Kabanata 12 MAAGANG pumunta sa presinto si Haven para puntahan sila Kudor at Florence. Ngunit nang dumating na siya sa opisina ng dalawa ay sinabi ng ilan doong kapwa pulis, ay hindi na pumasok ang dalawa pagkatapos ng pagkikita nilang tatlo kahapon. Napakuyom ang kanang kamay ni Haven habang napamura ng ilang beses sa isipan. Sigurado siyang may kinalaman ang dalawang iyon sa kaso. Iyon ang kailangan niyang malaman. “Kailangan ko ng tulong ninyo. Hindi pwede na takasan nila ang kasong kailangan maresulba.” Agad na pumayag ang ilan sa mga naroroon para tulungan siya sa paghahanap kay Kudor at Florence. Sa ganoong paraan ay mapapaaga ang pagresulba sa kaso. Itatalaga na lamang niya sa Diyos ang lahat kung ano man ang nararapat. Dismayado siyang sumakay sa kanyang raider 150 Suzuki na

