1 - Mission Failed
Althea
Nakangisi siya habang humahanap ng bagong target niya ngayong gabi. Masyadong matagal ang huli niyang punta sa bar na 'to, kaya kailangan niyang makakuha ng bagong target na paglalaruan ng kanyang mga kamay.
Kanina pa siya may nakikitang lalaki na nakatingin na din sa kanya, humanap pa siya ng mas gwapo, pero sadyang yung lalaki lang na 'yon ang natitipuhan ng mata niya ngayon, kaya lumakad siya papunta sa lalaki na nakaupo sa bandang gilid ng bar na walang masyadong ilaw na sumisilaw sa parte na 'yon.
Bago siya makalapit ay nakangiti na ito sa kanya.
Tsk...tsk.. huli ka boy. Humanda ka sa akin mamaya.
"Hi. May kasama ka?" tanong niya.
"Wala."
"Puwedeng umupo?" Tinuro niya ang puwesto sa tabi ng lalaki.
Ngumiti naman ito. "Sure."
Nang nakaupo siya ay pinanuod muna niya ang mga taong nagsasayaw sa gitna ng maliit na stage, habang sumasabay ang ulo niya sa beat ng music.
"Excuse me."
Lihim siyang napangiti. Mag-uumpisa na itong kilalanin siya.
Lumingon siya sa lalaki at ngumiti. "Yes?"
"What's your name?"
"Franz, and you?"
"Ivan."
Hindi siya nagbibigay ng totoong impormasyon niya sa mga lalaking na-eencounter niya, madalas pekeng pangalan at address ang binibigay niya maging ang phone number. Para hindi siya mahanap ng mga ito dahil sa ginagawa niya sa tuwing nasa rurok na ng kaligayan ang mga ito gamit lang ang kanyang kamay.
"You want some alcoholic drinks?" tanong nito.
"Yeah sure."
Tinaas nito ang kamay para tumawag ng waiter. Nakatingin lang siya sa stage, pero lihim na napangisi ng marinig niya kung anong klaseng alak ang inorder ng lalaki. Masyadong matapang para sa kanya, sabagay kahit siguro sip lang ng konti. Hindi siya iinom ng sobra dahil baka makupot siya nito ng wala sa oras.
Dumating ang order ng lalaki. Nilapag naman nito ang maliit na baso sa tapat niya, pero lumapit na ito sa kanya, kaya magkatabi na sila ngayon habang magkadikit na ang braso nilang dalawa.
Kinuha niya ang baso at uminom ng konti, pero mas mapait pa sa ampalaya ang lasa. Hindi ata sanay ang lalaki na 'to na mamili man lang ng ladies drinks.
Habang nag-eenjoy siya sa music ay may gumagapang na kamay sa hita niya at pinipisil iyon. Tumingin siya sa lalaki, pero nang-aakit na ang itsura nito. Oras na para lumabas ng bar.
Lumapit siya sa tenga nito. "Gusto mo ba sa mas tahimik na lugar?"
Ngumisi naman ito. "Sa bahay ko, tahimik." Alanganin siyang sumagot dahil sa teritoryo siya ng lalaki mapupunta. "Sa tingin ko ayaw mo sa bahay. Sa hotel?"
Ngumiti naman siya. "Mas better, baka malayo pa ang bahay mo, may mas malapit na hotel dito doon na lang tayo."
"Okay."
Tumayo silang dalawa. Nilagok muna nito ang alak bago nilapag ang pera sa ibabaw ng table.
Nakahawak na ito sa bewang niya ngayon habang lumalakad sila papunta sa kotse ng lalaki. Binuksan nito ang passenger seat.
"Excuse me."
Napakunot ang noo niya sa nagsalita, hindi naman ang lalaking kasama niya dahil katabi niya ito, pero ang boses kasi ay malapit sa kanila.
Lumingon siya sa kaliwa. Nakita niya ang isang lalaki na naka-jacket na itim, pants, at rubber shoes habang ang mukha ay seryoso lang.
"Yes."
"Sumama ka sa akin."
Nagsalubong naman ang kilay niya, hindi porke't mas gwapo ito sa kasama niya e sasama na siya kaagad. Nauna itong lalaki na nakilala niya sa bar, sa susunod na lang siguro ito.
"Sorry may kasama ako."
Pumaling ang ulo nito habang nakatingin sa katabi niya.
"Kilala mo ba siya?" tanong ng lalaking kasama niya.
"Hindi. Tara na, hayaan mo na lang kang siya."
"Okay."
Sasakay na sana siya sa kotse nang hinila siya nung lalaki na naka-jacket. Tumingin ito sa lalaking kasama niya.
"Humanap ka na lang ng ibang babae mister. Kailangan na niyang umuwi."
Galit naman siyang tumingin sa lalaking may hawak sa kanya, pero grabe ang mukha parang hindi totoo.
"Sino ka ba at nangingialam ka?! Kung gusto mo ko, bukas ka na lang balik ka dito!"
Yumuko ito at tiningnan siya, mas gwapo lalo. "Hindi kita gusto, at hindi mangyayari 'yon." Muli itong humarap sa kasama niya. "Puwede ka ng umalis."
"Ako ang kasama niya kaya sa akin siya dapat sumama!"
"Hindi na nga siya sasama sayo dahil kailangan na niyang umuwi."
"Kaano-ano mo ba 'to miss?" tanong sa kanya.
"Hindi ko siya kilala."
"Hindi naman pala, pero kung makasabi na kailangan mo ng umuwi parang kuya mo siya."
"Ayaw mo talagang umalis?" tanong ng lalaki sa tabi niya.
"Hangga't hindi ko kasama 'yang babae, hindi ako aalis!"
"I need back up." Biglang sabi ng lalaki sa tabi niya. Sino naman ang kausap nito?
Biglang may dalawang lalaki na tumayo sa likod ng lalaking kasama niya, pero nagtaka siya ng pinagpawisan ang lalaki habang nakatingin sa kanila ng katabi niyang lalaki na naka-jacket.
"Anong problema?" na tanong tuloy niya.
"Kailangan... ko ng umalis. Sa susunod na lang kita dadalhin sa hhotel!" Nagmamadali nitong sinarado ang pinto ng passenger seat, saka patakbong pumunta ng driver side at sumakay. May naiwan pang sobrang kapal na usok sa kanila ng umalis ang sasakyan nito.
Naubo tuloy siya sa nalanghap niya. Tiningnan din niya ang dalawang lalaki, simple lang din naman ang suot at wala namang hawak sa kamay. Bakit natakot 'yon at nagmamadaling umalis?
"Salamat. Bumalik na kayo."
Hindi mga nagsalita ang dalawang lalaki, naglakad lang ang mga ito palayo sa kanila.
Samantala, hinawakan naman ng lalaki ang braso niya at pilit na pinasasakay sa kotse nito.
"Ayoko kong sumama sayo! Pakawalan mo nga ako!" Nagpupumiglas siya, kaya hindi siya matuloy-tuloy pumasok ng sasakyan.
"Pumasok ka na lang sa loob, nang hindi na tayo mauwi sa dahas."
"Anong dahas? Susuntukin mo ako?!" Galit ang mata niyang tumitig sa gwapo nitong mukha. Nakuha pa niyang mag-appreciate ng kagwapuhan, samantalang sinasakay siya nito sa kotse ng hindi naman niya kilala.
"If you know, Don Vistre Gonzales, pumasok ka sa loob ng sasakyan. Kung hindi mo kilala, puwede ka ng tumakbo palayo."
Nagsalubong ang kilay niya. Bakit alam nito ang panglan at apelyido ng daddy niya? May kinalaman kaya ang daddy niya sa pagpapauwi ng lalaki na 'to?
"Inutusan ka ba niyang pauwiin ako?"
"Yes."
"Puwes hindi ako sasama! Hayaan mo siyang maghintay sa akin."
Tumitig ito sa mata niya. "Pumasok ka na sa loob. Huwag mo akong pahirapan dahil ayoko no'n."
"Puwede mo naman sabihin na hindi mo ako nakita. Please, huwag mo lang akong iuuwi!"
Sesermunan lang naman siya ng daddy niya pag-umuwi siya, kaya nga siya bumukod ng bahay para hindi ito mangialam sa ginagawa niya, pero sadyang matalino ito at nalalaman pa rin kung nasaan siya.
"Why?"
"Pagagalitan lang ako ng daddy ko, kaya huwag mo na akong iuwi sa bahay niya. Meron akong sariling bahay kaya doon ako uuwi."
"Spoiled brat, I think."
"Anong sabi mo? Hindi ako spoiled brat!!"
"Anong tawag sa ginagawa mo na hinahayaan ka ng daddy mo?"
Hindi siya nakapagsalita. Lahat ng gusto niya nakukuha niya, pero bakit nangingialam ito ngayon sa ginagawa niya na dati ay hindi naman.
"Sumakay ka na, baka gusto mo rin mangyari sayo ang nangyari kanina sa kasama mo?"
"Ano bang ginagawa nila sa lalaki na 'yon at natakot?!"
Ngumisi ito saka inangat ang jacket nito, sumilip ang baril nito na nakasuksok sa tagliran. Kabado naman siyang muling tumingin sa mukha nito.
"Kaya sumunod ka, kung hindi tatapusin ko ang kasiyahan mo gabi-gabi."
Tumingin siya ng pasimple sa gilid niya, kung tatakbo siya makakalayo kaya siya? Madaming tao, pero baka makasingit siya doon at maiwala ang lalaking 'to. Gumalaw ang paa niya.
"Meron nga pala akong hindi nasabi."
"Ano?" nagtataka niyang tanong.
"Nakikita mo ba ang mga naka-jacket na lalaki sa paligid?" Tumango naman siya. "Kasama ko sila, kaya baka bigla ka na lang tumakbo na kala mo makakatakas ka akin." Tumaas ang dalawang kilay nito at humalukipkip.
Karma agad, wala pa nga siyang ginagawa. Inis siyang pumasok sa loob ng kotse at pabagsak na sinarado ang pinto. Kung sakali man na masira bayaran ng daddy niya, tutal ito naman ang nag-utos sa lalaki na 'to na kasasaky lang ng kotse kung bakit siya naiinis ngayon.
"Wear your seatbelt."
Hindi siya natinag. Nakataas pa ang kilay niya nakatingin sa harap ng kotse.
"You don't want? Okay."
Nang umandar ang kotse ay biglang sumemplang ang katawan niya sa harap at bumagsak sa patungan ng paa. Hindi pa man niya naayos ang sarili umabante ulit ito kaya tumama ang ulo niya sa matigas na parte na harap ng kotse.
"Ano ba?!"
Kunwaring nagulat ito. "Hindi ko napansin na nalaglag ka na pala. Umayos ka na ng upo."
Pero sadyang iniinis siya nito, pinaandar ulit ang kotse at tuloy-tuloy ng lumakad ng hindi man lang siya nakaka-upo ng maayos. Hindi man lang sa kanya naawa ang lalaki na 'to.
Sa inis niya hindi na siya umayos ng upo, doon na lang siya habang nakasalampak, tutal naman malalaglag din naman ulit siya pag naisipan nitong pagtripan siya, pero ang sakit ng noo niya na malapit sa kilay. Feeling niya pumutok ang bungo niya sa lakas no'n.