Kabanata 11 TINITIGANG mabuti ni Haven ang dalawang pulis na siyang nagsabi na patay na si Aling Salvi. Itinuro sa kanya ni Lola Sarah ang dalawa nang isama niya ang matanda sa presinto bago niya ito ihatid sa palengke. Pagkagaling sa palengke ay muli siyang bumalik sa presinto para kausapin ang dalawang pulis na naging kasama niya rin noon sa isang kaso. Kilala niya ang dalawa na magaling din sa pagresulba ng mga kaso sa baranggay nila Esang. Sa ngayon ay hindi niya alam kung bakit ang dalawang ito ang nagsabi na patay na si Aling Salvi, gayung hindi naman nakikita ang bangkay ng biktima. Inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang litrato ni Aling Salvi at pinakatitigan sa mga mata ang dalawa. Agad na umiwas si Kosor na matipuno ang katawan na may kaunting balbas sa ibabaw at ibaba ng labi. S

