Kabanata 13 MALAYO ANG TINGIN ni Esang habang nagpupunas siya ng mga flower vase sa salas ng mansyon. Hindi na niya napansin si Dreamo na kanina pa nakatingin sa kanya nang palihim. Iniisip niya kung kumusta na ang dalawang kapatid at ang Lola Sarah. Pati na rin ang kaso ng kanyang ina na si Aling Salvi. Kung kumusta na rin si Haven na ginugugol ang oras para sa pagresulba ng kaso ng kanyang ina. Halos mag-iisang buwan na rin siyang nagtatrabaho sa mansyon, at halos memorya na niya kung anong oras umuuwi ang dalawang mag-asawa galing trabaho. Maging ang anak ng mga ito na si Dreamo ay alam na rin niya kung anong oras umuuwi galing paaralan. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa may dingding. Alas sinco na ng hapon, mayamaya nito'y darating na si Dreamo. Mamaya pang ala sais o alas

