TATLONG ARAW nang sinusundan ni Haven ang mga magulang ni Dreamo at wala pa siyang napansin na kahina-hinala sa mga ito. Baka nagkamali lang si Dreamo sa narinig nito, o baka ay nililigaw lang siya ng mag-asawa? Kumibit-balikat siya sa isiping iyon. Pang-apat na araw na itong pangmamanman niya. At ang dalawang mag-asawa ay sakay ng kotse, papunta ito sa kabilang bayan. Maingat siyang nakasunod sa hulihan ng kotse. Hindi siya nagpapahalata, mahirap na ang mabesto. Sayang ang lahat kung mapupunta lamang sa wala. Ang ibinigay sa kanya ng kanilang hepe para sa ika-uusad ng kaso ni Salvi Asuncion ay hindi na niya pinansin. Mga larawan iyon kung saan nasa club si Salvi— mga panahong sikat pa ang babae. Maaring may konektado iyon sa lahat na nangyayari na ito. Pero wala siyang makitang m

