkamali ka ng kinuha dahil wala naman akong asawa." "Don't start, Sophia." "FYI, ang pangalan ko ay Rapunzel, hindi Sophia." Napahilot ito sa noo. Nakita niya kahit madilim. "Look at yourself. Bakit ganyan ag itsura mo?" "First, hindi ko matitingnan ang sarili ko dahil wala namang salamin, pangalawa wala kang pake!" "Kaya pala hindi kita mahanap agad dahil nag-iba talaga ang itsura mo. What that something in your skin?" "Nagpa-tan ako." "No. Hindi ganyan ang balat mo kahit magbilad ka pa sa araw." Alam na alam talaga pati kulay ng balat niya, stalker talaga siguro noon pa man. "Hindi na ba puwedeng magbago?" "No." Napaismid na lang siya dahil nangangawit na siya sa lagay niya na parang damit na nakasampay at hihintayin na lang na matuyo. "Baka puwede na akong bumaba? Ang sakit na ng braso ko, maawa naman kayo kahit konti." Sumenyas ang isang lalaki na nasa gilid kaya binaba siya, pero sa hindi mahinahon, bagsak kung bagsak. Ang sakit tuloy ng balakang niya. Habang nakahawak sa balakang ay masama niyang tiningnan ang dalawa. "Salamat ha!" "Both of you why did you do that to my wife!" May galit na tanong nito. Lalapit na sana sa kanya si James nang tinaas niya ang kamay niya. "Diyan ka lang." "But..." "Kaya kong tumayo." Gamit ang dalawang kamay ay sinubukan niyang tumayo, pero dahil na rin siguro sa pampatulog na tinurok sa kanya kaya medyo nanghihina pa siya dahil mabilis siyang nagising, kaya bumalik lang siya sa sahig. Dalawang kamay ang umalalay sa kanya ngayon, at nang tumingala siya ay si James pala ang may-ari ng kamay habang ang mukha nito ay may bahid ng pag-aalala. "Both of you pay for what you did to my wife!" Mabagsik ang mata nito na tumitig sa dalawang lalaki. "Pasensya na sir, hindi po namin sinasadya." "No. Sinadya niyo talaga!" Yumakap siya kay James, kaya natigilan ito. "Paalisin mo na sila dito." Sumunod naman ito at pinaalis na ang mga ito sa loob ng bahay. Si Sophia naman ay lumayo na kay James. "Saan ang kwarto ko?" Nagsalubong ang kilay nito habang nakatitig sa mganda niyang mukha. "Sa kwarto ko. Kwarto nating dalawa 'yon." Tumalikod siya dito at maglalakad na sana, pero may pumitik sa balakang niya kaya muntik na siyang mabuwal. Isusumpa niya talaga yung lalaki na 'yon pag nagkita sila ulit gaganti siya. Akala nito hindi niya napansin na ito lang ang bumitaw ng malakas, ang kasama nito ay dahan-dahan lang, kaya kahit na mabait yung isa kung buwisit naman yung kabila, magiging masama rin ang resulta. "Are you okay?" "Nakita mo na nahihirapan akong maglakad. Tatanungin mo pa ako kung okay lang? Paano kung mamatay ka sa harap ko. Itanong ko rin kaya kung patay ka na, sasagot ka ba ng oo. Syempre hindi!!" "Ang init ng ulo mo." Mahinahon nitong saad. "Kasi nakita na naman kita, kumukulo ang dugo ko sayo." "Why? I'm just trying to be your husband." "Kahit hindi na... " Napahinto siya. "Saang lupalop mo nakita ang mga 'yon?" "Yung mga agent?" "Ay hindi yung mga gangster!" Umiwas lang ito ng tingin pero naka-alalay pa rin sa kanya. "I don't know, may nag-recommend lang sa akin, kaya kinuha ko na nag serbisyo nila. Hindi naman ako nabigo dahil nahanap ka nila kaagad kahit two years ka ng nawawala." "Sino naman?" "Hindi ko rin kilala." Sinabunutan tuloy niya ang buhok nito. "Ang tanga-tanga mo naman! Naturingan kang Ceo, bakit hindi mo alam kung sino?!" Hinawakan nito ang kamay niya na sumasabunot sa buhok nito habang ang mga noo ay nakakunot. Sigurado siya sisinghalan siya nito dahil masakit, pero nagulat siya ng binuhat siya nito at naglakad. Pumasok sila sa isang kwarto habang nakatulala pa rin siya sa mukha ni James. Binaba siya nito sa kama. "I'm handsome, I know." Napabalik na lang siya sa kasalukuyan sa sinabi nito. "Asa ka pa." Hindi siya nito pinansin at tumitig lang sa balat niya. "Hindi ba nakakasira ng balat 'yang nakalagay diyan?" Napatingin siya sa braso at hita niya. Actually maging ang mukha niya ay meron. Cream ang ginamit niya para maging morena, pag natuyo ang cream na 'yon ay kahit hawakan ng ibang tao ay hindi humahawa ang kulay sa mga balat nila. "Hindi." Sagot niya. "Maligo ka na at tanggalin ang kung ano man 'yan. " Napatingin ito sa buhok niya. "Humaba na rin pala ang buhok mo." "Oo, bakit inggit?" pagtataray niya dito. "Malaki rin ang pinagbago mo." Natahimik siya at hindi na nagsalita pa. Bumuntong-hininha ito at rinig niya 'yon. "Alam mo bang nag-aalala na ng husto ang ama mo?" "Hindi." "Tsk. Hayaan mo muna akong magsalita." Inirapan niya ito at humalukipkip. "Nagkakasakit na siya dahil tumutulong siyang maghanap sayo. Nag-hire rin siya ng mga tao na maghahanap sayo, pero umabot ng two years ay walang nagtagumpay dahil ang hirap mong mahanap, Sophia." Namimiss na rin naman niya ang daddy niya sa dalawang taon na lumipas. Pero pinandigan niya ang taas ng pride niya, kaya gumawa siya ng paraan para hindi siya matagpuan ng sino man. "Minsan ay nakatulala lang ito pag tahimik ang isang lugar na pinupuntahan namin. Alam kong ikaw ang iniisip niya dahil ikaw na lang ang natitira sa pamilya niya." Napanguso siya habang kinakagat ang loob ng pisngi niya dahil sa pinipigilang pangingilid ng luha. "Sana naman naisip mo siya bago ka lumayo at iwan ako pagkatapos ng ilang buwan ng ikasal tayo. Alam mong matanda na siya, at malulungkutin na rin." Pinalis niya ang luha na dumaloy sa paisngi niya. Traydor masyado kahit pigilan niya ay kusang pumatak. "Naisip ko rin naman 'yan nung umalis ako." Sagot niya. "But, you didn't come back. Kung hindi ka pa mahanap sigurado ako na hindi ka babalik umabot man ang ilang taon." "I have my reason!" "Okay lang na ipagtabuyan mo ako ng paulit-ulit dahil wala naman talagang namamagitan na pag-ibig sa ating dalawa, pero sana naman isipin mo ang dady mo kung bakit ka niya pinakasal sa akin." "For what? Dahil hindi ako nagseseryoso sa lahat ng bagay? Lahat na lang ay biro sa akin! Umaasa lang ako sa dady ko ganun ba?!" Hilam na sa luha ang mga mata niya sa hinanakit, dahil iyon naman talaga ang dahilan kung bakit may asawa na siya ngayon. Si dady ang may pakana ng lahat dahil gusto nito na matuto siya sa buhay, paghirapan rin ang pera na gagastusin niya sa mga gusto niya. Takot ang dady niya na hindi siya makapag-asawa. "Mag-fi-file ako ng divorce paper." "What?!" Tila nagulat ito sa sinabi niya. "Tapusin na natin 'tong palabas na 'to dahil kinasal lang naman talaga tayo sa dahilan na 'yon, kaya kung gusto mo pirmahan mo ang divorce paper na ibibigay ko. Ako na ang mag-aasikaso ng lahat." Ngumisi ito. "Sorry, pero hindi ko pipirmahan ang divorce papers mo." Nanlalaki ang mata niyang tumingin sa mukha nito. "Anong gusto mo? Magsama tayo ng matagal na puro ganito?" "Ang alin?" "Walang love, malamang!" "Meron namang ganun." "Oo alam ko, pero baka may gusto ka pero hindi mo magawa dahil ako ang asawa mo." "Ano?" "Sex." Mabilis itong tumingin sa kanya, pero tinaasan lang niya ito ng dalawang kilay. "Your mouth, Sophia." "Bakit nagsasabi lang naman ako ng totoo? Lalaki ka naghahanp din ng ganun." "Stop." "Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakaka-experience ng ganun, kaya hindi ka naghahanap." Mula sa gilid ng mata nito ay tiningnan siya at biglang lumapit. "Puwede naman. Willing ka ba?" Halos lumubog siya sa unan para lang makalayo rito. "Lumayo ka nga. Ang lapit!" Nag-smirk ito at lumayo na sa kanya. "Akala ko ay gusto mo, kaya puwede naman kitang pagbigyan." Inis siyang nagkumot at humiga. "Huwag na, bahala ka sa buhay mo na maging tigang habang kasama mo ako sa iisang bubong." "Just call me, kung ready ka na." Nanlilisik ang mata niya na nakatingin kay James, kung puwede lang na sa isang titig lang ay masunog na ito at maging abo ay ayos lang sa kanya. "Lumabas ka nga muna ng kwarto na 'to at naaalibadbaran ako sayo." "Buntis ka na?" "Anong buntis?" "Advance na ang paglilihi mo kahit wala pa namang nangyayari." Sumeryoso siya, pero hindi siya tuningin kay James. "Meron ka na no'n, kaya hindi mo na kailangan pa no'n mula sa akin." Nawala ang maaaliwas na awra sa mukha ni James. Napalitan na ng kaseryosohan ngayon. "Lalabas muna ako ng kwarto. Tatawagin na lang kita pag kailangan ng kumain." Lumakad ito palabas at malakas na sinara ang pinto, kaya napatakip siya sa tenga niya. "Bastos talaga. Hindi man lang nagdahan-dahan." Tumitig muna siya sa kisame bago naisipang matulog dahil ang mata niya ay mahapdi na ngayon. Inaantok pa siya at kailangan niyang itulog 'yon para hindi siya mahilo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook