Chapter 9

1031 Words
Kabanata 9 "IKAW NA ANG BAHALA sa lahat ng gawain, Esang. Nabilin ko na rin sa iyo ang lahat ng mga dapat mong gawin. We have to go now, we were late na." Tiningnan ng amo niya ang relo nito sa kamay sabay dampot ng mamahaling bag sa sofa. Samantalang siya ay nakatayo lang at tango lang nang tango habang inoobserbahan ang buong pangyayari. Kakarating niya lang kanina sa mansyon at agad sa kanya sinabi ang lahat ng kanyang gagawin. Pagkatapos no'n ay pinabihis na siya ni Madam Chelsea at sumalang agad siya sa trabaho. Mabuti na lamang at hindi siya nahuli, at maaga siyang pumunta, tulad ng sabi nito sa kanya kahapon. Narinig niya ang mga yapak ng isang sapatos na nagmumula sa taas. Bumababa ang kung sinoman sa hagdan. Napatingin siya sa gawing kanan sa taas. Nakita niya ang isang lalaking kasing edad na ni Madam Chelsea. Bihis na bihis ng business attire ang may edad ng lalaki habang may hawak-hawak itong atache case sa kanang kamay. Nakasuot pa ng salamin at nakaside pa ang buhok nitong may puti na. Napagawi agad ang tingin nito sa kanya sabay kunot-noo. Inakbayan siya ni Madam Chelsea at pinakilala sa may katandaan nang lalaki. Sa hinuha ni Esang ay ito ang asawa ni Madam Chelsea. Hindi niya kasi ito nakita kahapon, kung kaya't panigurado siyang ito na talaga ang isa sa amo niya. "Felipe, I would like introduce to you our new maid, she is Esang Asuncion." Bumaling naman sa kanya ang among babae. "At Esang, siya ang asawa ko, si Don Herbert Del Grudo." Yumuko siya rito bilang tanda ng paggalang. "Ikinagagalak ko po kayong makilala, Don Herbert." Tumango lang ang among lalaki sabay tingin nito sa relong suot. "Please to met you too, Esang. Let's go, Chelsea. Late na tayo sa meeting natin." Walang lingon-likod na itong lumakad papalabas ng mansyon. Tinapik muna siya sa balikat ni Madam Chelsea bago na ito sumunod sa likuran ng asawa. Nang mapag-isa na'y napahinga nang malalim si Esang sabay pikit ng kanyang mga mata. Pagkamulat niya'y inilibot niya ng tingin ang buong mansyon. Paniguradong mapapagod siya sa araw na ito sa paglilinis ng ganoong kalaki na bahay. Bukod pa sa laki nito ay marami pang mga kagamitang kailangan niyang linisan. Mga naglalakihang kabinet, mga chandeliers sa kisame, mga malalaking flower vase sa kada sulok ng bahay, mga paintings na nakasabit sa dingding at mga picture frames ng kanyang dalawang amo at maaging ang mga anak ng mga ito, idagdag pa ang labahan na pinakita sa kanya ni Madam Chelsea kanina na nasa dalawang malaking tray at ang lima pang silid na kailangan niyang ayusin. "Kaya mo 'to, Esang! Kaya mo 'to! Laban lang! Para sa pamilya at sa kinabukasan!" Humugot muna siya nang isa pang malalim na hininga saka nagsimula na sa kanyang mga gawain. . . . GABI NANG UMUWI ang mag-asawang Del Grudo. Agad na naghain ng hapunan sa hapag-kainan si Esang. Nakikita niyang pagod na pagod ang dalawang amo sa isang araw na trabaho. Napansin niya rin na hindi umuwi ang tatlong anak ng mga ito na nasa picture frame kanina. Marahil siguro ay may mga trabaho na ang mga ito. Hindi niya dapat pagtuunan ng pansin ang mga gamoong isyu. Lalo na at katulong lamang siya sa loob ng mansyon na iyon. Labas na siya sa kung anong mga personal na usapin ng pamilya Del Grudo. Kakatapos lang ihanda lahat ni Esang ang mga pagkain ay agad na kumain ang mag-asawa. Pumunta na lamang muna siya sa likod ng mansyon sa may mini-garden. Kung saan ay konektado sa kusina. Ililigpit na kang muna niya ang mga basura na naroroon habang hinihintay na makatapos ang dalawang amo sa pagkain. Pagkatapos no'n ay saka na rin siya kakain. Sa kanyang pagliligpit ng mga basura ay bigla na lamang may kaluskos siyang narinig mula sa isang malagong harden na naroroon. Napakunot ang kanyang noo at pinanindigan ng balahibo mula sa kanyang mga braso papunta sa kanyang batok. Iniwan niya muna ang isang supot ng garbage bag at dahan-dahan siyang lumakad papunta sa malagong harden. Ganoon na lamang ang singhap niya nang bigla na lamang lumabas doon ang isang lalaki na nakasuot ng uniporme! Ito ang isa sa anak ng mag-asawang Del Grudo! Pinasadahan niya ito ng tingin. At sa hinuha ni Esang ay talagang kasing edad niya ito. Nanlalaki ang mga mata nito nang mapatingin sa kanya. Mayamaya ay nangunot na rin ang noo nito. "Sino ka?!" tanong nito habang nakaturo ang hintuturo nito sa kanya. "A-ah—" Hindi niya magawang sumagot dahil sa gulat dahil sa lakas ng boses nito. "Anong ginagawa mo rito sa harden ng bahay namin? Magnanakaw ka no?!" muli nitong sigaw dahilan upang tumahol ang aso na nakatali sa may gilid ng bahay. Muntik na siyang mapasigaw dahil sa gulat. Mabuti na lamang at hindi siya napunta roon kanina. Paniguradong kanina pa siya nalapa ng aso! Ito nga ang bunsong anak nila Madam Chelsea at Don Felipe. Ang dalawang matandang kapatid nito na mga babae ay may trabaho na, sigurado siya. Dahil sa picture frame kanina ng dalawang babae na graduated na ng kolehiyo. Kung ganoon ay ito na lamang ang natitirang nag-aaral. "Hindi! Ako ang bago ninyong katulong." Tila sumeryoso ang mukha nito pagkarinig sa sinabi niya. Pinagpagan nito ang pwet at kinuha ang itim na bagpack sa ibabaw ng bermuda grass. Mukhang lumukso ito sa mataas na pader. "Umalis ka na kung ayaw mong mapahamak. Maaga pa, may oras ka pang magpakalayo-layo." Kumunot ang noo ni Esang sa sinabi nito. "Huh? Bakit naman ako aalis? Kailangan ko ng trabaho. Ito na lamang ang tanging paraan para—" Hinawakan siya nito sa braso nang mahigpit. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Kung ayaw mong masira iyang mga pangarap mo. . . umalis ka na rito. You don't know what will happen to you here, lady. You enter a wrong door." Pwersahan siya nitong binitiwan. Naluluha si Esang habang nakasunod ang tingin niya sa likuran ng lalaki. Hindi niya aakalain na sa mga oras na iyon ay may hahadlang sa pangarap niya. Ano ang ibig sabihin ng lalaking iyon? . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD