Althea
Muli siyang humarap sa kanyang daddy. "Malinis ba ang kwarto ko dito, dad?"
"Yes. Lagi namang malinis 'yon kahit iniwan mo akong mag-isa... rito."
Umiwas siya ng tingin sa daddy niya. Naramdaman niyang nagtatampo ito dahil umalis siya kahit sila na lang dalawa ang magkapamilya. Biyudo na ang daddy niya at wala na rin siyang kapatid dahil sabay nawala ang mommy niya at ang kapatid niyang bunso. Car accident ang dahilan kung bakit nawala sila ng maaga. Gusto niya sanang maging independent at humanap ng trabaho, pero hindi niya masimulan dahil nga may daddy naman siyang handa siyang tulungan sa pangangailangan niya, kahit magkano pa 'yon, pero ngayon mukhang magagawa na niya ang unang plano niya dahil rin sa kagagawan niya.
Tumayo ang daddy niya. "Malalim na ang gabi, kailangan ko ng matulog at maaga pa ako sa kumpanya." Tumingin ito kay Pheonix. "Pinakita ko na sayo ang kwarto mo dito. Pumunta ka na lamang doon."
"Salamat."
Muling tumingin sa kanya ang kanyang daddy. "Ikaw rin matulog ka na, at saka bago ka matulog alisin mo 'yang pintura mo sa mukha na sobrang kapal. Daig mo pa ang painting."
Ang dady talaga niya ang daming napapansin.
"Goodnight dad."
Ngumiti ito. "Goodnight." Lumakad ang daddy niya papunta sa kwarto nito, siya naman ay nagsimula na ring lumakad para magpahinga na rin sa kwarto niya rito.
Lumingon siya kay Pheonix dahil nakasunod din ito sa kanya. Huminto siya sa paglalakad, huminto rin ito.
Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit ka ba na kasunod?"
"Dito din ang daan patungo sa kwarto ko."
"Saan? Iisa, lang ang kwarto kung saan ako pupunta."
"Baka may ibang daan patungo sa kwarto ko."
Inirapan niya ito at nagsimula ulit lumakad. Ang haba kasi ng pasilyo kaya inis na inis na siya papunta pa lang ng kwarto niya rito sa bahay ng daddy niya.
Muli siyang huminto nang mapansin na nakasunod pa rin si Pheonix sa kanya. Hinarap niya ito at pinigilan na maglakad.
"Hanggang dito ka na lang. Kwarto ko na ang papunta rito."
Tiningnam nito ang daan patungo sa kwarto niya. "Really? Ang daan na ito ang natatandaan ko na dinaanan namin ng tatay mo kung nasaan ang magiging kwarto ko."
"What? Are you serious?"
"Yes."
Lumingon siya sa likuran niya kung saan ang pasilyo na ilang hakbang na lang kwarto na niya.
"Imposible. Kwarto ko lang ang naroon!"
"Malalaman natin pag nandoon na tayo."
Habang nakakunot ang noo ay lumakad siya patungo sa tapat ng kwarto niya, at muling humarap kay Pheonix.
"This is my room."
Tumingin ito sa pintuan na nakasara. "Ito rin ang magiging kwarto ko."
"Puwede ba! Huwag ka ng mag-joke dahil inaantok na ako. Hanapin mo na ang kwarto mo!"
Binuksan niya ang pinto at agad na sanang isasara 'yon nang hinarang nito ang kamay at tuluyan na pumasok sa loob ng kwarto.
"Ano ba! Sinabi ko na sayo na hanapin mo ang kwarto mo! Bingi ka ba?!"
"No."
"Hindi naman pala! Bakit pumasok ka pa rito?"
May tinuro ito, kaya sinundan niya ng tingin kung saan. Merong maleta sa ibabaw ng isang kama, at... wala naman sa isang kama.
Ngumiti siya ng hindi naniniwala. "No. Joke lang 'to. Namali lang ang katulong, kaya nandiyan ang maleta mo."
"Ako mismo ang naglagay niyan kanina."
Napapikit siya. Halos isang dipa lang ang pagitan ng kama nilang dalawa. May kurtina lang na nakatabing para hindi nila makita ang isa't-isa. Anong pumasok sa ulo ng dady niya para pagsamahin sila sa iisang kwarto? Masyado naman atang tiwala ang daddy niya sa lalaking 'to. Paano na lang kung gahasin ako?
"Don't think too much, Ms. Althea. Hindi kita type, kaya hindi ko gagawin ang nasa isip mo."
Lumakad si Pheonix papunta sa higaan nito. Binaba nito ang maleta sa gilid bago naupo.
"Matulog ka na." Tumingin ito sa mukha niya. "Pero bago 'yon. Alisin mo muna 'yang pintura mo sa mukha, sabi nga ng tatay mo."
Nagpapadyak siya habang patungo sa banyo. Meron pa naman siguro siyang cleanser sa banyo. May naiwan naman siyang pang skincare rito sa kwarto niya. Hindi pa naman siguro expired ang mga 'yon dahil ngayon year din naman niya binili 'yon.
Pag pasok niya sa banyo ay wala halos hindi nagalaw sa mga bagay na ginagamit niya sa mukha. Naka-ayos pa nga ang mga ito. Hinanap niya ang oil cleanser niya, inis na nag-pump siya ng ilang beses bago marahas na pinahid sa kanyang muka. Hindi sa makeup siya magkakaroon ng pimple kung hindi sa konsumisyon sa plano ng dady niya na parehas silang nasa iisang kwarto ng Pheonix na 'yon!
Tumitig siya sa salamin. Tulas lahat ng makeup niya na nagkalat sa kanyang mukha. Naghilamos siya agad at nag-ritwal pa ng ilang minuto para sa iba pa niyang nilalagay sa mukha, pagkatapos saka siya lumabas ng banyo.
Kukuha na lang siya ng damit sa cabinet pamalit sa suot niyang medyo revealing. Diretso siya sa cabinet at hanap agad ng pantulog. Mabuti na lang pala hindi niya naisipan na dalhin lahat ng gamit niya dahil mangyayari pala ito. Akma na siyang pupunta ulit ng banyo nang mapansin niyang nakatitig sa kanya si Pheonix.
Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit?"
Humalukipkip naman ito. "Mas mukha kang tao pag wala ang pintura mo sa mukha."
Nanlaki ang mata niya. "Hindi ka ba nakaka-appreciate ng mga babae na merong makeup sa mukha? Mas tumitingkad ang ganda nila pag meron sila no'n!"
"Bakit sayo hindi?"
Umawang ang bibig niya sa tabil ng bibig nito. Masyadong matalim pa sa kutsilyo ang mga salita.
"Kapal talaga ng mukha mo! Hindi ko kailangan ng opinyon mo!!"
"Kailangan mo dahil mas panget ka pag meron kang pintura sa mukha."
Napahigpit ang hawak niya sa damit sa kanyang kamay.
"Kung makapagsalita ka parang ang gwapo-gwapo mo!"
Ngumisi ito. "Ikaw ang magsabi na hindi ako gwapo. Tatanggipin ko 'yon, so... hindi nga ba?"
Tinitigan niya ang mukha nito. Ang peste umanggulo pa na parang may pictorial na nagaganap. Lakas mang-asar ng lalaki na 'to. Sinubukan niyang magsalita at sabihing panget ito at walang ibubuga sa mga lalaking pinaglaruan niya, pero napaurong rin ng bahagya itong ngumiti sa kanya. Wala na, naging marupok na ang babae na 'to.
"Sa tingin ko ay hindi naman totoo na hindi ako gwapo sa paningin mo, kaya magpalit ka na doon, pagkatapos ay matulog."
Hindi siya nagsalita. Umalis na lang siya kaagad at pumasok sa banyo. Inis niyang tinampal ang sarili dahil nabahag ang buntot niya sa lalaking 'yon. Parang sinabi na rin niyang gwapo talaga ito, in a silent answer.
Tatanungin talaga niya ang daddy niya bukas kung bakit parehas sila ng kwarto ni Pheonix. Hinubad niya ang mga damit niya at nagpalit.
Nang okay na ay lumabas na siya ng banyo. Tumingin muna siya sa kama ni Pheonix bago siya umupo sa kanyang kama. Nakasandal pa rin ito sa higaan at parang may ka-text, girlfriend nito siguro. Nagkumot na lang siya at bago humiga ng tuluyan ay nagdasal habang nakapikit.
Nang akma na siyang hihiga ay nakita niyang nakatingin si Pheonix sa kanya.
"Bakit na naman?"
"Marunong ka palang magdasal?"
Aba't, nagtalukbong na lang siya ng kumot dahil makakagawa pa siya ng kasalanan kung kailan nakapag-dasal na siya. Mas mainam na ipagpabukas na ang inis niya sa lalaking kasama niya rito sa kanyang kwarto.