bc

Book of Fate

book_age16+
155
FOLLOW
1K
READ
HE
arrogant
boss
blue collar
bxg
lighthearted
bold
genius
campus
highschool
like
intro-logo
Blurb

Si Alexa, ang babaeng may pangarap na maging successful writer na sumusulat ng mga kwento mula sa kanyang imahinasyon. Isang gabi habang pauwi ng kanyang bahay ay bumuhos ang malakas na ulan, kaya napilitan siyang huminto sa harap ng simbahan, ngunit sa pagtigil niya sandali para sumilong ay may makikita siyang isang lumang libro. Kinuha niya ito at dinala pauwi.

Ang libro na napulot ni Alexa ay hindi ordinaryo dahil ito ay mahiwaga. Ang nagmamay-ari nito ay hindi din tao, sila ay mga immortal na may mga kapangyarihan na nasa mundo ng tao.

Nang pinili ni Alexa na sumulat ng panibagong istorya sa libro na iyon, ay iyon na din ang oras na makakagawa siya ng kasalanan dahil ang bawat salita, pangyayari, pagsasalaysay, at diyalogo na isusulat niya ay nangyayari sa mga totoong tao at hindi lang sa libro. Ang libro na nakuha niya ay ang "Libro ng Tadhana." Sa libro na 'yon sinusulat ang mga tao na nakatakda ng magtagpo, ngunit ang dapat lang na gumamit ng libro na 'yon ay ang kanang kamay ng Diyos ng Tadhana lamang, at hindi si Alexa.

Dalawang istorya ang magaganap dahil sa mahiwagang libro na iyon. Ang kwento ni Alexa, ang writer, at ni Daniella, ang bidang babae sa istorya na sinusulat ni Alexa na may pamagat na "Book of Fate."

Sa kamalian na nagawa ni Alexa, ang tadhana nilang dalawa ay magugulo. Sa huli parehas nga ba na magiging maganda ang wakas ng kanilang kwento o may isang kwento na matatapos sa masakit na wakas?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Habang nag-aayos ng hapag-kainan si Lexie dahil oras na din para kumain ng hapunan ng oras na 'yon. "O hindi na naman nakapasa 'yang istorya mo?" tanong ng kaibigan niyang si Lexie. Malungkot na tumango lang siya sa kaibigan. "Sinabi ko naman kasi sayo magtrabaho ka na lang kaysa pinag-aaksayahan mo ng panahon 'yang mga libro mo, at least pagnagtrabaho ka kumikita ka, e diyan wala, lagi ka na lang umuuwi ng gabi dahil lang sa paghahanap ng tatanggap diyan, " mahabang sermon nito. "Alam mo naman na kahit may natapos akong kurso ay pagsusulat talaga ang gusto ko," sagot niya sa nanghihinang boses. "Suportado naman kita kung saan ka masaya, pero ang sa akin lang naman magpahinga ka naman. Halos araw-araw kang laman ng kalye at gabi pang umuuwi." "Oo na hindi mo na ko lalabas ng bahay mayroon pa naman akong pending na isang istorya. Wala pa sa kalahati 'yon magsusulat na lang ako," nakangiti na niyang sagot. Napailing na lang si Lexie sa pagbabago ng mood ni Alexa na kanina ay parang nalugi, ngayon kung makangiti ay parang walang nangyari. "Kumain na nga tayo anong oras na." Aya nito sa kanya. "Sige, magpapalit lang ako ng damit." Lumakad na siya papunta ng kwarto para makapagpalit. Nang nakapasok na si Alexa sa kwarto niya ay ang unang makikita ang mga kalat na papel sa higaan at sahig. Lahat ng ginamit niyang mga pirasong papel sa pag-gawa ng plot ng story ay nagkalat. Tamad niyang pinatong ang manuscript na dala niya sa mesa at nahiga. "Isang araw na naman ang lumipas at isang istorya ko na naman ang hindi natanggap." Pumikit siya sandali at ilang minuto sa gano'n na posisyon. Si Alexa ang babaeng gustong maging successful author. Nakapagtapos ng kursong Hotel, Restaurant and Management, pero pagsusulat talaga ang gusto, pero mukhang hindi naaayon sa gusto niya ang takbo ng tadhana dahil kung mayroon man siyang natapos na isang libro ay hindi naman ito tinatanggap ng isang publishing house dahil hindi maganda ang daloy ng istorya, kaya laging bigo sa tuwing umuuwi siya. Ulila na din siya sa edad na labing-isa. Ang tanging sumusuporta lang sa kanya ngayon ay ang kanyang tita sa ibang bansa nagtatrabaho. Ito ang kapatid ng nanay niya, simula ng mamatay ang mga magulang niya ay ito na ang nagbibigay ng pang-gastos niya kahit na ngayon na may kakayahan na siyang magtrabaho ay nakasuporta pa rin ito. Nakapagtapos naman si Alexa at puwede na rin siya makahanap ng trabaho na tiyak na makukuha siya kaagad dahil siya ay graduated ng Hotel, Restaurant and Management, at nag-major ng Culinary Arts, pero hindi niya binalak dahil ang gusto niya ay maging writer ng isang libro, maging isang kilalang author na ang istorya ay mag-iiwan ng kurot sa kanilang puso sa lahat ng magbabasa nito. Isang mabait na tao si Alexa kahit pa madalas ay laging mainit ang ulo ng kanyang kaibigan na si Lexie dahil halos inaabot siya ng gabi sa daan. Alam naman niya na delikado pag-gabi, pero pangarap niya kasi, kaya kahit abutin pa siya ng gabi sa daan ay ayos lang basta umuwi lang na may ngiti sa mga labi, pero lagi naman itong umuuwi na bagsak ang balikat dahil sa hindi na naman tanggap ang mga ginagawa nitong istorya. Si Alexa yung tipong maraming eksena sa istorya hanggang sa kalagitnaan, pero pagnalalapit na ang katapusan ay wala siyang maisip na scene para sa istorya niya, kaya naman iiwanan niya ito at magsisimula ulit ng panibago dahil ibang istorya naman ang pumapasok sa utak niya. In short sa umpisa lang siya magaling, pero hindi na niya mapanindigan hanggang sa huli. Mayroon naman siyang natapos katulad ng hawak na papel na inuwi niya din dahil hindi nagandahan ang editor o kaya hindi masyadong papatok sa mga readers ang plot ng story niya. No choice kaya inuwi na niya muli ito at gumawa na lang ulit ng bago. Bumangon siya at lumabas ng kwarto at tumuloy sa kusina, nadatnan niya si Lexie habang nakaupo sa harap ng lamesa na may nakahanda ng pagkain. "Umupo ka na," sambit ni Lexie. Umupo siya at nagsimula ng kumain. "Siya nga pala Alexa baka gusto mong mag-apply kung saan ako nagtatrabaho. Hiring sila ngayon." "Pag-iisipan ko muna siguro." "Sige, sabihan mo na lang ako kung interesado ka." Tumango lang siya at nagpatuloy ng kumain at pagkatapos siya na din ang naghugas ng mga pinggan bago pumasok sa kwarto niya at magsimula ulit bumuo ng istorya na isusulat niya. Habang nakatulala siya sa kawalan at nag-iisip ng plot ng istorya ay naisip niya, "Ang isang istorya ay parang buhay din ng tao minsan, noong panahon na isinilang at nagka-isip ay parang kay dali lang ng bawat araw na parating na walang problema, pero habang lumalaki at nagkaka-edad ay doon na nagpaparamdam ang hirap, doon na rin makakaramdam ng pagod, tinatamad sa bagay na gustong-gusto gawin noong umpisa pa lang, pero sa bandang kalagitnaan ay nawalan na ng gana, pero naisip ko sinimulan ko na, meron na akong nasimulan. Bakit hindi ko pa tapusin hanggang dulo para worth it naman ang paghihirap ko noong nag-uumpisa pa lang ako?" Napabuntong-hininga na lang siya. "Ang makatapos at matanggap lang ng kahit hindi na siguro sikat na publishing house ang mga istorya ko ay sobrang saya na ng puso ko." Malungkot siyang tumingin sa manuscript na hindi natanggap. "Pero ang tanong kelan kaya 'yon?" Iniling na lang niya ang ulo para maalis ang mga iniisip para makapag-umpisa na ulit siyang magsulat. Nang gabi din nga na 'yon ay nagsimula ulit magsulat si Alexa ng kanyang panibagong istorya na iaaply. Samantala sa isang gubat na puro puno lang ang makikita at mga dahon na tuyot sa lupa. May isang maliit na bahay na gawa sa kahoy ang naroon. Aakalain ng iba na isang tao lang ang kasya dito ngunit sa pagpasok sa loob ay isang mahiwagang bahay pala ito. Pagpasok sa loob ay makikita ang mga librong mukhang ilang taon na ang tanda. Ang mga lampara na may mga alikabok at tila may usok sa loob na may mga mahika. May isang matandang lalaki ang naka-upo sa isang lumang upuan sa harap ng lamesa. "Lucas nasaan ka na naman na bata ka!" sigaw nito. May isang batang palapit sa kanya ngunit hindi paa ang gamit nito, ang paglutang sa ere. "Bakit po lolo Victor?" "Ano na naman ang ginagawa mo at kanina ka pa wala rito?" "Nando'n lang po ako sa isang cabinet na puno ng libro at nagbabasa." Sabay turo sa dulo ng mga lagayan ng mga libro. "May kailangan po ba kayo?" "Kuhanin mo nga iyong mahiwagang libro ko sa aking kwarto." Lumipad patungo sa kwarto si Lucas at isang libro na luma ang dala niya pabalik. "Ito na po." Inabot niya ito at nanatili pa ding nakalutang. Tiningnan siya ni Victor. "'Di ba sinabi ko na huwag mong madalas gamitin ang kapangyarihan mo na 'yan, baka mamaya may mga taong maligaw sa gubat at makita ka." Dismayadong bumaba naman sa pagkakalutang si Lucas. "Puwede ka ng bumalik sa ginagawa mo kanina dahil hindi ako puwedeng istorbohin sa aking pagsusulat. Nakatakda ng mangyari ito." "Masusunod po." Lumakad na paalis si Lucas at naiwan si Victor na nagsuot na ng kanyang salamin sa mata at hinawakan na ang kanyang panulat na ang hawakan ay isang balahibo na kulay puti. "Kay tagal mo itong hinintay, sa wakas pinakinggan na ang hiling mo na matagpuan na siya, Jack." Nagsimula na itong magsulat sa lumang libro.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook