Kabanata 2

1312 Words
Si Victor ay isang alagad ng isang nakatataas na siyang nagdidikta ng lahat. Magbibigay ito ng mensahe sa bawat mangyayari at si Victor naman ang magsusulat sa mahiwagang libro upang mangyari ito kahit saan pang mundo naroon ang magiging mga tauhan sa libro. Ang libro ng tadhana, once na maisulat ang lahat ng pangyayari sa libro ay magaganap ito sa totoong mga tao, hindi simpleng pagsusulat lamang ang ginagawa niya dahil meron din itong mga pangyayari na hindi muna pagtatagpuin ang dalawang bida sa libro, may mga hindi muna magandang mangyayari minsan bago sila magkatuluyan na parang isang kwento na galing lang sa imahinasyon na binabasa ng mga mortal na tao. Sa oras na iyon ay ang pangalan na Jack ang mapagbibigyan ang hiling. Ilang taon na din ang nakakalipas at nagkataon pang si Jack at ang babae nitong kay tagal nang hinahanap ang mabibigyan na ng kasagutan dahil sila talaga ang itinadhana sa isa't-isa simula pa lang. Ilang oras nang nagsusulat si Victor at paubos na rin ang kanyang tinta na nakalagay sa isang maliit na bote. Nahinto siya sa kalagitnaan ng pagsusulat. "Siguro sa ibang araw ko na lang ito itutuloy. May ilang araw pa naman ako para tapusin ito." Isinarado na niya ang libro at nilagay lang sa gilid ng lamesa kasama ang kanyang salamin sa mata. Sa bawat salita na isinulat sa libro ay kusang maglalaho at sa oras na nawala ito ay ibig sabihin ay nagaganap na ito sa mga tao na kasama ang pangalan sa libro. Samantala halos dalawang oras lang ang tulog ni Alexa dahil sa pagsusulat kaya naman ang eyebag niya ay nangingitim na at buhok na hindi pa nasusuklay ng lumabas siya ng kwarto at pumunta ng kusina. Nang oras na 'yon ay nagkakape si Lexie at ng nagawi ang paningin nito kay Alexa ay muntik ng mapaso ang bibig dahil sa itsura niya. "Ano ka ba naman!" sambit ni Lexie. "Bakit?" tamad na sagot niya. "Anong bakit? Hindi ka ba natulog at ganyan ang itsura mo?" Hinawakan niya ang kanyang mukha at buhok. "Natulog naman ako." "Ang sabihin mo malapit ng mag-umaga ng natulog ka. Tingnan mo 'yang sarili mo kahit ang suklay ay hindi na kayang ayusin 'yang buhok mo." Ipinatong niya ang siko sa lamesa at ang pisngi sa palad niya. "Kasi naman wala akong maisip na isulat, sa kakaisip kung ano ang isusulat ko ay hindi ko namalayan ang oras." "Ang tanong meron ka bang naisulat kahit isang chapter man lang?" Ngumiti siya at umiling. "Hay naku Alexa sinasabi ko na sayo trabaho na lang ang pagpuyatan mo at least doon kumikita ka na, hindi katulad ng ginagawa mo na puyat lang ang nakukuha at posibleng magkasakit pa." Maliit lang siyang ngumiti kay Lexie. "O siya una na ko baka ma-late pa ako sa trabaho, kumain ka baka mamaya magkulong ka na naman sa kwarto at makalimutan na kumain." Kinuha na nito ang kanyang bag at tuluyan ng umalis. Pagkatapos kumain at linisin ni Alexa ang kwarto niya ay umalis siya ng bahay at pumunta sa isang pasyalan para ma-relax ang isip niya. Napunta siya sa isang open place na may katabing ilog at mga upuan sa gilid ng mga puno. Umupo siya at pumikit para sumagap ng sariwang hangin, pero habang nakapikit siya ay may isang boses sa gawing likuran niya na mukhang may kausap. "Bakit napatawag ka?" sambit ng boses lalaki sa likuran niya. Kahit pa nakapikit siya ang tenga naman niya ay nasa taong may kausap sa kanyang likuran. "Sigurado ka ba diyan, sige papunta na ko!" Sa boses na mukhang may balitang maganda itong natanggap. Pakiramdam ni Alexa ay mukhang umalis na ito kaya naman dumilat na siya at lumingon sa likod, pero ang nakita na lang niya sa lalaki ay ang likod nito habang naglalakad palayo. "Ganda ng build ng katawan niya, pogi siguro 'to kung nakita ko 'yong mukha niya." Hanggang sa mawala na ito sa paningin niya kaya bumaling na ulit ng tingin sa ilog. Tinuon na lang niya ang pansin sa pag-iisip ng mga scene niya sa bagong istorya, pero aaminin niya na tinamaan siya ng writer's block kaya kahit anong imagine niya sa isip ay wala siyang mabuo kahit isa. "Anong klaseng inspiration ang kailangan ko para lang makagawa ng magandang istorya," na sambit niya ng malakas at narinig ito ng katabi niya sa upuan na hindi niya namalayan na umupo dahil lumilipad ang isip niya. "Magandang araw sayo, mukhang may problema ka ata napansin ko na tila kay lalim ng iniisip mo?" Napalingon siya sa taong nagsalita at isang matandang lalaki ang nakita niya. "Pasensya na ho kung malakas ang boses ko." Sabay ngiti na may bahid ng pagkapahiya. "Walang problema sa akin, pero ano ba ang iyong problema?" Bumuntong-hininga siya at sinabi ang iniisip niya kahit pa hindi naman niya ito lubusan na kilala. "Ano po kasi Lolo, isa po kasi akong writer na nagsusulat base sa imagination ko pero lately po kasi wala pong pumapasok sa utak ko, kaya nandito ako ngayon para ipahinga ang isip ko, pero mukhang hindi rin po naging effective." Tumango-tango ang matanda at humarap sa ilog. "Alam mo kasi ang pangyayari na gusto mong makamit ay hindi agad ibinibigay, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo sa araw na ito. Parang sa isang istorya dapat ka munang mag-isip ng ilang beses bago mo pa ito simulan, at hindi sa lahat ng oras at araw ay mararamdaman mo ito katulad ngayon sabi mo nga walang pumapasok sa isip mo kaya ka nandito, ngunit hindi mo ba alam ang lahat ng naging successful na manunulat ay hindi dahil gusto lang nilang maging sikat na Author ng isang libro." "Ano po dapat ang gawin kung ganon?" "Nagsusulat ka dahil hindi lang sa iyong imagination kung hindi dahil ginamit mo rin ang iyong puso upang ang lahat ng magbabasa nito ay maramdaman kung ano ang naramdaman nang writer ng libro habang sinusulat niya ito. Pansin mo hindi lahat ng writer sa buong mundo ay naging successful kahit pa marami na silang libro. May alam ka ba kahit konti, kung bakit?" Umiling lang siya bilang sagot. "Dahil sumulat lang sila para sa kanilang sarili, bilib sila dahil kaya nilang magsulat ng ganong ka dami na kwento o libro at sabihin na natin na ang ganda ng pamagat ng istorya nila, pero ang tanong dito pati rin ba ang kwento sa likod ng pamagat? Kaya ikaw maaari kang makagawa ng magandang libro, pero hindi mo naman obligasyon na gumawa agad-agad dahil 'yon ang gusto mo. May tamang panahon at oras para do'n mas mainam sigurong sabihin na magtiwala ka muna sa kaya mo lang gawin sa ngayon." Pagkatapos ay ngumiti ito kay Alexa. "Kung ganun po naniniwala po kayong kaya kong makagawa ng isang libro na mamahalin ng magbabasa nito?" "Oo naman, pero hindi lang ito ang dapat mong gamitin." Sabay turo sa sintido ng matandang lalaki. "Isama mo na din maging ang puso mo." Ngumiti siya sa sinabi ng matanda dahil parang nawala ang sakit ng ulo niya sa pag-iisip kanina. "Maraming salamat po lolo, kahit paano ay gumaan ang loob ko sa sinabi niyo." "Walang anuman, pero bago ako umalis iiwan ko sayo ang isang paalala. Hindi lahat ng nakasulat sa libro ay mangyayari din sa totoong mundo, kaya sa lahat ng magbabasa ng iyong kwento ay panatilihin lang nila ito sa imagination nila dahil hindi ito mangyayari sa kasalukuyan kahit 'yon ang tadhana na gusto nila na mangyari sa kanila, katulad ng nasa libro. Hindi sila ang magdidikta sa kanilang sariling tadhana." Tumayo na ang matanda at handa ng umalis. "Aalis na ako, mag-ingat ka sa iyong pag-uwi." At lumakad na ito paalis. "Ang galing naman ni lolo, mahilig kaya siyang magbasa ng libro?" tanong niya sa sarili, pero ilang minuto lang ay tumayo na rin siya at naglakad paalis sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD