Althea
Sobrang tagal namang magmaneho ng lalaki na 'to. Hindi naman malayo ang bahay ng daddy niya sa bar na pinupuntahan niya, pero ang sarili niyang bahay malayo.
Sumilip siya siya sa labas at nakitang bahagyang ma-traffic, kaya pala ang tagal ng biyahe nila ng lalaki. Muli na naman siyang napadausdos sa harap ng kotse.
"Magdahan-dahan ka nga!!" sigaw niya.
"May upuan diyan sa tabi mo, umayos ka kasi ng hindi ka nasusubsob kung saan-saan."
"Huwag na, dahil sasadyain mo na namang i-preno ang kotse tapos babagsak na naman ako!"
"Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan."
Sinipa niya ang ilalim ng harap ng kotse ng lalaki dahil sa inis, hanggang sa huminto na sila sa tapat ng bahay ng kanyang dady. Ayoko sanang umuwi muna sa bahay ng dady niya dahil naka-schedule na sana 'yon sa isang linggo para bumisita, pero ano itong ginawa ng daddy niya? Pinakuha siya sa lalaking walang ingat na driver ng kotse na 'to.
"Excuse me miss. Alam mo naman siguro ang bahay ng tatay mo? Narito na tayo sa tapat ng bahay niya, kaya lumabas ka na ng kotse." Wala siya sa mood na lumakad palayo sa kotse ng lalake, tumayo lang siya sa tabi no'n. "Move."
Masama niya itong tiningnan, pero hindi talaga siya lumakad.
"I said move!"
"Hindi ako papasok sa loob. Sabihin mo muna sa akin ang tunay na dahilan bakit ako narito, saka ako susunod sayo."
"I have no rights to tell you something. Ang tatay mo lang ang makakapagbigay ng sagot."
"No! Kung wala kang mabibigay na sagot sa akin, mas mabuting umalis na lang ako!!"
Akma na siyang aalis, pero sa nanlalaking mata niya, nasa balikat na siya ng lalaki at naglalakad na ito papasok ng bahay ng kanyang daddy.
"Put me down!!" Nagkakawag siya sa balikat nito, pati ata dugo sa ulo niya nagrarambulan dahil medyo nahihilo siya.
"Huwag ng matigas ang ulo mo dahil saglit ka lang naman kakausapin ng tatay mo. After that, puwede ka ng bumalik kung nasaan ang bahay mo."
"Isusumbong talaga kita sa daddy ko dahil sa walang pag-iingat na pagkuha sa akin sa bar!!"
Narinig niya na parang tumawa ito ng mahina.
"Sino ang may kasalanan kung bakit ganun na lang ang paraan para kuhanin ka sa bar? It's you lady, no one else."
Nalukot ang mukha niya at nagdidilim na rin ang paningin dahil sa nakabaliktad niyang katawan.
"Pag ako nakawala sayo. Susuntukin talaga kita!!"
"As if..."
Nanlaki ang mata niya at sinuntok-suntok ang likod nito. "Talagang hinahamon mo ako! Subukan natin, ibaba mo ako!"
"What do you think of me, idiot? No, lady, better luck next time."
Nagsusumigaw siya habang naglalakad ang lalaki sa mahabang pasilyo ng bahay ng kanyang dady, kaya ang tagal nilang makarating kung nasaan ito.
Pumasok ang lalaki sa isang kwarto at doon na siya nito binaba. Mahilo-hilo pa siya ng tumayo ng diretso, pero mukhang napansin naman ng lalaki na nahihilo siya, kaya magaan na hinawakan ang kanyang balikat. Pinalis niya ang kamay nito ng walang pag-iingat.
"Tsk... brat."
Nilingon niya ito habang nanlalaki ang mata, kung makapagsalita talaga 'tong tao na 'to feeling close sa kanya.
"Kung ako brat, ikaw naman walang puso!!"
Tinitigan siya nito sa mata ng malalim, pero parang lumamig ang paligid sa sobrang intense no'n.
"Yes, I am."
Napakunot ang no niya sa sagot nito, pinangalandakan talaga nito na walang puso ang katawan. Paano siya nakakatayo sa harap niya ngayon?
"Walang ganun." Tinalikuran niya ito at humarap sa daddy niya na nakikinig lang sa kanilang dalawa ng lalaki sa kanyang tabi, habang seryoso ang makikita sa mukha ng kanyang ama.
"Mabuti at narito ka na."
Agad siyang lumapit dito, pero tinaas lang ng dady niya ang kamay, kaya napahinto siya sa tangkang paglapit.
Walang kangiti-ngiti itong tumitig sa kanya. "You are my only child, Althea. When you wish something I have no hesitation to give you that, but starting this time. You won't receive any from me, until you work hard to get it."
Mabigla siya sa sinabi ng kanyang daddy. "B-But... daddy—"
"No buts, Althea."
"Why?"
"Ibinigay ko ang lahat ng luho mo hangga't wala ka pang nakukuhang trabaho, pero ano itong ginagawa mo na ngayon ko lang nalaman? Nagpupunta ka sa bar, hindi para uminom kun'di makipaglaro sa iba't-ibang lalaki!"
"Nag-eenjoy lang ako hangga't wala pa akong nakikitang magiging trabaho ko."
"Paano ka makakakita kung hindi ka naman gumagawa ng paraan para magkaroon? Binibigyan kita ng posisyon sa kumpanya, pero ayaw mo, mas gusto mong makipaglaro sa mga lalaki sa labas!!"
Bahagyang umawang ang labi niya sa mga salita na lumalabas sa bibig ng kanyang daddy.
"Dad—"
"I'm tired of what you are doing, Althea. I'll hire a man who follows and guard you whenever you go."
Nagsalubong ang kilay niya at lumingon sa lalaki sa kanyang likuran. Nakahalukipkip lang ito habang pinapanood siyang pagalitan ng kanyang daddy.
Pumorma pa ang mukha nito na parang nang-aasar. Umirap siya at muling humarap sa kanyang ama.
"I'm old enough to have a bodyguard!"
"That's the point, Althea! You're old enough, but still you act like a child!"
Nakipagmatigasan siya ng titig sa kanyang ama, pero sadyang hindi na ito lumalambot kahit ano pang gawin ng kanyang mukha para mapa-amo ito.
"Sa oras na 'to si Pheonix ang magbabantay sayo. Sa loob at labas ng bahay... ko."
Nanlaki ang kanyang mata. May sarili siyang bahay. "Pero dad, may sarili akong bahay. Doon na lang ako mag-stay habang binabantayan niya ako." Pakiusap niya.
"No. Hangga't hindi ka nagtatanda, dito ka muna sa bahay. Mas mainam na 'yon para mas mabantayan kang maigi at makapag-pokus ka sa paghahanap ng trabaho mo. Tutal naman ayaw mo kahit anong posisyon sa kumpanya ko."
Nagpapadyak siya. Dinig na dinig ang tunog ng takong ng suot niya. "Daddy naman!!"
Bumuntong-hininga ito. "Pino-protektahan lang kita sa masasamang loob anak. Hindi mo masasabi na hindi ka babalikan ng mga niloloko mong lalaki sa bar, kaya mas mabuting mapanatag ako pag meron kang bodyguard."
Tinuro niya si Pheonix. Iyon ang pagkakarinig niyang pangalan nito. "Ito dad ang magbabantay sa akin? Mas mukha pa siyang boss na umasta! Mabubugbog ang katawan ko sa hindi niya pag-iingat!"
"Kasalanan mo rin naman 'yon, Miss Althea. Ayaw mo pa kasi saking sumama. Mahinahon naman ang pagtatanong ko sayo kanina, and oh... " Tumingin ito sa daddy niya habang nakapaling ang ulo pakaliwa, nakaharang kasi siya sa mismong harap kung saan nakaupo ang kanyang daddy. "May balak na naman ho na gumawa ng eksena ang anak mo kanina, Don Vistre. Mabuti na lang at naaga akong pumunta roon."
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa lalaki. Nagsusumbong ba ito?
"Is that true, Althea?"
Lumingon siya sa dady niya. "Pakinggan mo muna ang pag-eexplain ko dad sa nakita niya, ganito kasi 'yon—"
"That's the truth, Don Vistre. Pasakay na siya sa kotse ng lalaki."
Kumuyom ang kamao niya ng sobrang diin, kahit sobrang haba ng kanyang kuko.
"Right, Miss Althea."
Aba't may kasunod pa talaga. Hinarap niya ang katawan sa lalaking nasa kanyang likuran.
"You!"
Mabilis siyang lumapit dito at akma na sanang sasampalin ito nang hinawakan nito ang pulso niya dahil naka-angat na ang kamay niya at handa na sanang lumapat ang palad niya sa mukha nito.
Tumitig nuna ito sa mukha niya bago tumingin sa kanyang kamay na hawak nito. "Masyado ka namang galit sa akin para magkaroon ng sugat sa palad mo. Uso na gumamit ng nailcuttrer para bawasan 'yang mahaba mong kuko na papunta na sa..." Ngumisi ito. "Alam mo na."
Hinablot niya muli ang kamay niya at kinagat na lang ang labi sa inis.