DERITSO ang tingin ni Haven kay Mr. Del Grudo. Hindi niya nilulubayan ang mga mata nito. Sa mga mata kasi makikita ang lahat; malalaman ng sinoman kung nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo ang isang tao. Si Don Herbert kasi ang nagpresenta na magpa-interrogate at hindi na nito pinasama ang asawa. Dahil sa alam na ni Haven na iisa lang ang krimen na ginawa ng mag-asawa, ay pumayag siya agad sa paki-usap ng matandang lalaki. Iwas ito nang iwas ng tingin. Napangisi siya. Hindi pa nga nagsisimula ang pag-i-interrogate niya ay mukhang guilty na ang Don; o tama ang salitang kinakabahan? Pinagsiklop niya ang kamay. Hindi na dapat niya pinapatagal ang lahat. He should need to know where Salvi Asuncion is. “Tell me everything, Mr. Del Grudo. Huwag kang magsisinungaling, we have proof, a lo

