Chapter 10

1077 Words

Kabanata 10 MAAGA PA LANG ay nagluto na ng agahan si Esang. Hindi na lamang niya inisip pa ang nangyari kagabi. Hindi niya pinansin ang sinabi ng anak ng kanyang amo. Kahit ano man ang ibig sabihin ng sinabi ng lalaking iyon sa kanya kagabi ay wala siyang pakialam. Nandirito siya sa mansyon na ito para tuparin ang pangarap niya at maging ng mga kapatid niyang umaasa sa kanya. Mabilis niyang inihain sa mesa ang lahat ng mga pagkaing niluto niya; scramble egg, fried rice at pinaksiwang bangus. Iyon lamang kasi ang nakita niya sa loob ng ref. Mamaya ay mamalengke siya kapag uutusan siya ni Madam Chelsea. Natanaw ni Esang na pababa ng hagdan ang lalaking nagbanta sa kanya kagabi. Nakatingin ito sa kanya nang mataman sabay iling nito nang sunud-sunod. Napahinga na lamang siya nang malalim

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD